Ilang oras mula nang tingnan si Chelsea ng doctor. At ilang oras bago lumabas abg doctor nang check up-in si Chelsea. Agad na napatingin si Chestel nang lumabas ang doctor mula sa kwarto kung nasaan si Chelsea. "Sobrang nalamog ang katawan ng pasyente at may mga pasa pa siya sa katawan. May mga paso rin siya siya hita pero maayos naman ang kalagayan niya. Nagamot na namin ang paso niya and hopefully ay hindi ito magpeklat." sagot ng doctor kay Chestel. Naiiling siya sa narinig ngunit masaya siyang malaman na okay na si Chelsea. Nakahinga siya nang maluwag. Nasasaktan siyang isipin ang hirap na dinanas ni Chelsea sa kamay ng sindikato. Mula sa pagkalamog ng katawan nito hanggang sa mga tinamo nitong paso sa hita. Hindi deserve ng dalaga na danasin ang mga paghihirap na iyon. "Thanks, doc

