Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tuma tama sa mukha ko, it’s a lazy morning for me dahil na puyat ako sa usapan naming dalawa ni Kairo kagabi. Hindi ko alam kung anong oras na kami naka uwi kagabi. Basta ang alam ko ay umaambon na nung napag desisyunan naming pumasok na sa loob ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para ma tulog na dahil sobra na ang antok ko. “Good morning Kairis,” napa tingin ako kay tita Nera na naka salubong ko pagka labas ko ng kwarto. “Good morning tita, how’s your sleep?” anka ngiting tanong ko sa kanya. Sinabayan naman niya ako sa pag lalakad. “Ayos naman hija, anong oras na rin kayo naka uwi ni Kairo kagabi ah?” sambit niya sa akin. Agad naman akong napa ngiti sa sinabi niya. Hindi ko alam na na kita niya pala kagabi. “I forgot the time

