Finally natapos ang unang klase nila sa terror na teacher na ito. Kinalap kaagad ni Julie lahat ng gamit niya at sinuksok sa bag kagaya din naman ng ginagawa ng iba pa niyang kaklase ng kalibitin nanaman siya ni Simon.
"Julie..."
Napatingin siya dito. "O... Simon..."
"S-sorry kanina ah. Nadamay ka pa kasi ang daldal ko." Sabi ni Simon na nakatungo, halatang nahihiya sa nangyari kanina.
"Ok lang yun ano ka ba." Nakangiting sabi ni Julie. "Sadyang moody lang iyong professor natin."
Muhka namang natuwa si Simon sa sinabi ni Julie kaya naman nanumbalik ang ngiti sa labi nito.
In fairness cute ka nga...
Pero bigla naman lumukot ang muhka ni Simon na pinagtakhan ni Julie. She turned around and found out.
Kaya naman pala...
"Julie tara na, hindi ka pa ba nagugutom, kain na tayo." Sabi ni Elmo habang nakatayo sa likod ni Julie pero kay Simon nakatingin.
Napatingin si Julie sa dalawang lalaki at nakita na pareho matalim ang mga titig nito sa isa't isa.
"Uh, sige Simon. See you later na lang." Sabi ni Julie sa kaklase. Tiningnan niya si Elmo at nakita na matalim pa din ang tingin nito kay Simon kaya naman siya na ang naghila dito palayo.
Nakalabas na sila ng lab room at lahat naman ay nasa may elevator na banda at silang dalawa na lamang ang nasa may pintuan.
Napasimangot si Julie sa kaibigan. "Elmo problema mo at kanina ka pa simangot ng simangot?"
"Tss... Wala." Elmo said, looking away and acting like a spoiled 5 year old.
"Anong wala! Tigil tigilan mo nga ako eh kanina ka pa nagsusungit at nagsisimangot tapos ano naman yun kanina kay Simon?!" Naiinis na sabi ni Julie.
"Wala nga. Nayayabangan lang ako doon kay Sandoval." Sabi naman ni Elmo. Hindi pa rin siya nakatingin kay Julie kaya mas lalong naasar ang dalaga.
At dahil ayaw niya magmuhkang immature, she decided to just walk away. "Bahala ka diyan Magalon para kang babae na may regla..." She uttered those final words before catching up with Bea, Jhake and Tippy.
Pero hindi pa niya naabot ang tatlo pa nilang jaibigan nang maramdaman naman niya na kumapit si Elmo sa kamay niya at pinatigil siya sa paglalakad.
"Jules, look, I'm sorry. Narinig ko lang kasi na babaero daw yung Sandoval na iyon kaya I don't want you going near him." Sabi naman ni Elmo habang deretsong nakatingin kay Julie.
Hindi naman nawala ang inis ni Julie. "Elmo, sino ba may sabing boyfriend ko na iyon? Hindi naman diba? Kaya please? Will you chill out? The guy isn't doing anything wrong..."
Elmo gave a defeated sigh. "Sige na sige na. I'm sorry, wag ka na lang magagalit please? Ayoko nagagalit ka sa akin eh."
Muhkang alam na alam ni Elmo na kapag dinaan niya sa puppy dog eyea niya ay kaagad namang titiklop si Julie.
"Alright alright." Julie sighed back. "Basta Elmo ah. He's a new classmate. Be nice."
"Yes boss."
Hindi na nagsalita pa si Julie at sumunod na lang kung nasaan sila Tippy habang si Elmo naman ay nasa likod niyang nagalalakad.
"O kamusta? Bati na kayo?" Tippy asked, holding on to her shoulder bag.
"Tss. Wala naman yun eh." Julie said habang si Elmo ay nakangiti lang na nakatingin sa kanila.
Sakto naman na dumating yung elevator para makasakay na sila at doon din naman naramdaman ni Julie na nagring ang phone niya.
It was a text message from Rocco.
Jules! Emergency meeting tayo mamayang 5. Sa 5th floor na lang tao magkita kita. See you!
===============
Sa food court na katapat lang mg school nila napaili kumain. Masarap sana yung pagkain doon kung hindi ka lang minsan kakabahan para sa buhay mo. Feeling kasi nila magkakahepa sila kapag doon sila kumain pero keber, e sa masarap yung pagkain doon eh.
"Kuya yung sisig nga po, ikaw ba Elmo gusto mo?" Hinarap ni Julie ang kaibigan habang nagtatanong sila only to see he was too engrossed with his phone to hear what she had to say.
