Chapter 33 Plankton They're confusing me. First minute they're cruel to me then next they're sympathetic. Were they playing mind games with me? Hindi ko rin lubos na maintindihan ang takbo ng utak ng mga tao sa eskuwelahang ito. Parang kailan lang halos isuka nila ako paalis at ngayong napatunayang wala akong kasalanan, balik sila sa bait-baitan sa akin. Mga balimbing! Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiirita sa mga nangyayari, e. Pakiramdam ko lahat ng tao rito, plastik! "Mabuti kung ganoon. Makakabalik na ulit tayo nang maayos sa ensayo," said Maestro in relief. Naging mabilis ang araw na iyon para sa akin. Hindi kami gaanong nakapagkita ni Klavier. Pero nakita ko siya kanina sa quad, huli na nang napansin kong nanunuod din pala. Hindi na niya ako nilapitan. Bagay na pinasalamat

