Chapter ELEVEN

1861 Words
[Narrator] Nagmamadaling hinablot ni Elynna si Akoz sa pagkakaupo nito at naguguluhang tumingin kay Klein. "Anong gagawin mo kay Akoz?" kunwaring natatakot na tanong niya. Natawa naman si Klein sa tanong ni Elynna. Lumapit si Klein para kurutin sana si Elynna pero lumayo ito habang hawak ang kamay ni Akoz. Tumingin naman agad si Akoz kay Elynna, "A-ano, it's not what you think." Akoz, trying to explain the scene. Humarap sya kay Elynna para humarang sa pagitan nila ni Klein. "Akoz is like my little brother, itigil mo nga yang kalokohan mo." Natatawang depensa ni Klein, at tumingin sa kaniya.  Nakaramdaman naman ng kaunting kirot si Akoz sa narinig, my little brother, hindi niya itatanggi na deep inside nasaktan siya. Pero ngumiti na lang sya at ibinalik ang tingin kay Elynna, "Yes. We're like siblings na rin." He agreed while nodding.  Elynna pouted and crossed her arms, "Corny niyo, di kayo mabiro. Duh! I was acting kanina no!" She exclaimed at padabog na umupo sa malaking couch. Natawa naman silang apat na bababe. Habang si Akoz ay napapakot lamang sa pisngi nito. Ayaw niyang isipin na napahiya sya, pero parang ganoon na nga. Napatingin si Cassidy kay Akoz, "Anong ginagawa mo rito Akoz? Hindi ka sumabay kila Berlin and Sakura?" Tanong nito.  Gulat na napatingin si Akoz kay Cassidy, bakit nga ba siya nandito? Sasabihin ba niya na kaya sya pumunta ay dahil nagdadalawang-isip siya? Ayaw naman ni Akoz na magdrama sa mga kasama.  "H-ha? Ano kasi… W-well--" He asked for his script. Hindi ko kasi sya nabigyan kanina." Mabilis na sagot ni Klein para sa kaniya. "... Yeah that's right, pumunta ako rito for the script." Akoz agreed at tumango-tango, thats a relief he thinks. He was saved by Klein's fast thinking. Pasimple siyang tumingin kay Klein at nagulat nang makita ito na nakatitig na sa kaniya. Klein smiled and gave him a wink. Akoz' face turned red and he smiled shyly. Kinuha ni Klein ang script sa table niya at inabot ito kay Akoz. Nagpasalamat naman si Akoz sa kaniya. "You shouldn't be here alone, you are a man. Baka kung ano isipin nila pag may nakakita sayo na pumasok ka dito-- knowing Ate Klein is alone." Berlin said in a serious tone, napalingon sa kaniya ang lima. Oo nga, naisip ni Akoz. But on the other side, he realized iyon ang pinamahabang sinabi ni Berlin sa kaniya. Although it wasn't good to hear. Nilipat ni Sakura ang tingin nito kay Akoz, tila hinihintay na magsalita siya matapos marinig ang sinabi ni Akoz. Huminga nang malalim ang binata at nagsalita, "Yes. I apologized." Cassidy stood up and carried her bag, tumingin ito kay Berlin nang nakangiti. "Don't worry, Akoz is a good guy." She assured Berlin with a big smile. "Magkakilala na sila ni Ate Klein mo before kaya no need to worry, right Akoz?" She added and turned around to meet his eyes. Nagpalinga-linga sa paligid si Akoz, bago sya tumango na nag-aalinlangan. "Tara na." Aya ni Sakura samin, sabay sabay naman kami lumabas ng office. Halos wala ng mga estudyante na naglalakad sa hallway. Tumatagos na rin yung sikat ng araw pero hindi naman na masakit sa balat. Halos sakop nila ang buong space ng hallway habang naglalakad.  