"Huy." She said, prodding him with a finger.
Slight naman na napatalon si Elmo nang maramdaman nga ang pagpindot sa kanya ni Julie kaya naman kaagad na tinago ang phone. "Ah hehe. sorry Jules. Ano ulit sabi mo?"
Iniwasan naman ni Julie ang umirap pero sa loob looban lang niya naaasar siya dahil alam niya na katext nanaman ni Elmo yung babaemg liniligawan niya. "Sabi ko gusto mo ba ng sisig?"
"Ah. Hindi, magsasadnwhich lang ako."
Kaagad naman napatingin si Julie sa kaibigan at para bang hindi talaga naniniwala. "Ha? Ano? Ikaw? Magsasandwhich lang?"
"Oo eh. Ipon ipon din kapag may time." Sagot na lang ni Elmo.
Matalinong bata si Julie. Kaya nga top 1 siya ng batch nila diba? At alam na alam niya ang dahilan kung bakit nagiipon si Elmo. Swerte naman nung Xyra na iyon. She shook her head and tried getting rid of these thoughts. Nabigay na sa kanila ni Kuya tindero yung order niya ng sisig at yung order na ham and cheese sandwhich ni Elmo bago sila magbayad.
Nakaupo na din sila sa table. Si Tippy lang ang nandoon. Lagi kasi ito may baon at hindi na kinakailangan bumili ng pagkain at saka asa naman na bibili ng food si Tippy sa food court na iyon. Si Bea at Jhake naman ay parehong bumibili pa. Yung dalawa kasi na iyon yung pinakamatakaw nila.
At kagaya ng dating gawi, hindi muna sila nagsimula kumain hangga't wala pa yung iba nilang kasama. Kaya naman si Julie ay nagsimula magbuklat ng Chemistry notes niya habang si Tippy ay tinitingnan ang phone at si Elmo naman ay pinaglalaruan lang muna ang plastic ng snadwhich niya.
"Moe may text ka." Biglang sabi naman ni Tippy.
Nakalapag kasi ang phone nito sa may table kaya kaagad nakita ni Tippy na umilaw ito.
Masyadi naman ata halata si Elmo dahil kaagad nitong kinuha ang phone at tinago. Hindi man lang tiningnan ang text.
Tippy weirdly looked at him as if asking for an explanation but Elmo only looked away. Kaya naman kay Julie napatingin si Tippy.
Pero alam ni Julie na wala siya sa lugar magreveal ng kung ano man ang nagyayari kay Elmo ngayon kaya naman napakibitbalikat lang siya kay Tippy at nagpatuloy sa pagrereview ng chemistry notes niya.
At dahil wala naman siyang mapapala pa kung magtanong siya, hinayaan na lang ni Tippy ang mga pangyayari at binalik ang tingin sa sariling cellphone.
Muhkang hindi pa talaga ready si Elmo na ireveal sa mga kaibigan nila ang panliligaw niya. Mabuti na lang at tinikom lang ni Julie ang kanyang bibig.
Hindi na nila pa inopen up pa iyon. Kahit si Tippy ay walang sinabi kay Bea at kay Jhake nang makabalik ang dalawa mula sa pagbili ng pagkain.
Sa susunod na subject naman ay kanya kanya silang upo.
"Sa likod tayo umupo!" Sabi ni Bea pero nagkatinginan naman si Tippy at si Julie.
Pareho kasi nila hindi makikita ang board kapag sa likod sila pumwesto.
"Ay oo nga pala malalabo ang maya ninyo." Pagloloko ni Bea kahit ba siya din minsan ay nagsasalamin.
"Sa likod na lang kayo pumwesto, dito kami sa harap." Sagot ni Julie. Ano magagawa niya kung napakalabo kasi ng kanyang mata.
Umupo na sila ni Tippy sa may harap banda. Sa wall seat si Tippy at nakasunod naman si Julie Anne habang si Elmo ay nasa kaliwa ni Julie.
Saktong pagupo ay nagsalpak si Elmo ng earphones at nawala na sa kamunduhan ng kanta niya.
Nakita ni Julie na sumilip muna ito si Tippy sa kaibigan nilang lalaki bago humarap sa kanya.
"Jules..."
"Hmm?"
"May tinatago ba kayo ni Elmo?" Walang preno na tanong ni Tippy sa kanya.
Kaagad naman nawala ang dila ni Julie sa sinabi ng kaibigan, halatang medyo kinakabahan. Ambilis naman makatunog nito ni Tippy!
"Tiantago?" Julie was able to keep the waver out of her voice. "A-ano naman ang itatago namin sa inyo ni Elmo?"
"Ewan. Kaya ko nga tinatanong eh." Mas lalo na kinakabahan ito si Julie sa tinuran ni Tippy.
"W-wala. Haha. Ano ka ba Tips. Saka first day pa lang ng klase tapos may itatago na kami kaagad sayo?" Saan na ba kasi yung prof nila. Napakatagal aba.
Tiningnan lang siya ni Tippy na para bang inaalam kung nagsasabi ba mg totoo ito si Julie pero dahil nga may acting skills din ito si Julie ay nagkibit balikat na lang si Tippy.
Akala ni Julie tapos na ang kanyang kalbaryo kaya naman naka relax na siya kaso hinarap nanaman siya ni Tippy.
"O teka ano naman yung sa inyo ni Simon?"
Hindi ba ito mauubusan ng tanong? "What about Simon?" Tanong naman ni Julie.
"Oh don't start with me Jules, ano nagseselos na ba yan si Elmo? Nauntog na ba at umamin sayo?"
Hala.
"Si Elmo? Nagseselos?" Julie scoffed. "Ui hindi ah..."
"Anong hindi!" Tumigil saglit si Tippy at tiningnan ang kaibigan nila na naka sleep mode bago tinuloy ang sinasabi. "Eh galit na galit nga kanina nung nakita na ang close close niyo ni Simon."
Pwedeng totoo ang sinasabi ni Tippy. Pero may alam kasi si Julie na hindi alam ni Tippy. Paanong magseselos si Elmo e may gusto nga itong iba? Diba may linilihawan itong iba? Kaya sure siya na mali yung sinasabi ni Tippy. Gusto pa sana niya humirit kaso ayan dumating na yung professor nila.
==============
Tapos na first day of the sem! Yehey! Pero natigilan si Julie kasi naalala niya na may meeting nga pala sila nila Kuya Rocco..
Nasa may second floor ang klase nila noon at nakita niya na kumpol kumpol na ang barkada niya, hinihintay na matapos na siya sa pagaayos ng gamit niya.
Kaya naman ng matapos ay lumapit siya kaagad sa mga ito.
Nakita niyang may katext nanaman si Elmo na no doubt ay si Xyra. Haay buhay.
"Una na ako guys ah. May meeting pa kasi kami nila kuya Rocco."
"O talaga? Meeting agad?" Sabi ni Jhake. "Well that sucks."
"Oo eh." Julie could only shrug. She guessed she didn't have to tell Elmo not to wait for her dahil panigurado may lakad na din ito.
"Sige una na ako." She said before walking away to the direction of the elevators.
Mag-isa lang siyang sasakay kaya naman nagulat nang makita na sumunod sa kanya si Elmo at pumasok na din sa elevator.
"O, Moe... May nakalimutan ka nanaman ba sa taas?"
Napakunot ang noo ni Elmo. "Ha? Wala. Sasama ako sayo."
Napatingin nanaman si Julie sa kanya. "Matagal yung meeting. Hihintayin mo talaga ako?"
"Bakit, diba dati ko pa sinabi na kapag may meeting ka hihintayin talaga kita."
Julie looked at him. Seryoso ba ito? "W-wala ka ba lakad?" She asked hesitantly.
Natawa naman si Elmo at inakbayan siya. "Ano ka ba Jules, bakit ang rami mo tanong. Tara na baka malate ka na sa meeting mo." Sakto naman na bumukas ang elevator doors at binungad sila sa 5th floor.
They stepped out at sakto naman na nadoin sa corridor si Rocco.
Ngumisi ito sa kanilang dalawa. "Naks. Going strong talaga kayo no. O tara na. Buti nandito ka rin Elmo. Pahelp na lang ako sa gamit. Ang bigat eh."
"Sure kuya." Elmo smiled at bumitaw sa pagkakaakbay kay Julie but not before giving her a sweet smile. Sumunod na ito kay Rocco papunta sa meeting room at naiwan doon si Julie sa gitna ng corridor na napapailing. Nakakalito naaaa.
============
AN: Hi! I know boring :)) gusto ko lang guluhin si Julie *evil laugh*
Thank you po sa mga nagbabasa! Vote or comment please! At kapag may time kayo pwede niyo rin basahin yung isa kong story, yung Perf Circle :) may pagka mystery iyun.
Ja, mata ne!
Mwahugz!
-BundokPuno <3