Tumigil si Sakura sa paglalakad para sumabay sa kaniya. Nagulat naman si Akoz, hindi pa naman siya nagkakaroon ng interaction with Sakura, at oo nga pala-- she looks familiar. "Aren't you going home with the cool guy?" Sakura asked, while looking straight on her phone. Napaisip naman si Akoz kung sino ang cool kid guy na tinutukoy ni Sakura. Tumingin naman si Sakura sa kaniya nang hindi nito marinig ang sagot niya. "The guy with sharp eyes and lamborghini. Yung sumundo sayo last day." She added. Akoz snapped his fingers when he realized she is talking about Yohan. Cool  guy, gustong matawa ni Akoz. Sasabihin niya ito mamaya kay Yohan. "Ahh, his name is Yohan Vaun Zafiro." Akoz told her. "But nope, may night class sya so I have to go home first. I can't wait until 9pm." He answered and laughed a little bit.  "He has a nice car though." "Yes, he has great taste in cars." He agreed. Dumiretso silang lahat sa parking lot. Nasa iisang area lang naman ang mga kotse under College of Arts and Letters, kaya halos magkakasama rin ang mga kotse nila. Napatingin si Akoz sa parking lot, hindi nya pa gaano naiikot ang Hakin. Pero parang kahit saan siya lumingon, ang gaganda lagi ng mga lugar. Gusto niya pumasok dito kahit weekend, para magkaroon sya ng chance makapag-take ng pictures. Nagsimulang humakbang si Akoz patungo sa direksyon kung saan nakapark ang kotse niya. [Berlin's POV] Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako. Bukod sa pagbigay ng pagkain from ate Klein, bakit kailangan niya pumunta sa office for the sake of the script? I mean yes, may sadya siya-- but he is alone. Nag-iisa rin ang cousin ko, si ate Klein sa office! And what kind of scene yung naabutan namin kanina, nagkakagusto na ba si ate Klein kay Akoz? No way. Simula pagpasok hanggang makarating kami sa parking lot ay di ko na maalis ang kunot sa noo ko. I am frowning the whole time. I don't even care kung mapansin nila iyon, they keep on defending this guy! Nasaan na ang mga instincts nila? Psh. Bago ako sumunod kay ate Klein papunta sa kotse ay lumingon ako kay Sakura, usually sumasabay siya samin pauwi since nadadaanan namin ang condo niya. Nagtataxi naman sya papunta ng school. Bihira lang siya magdala ng sasakyan, depende na lang if my personal schedule sya outside school. Umiling si Sakura, sabay turo sa pink na Mazda sa harap niya. That's her own car. "Nope, I am waiting for someone so, I brought my car."  Nauna naman si Cassidy at Elynna na sumakay sa kotse ni Elynna. Since nasa iisang condominium building sila, alternate sila kung sino ang magdadala ng sasakyan. Sa ngayon, si Elynna ang magdadala at magmamaneho ng sasakyan. Bago pa sila umalis ay binuksan ni Cassidy ang window ng kotse at tumingin sa amin, "Bye girls, aalis na ang magaganda." Nagflying kiss pa ito bago humarurot ang kotse ni Elynna. Natawa na lang kami ni ate Klein, kahit kailan talaga si Cassidy. Pagkapasok ko ng sasakyan ay pinaandar na ni ate Klein ang kotse pero binuksan din nito ang bintana, huminto ito sa pwesto ni Akoz. "Una na kami Akoz, ingat ka." Paalam ni ate Klein, ngumiti naman si Akoz sa kaniya at tumingin sakin. Inirapan ko naman siya sabay tingin sa harap. Tch, deserve. Pagkadrive ni ate Klein ay sinuot ko na ang headphones ko at sumandal sa upuan. Pinikit ko ang mata ko nang marinig ko tumugtog ang kanta ng All Time Low. Akoz will never be the trustworthy guy they are talking about. Never. [Akoz' POV] Sinundan ko ng tingin ang sasakyan kung saan sakay si Berlin and Klein. I let out a deep sigh and brushed off my hair. I don't have any clue where did I go wrong. Why is she always like that? Why is she so mad at me? "Why are you still here?" I was surprised when someone spoke behind me. It was Sakura, nakaupo sya sa bumper ng pink na sasakyan-- and that must be her car I guess. Sakura looks baffled while looking at me. Oo nga naman, everyone's gone and why do I still here? Wala naman ako hihintayin.  "Nothing." I uttered and opened my car's door. Nang buksan ko ito ay napalingon ako kay Sakura, nakaupo ito sa bumper at parang may hinihintay dumaan sa parking lot. "Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko, Sakura shook her head and bring out her earphones from her pocket. "I am waiting for someone." She answered.  "Sige una na ako." "Take care." Sagot niya ulit bago isuot ang earphones. Sumakay naman na ako sa sasakyan ko at binuksan ang engine. Nagsimula na akong magdrive palabas ng parking lot. Nakikita ko pa ang sasakyan ni Klein malapit sa gate ng school. "Akoz, you know what's wrong with you?" "You did not know that you are a kind, talented, and good looking man." God, naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Klein. Wala sa isip na nahawan ko ang buhok ko, naalala ko rin tuloy kung ano ang ginawa niya. It was a heart fluttering moment. I smiled widely and looked at the mirror.  Am I really handsome? [Elynna's POV] "A penny for your thoughts?" I asked Cassidy, inalis nya ang tingin nya sa bintana at lumingon siya sakin. Tumango sya at huminga nang malalim. "Yes Elynna, pautangin mo naman ako ng 70k. Bayaran ko pag nagkaroon na ng boyfriend si Berlin." Sagot ni Cassidy sabay tumawa ng malakas. Napasimangot naman ako, kung hindi lang talaga ako ang nagmamaneho, baka nasabunutan ko na ito si Cassidy. Mahaba pa naman ang buhok niya, pwede na natin sampolan ng villain acting. "Alam mo para kang ewan. Nagtatanong nang maayos yung diyosa eh."  Napatigil naman siya sa pagtawa at tinuro ang sarili. Ayan, ayan na naman siya sa mga kalokohan niya sa buhay. "Ako? I didn't ask." She answered and pertaining to herself as the diyosa I said kanina. Napailing na lang ako, grabe suko na ako. Hindi ko alam kung nakita na ba ng mga lalaking nanligaw sa kaniya yung inner personality nito. "Oo nga pala, please drop me at Zafiro Jewelry Store. May dadaanan lang ako don." Sabi niya while she is browsing through her cellphone. I frowned and looked at her, at saan na naman ang gala nito? "Zafiro? Diba mga members lang makakapasok doon? Don't tell me someone from Zafiro Bachelors asked you out on a date?"  Cassidy jokingly flipped her hair and winked. "What do you expect? You have a friend who goes by the name, Cassidy Andromeda with the surname of Zambrano."  "Ayan kaya ka lagi napapagkamalang playgirl kahit wala ka pa naman nagiging boyfriend eh."  "Let them think na playgirl ako. I can't say no to a dinner, but I can say no pag manliligaw na sila."  I didn't answered, napailing na lang ako at tumawa. Maya-maya pa ay nagsabi na si Cassidy na ihinto ko ang kotse sa tapat ng isang malaking building. It must be the Zafiro Jewelry. Bago bumaba sa sasakyan si Cassidy ay nagpabango ito at tumingin sa salamin. Napahinga ako nang malalim. Kung hindi ako magsasalita, baka di pa siya lalabas. "Oo na, oo na, maganda ka na. Pwede ka na lumabas and somene is waiting for you." Paalala ko. Nagpaalam naman siya at binuksan na ang pintuan ng kotse.  Nang makababa na siya ay dahan-dahan kong inaandar ang kotse para makita kung sino ang lalaki sa entrance na nag-aabang sa kaniya. He looks like someone na kasing-edad namin, he is not even wearing a formal attire. So maybe, he is not a businessman or employee. Sinalubong nya si Cassidy at agad na giniya papasok, I wasn't able to see his face he seems to be an important person under Zafiro. Napapalibutan sila ng mga guards in suit. "Wow." I whispered in awe while leaving the place.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD