Nang makarating sila sa tapat ng Limitless Company ay agad na pumusisyon ang lahat. Inabangan nila ang pagdating ni Agent Paco sa company. Nakasuot lang ito ng simpleng damit katulad ng requirements ng Limitless. Kailangang hindi sila mahalata na nagpapanggap lang si Agent Paco. Hindi sila dapat mahuli. Walang puwang ang failure sa mga oras na it. Nang makita ni Agent Pink Tiger na paparating na ito ay agad siyang naghanda. Bawat madaanan ni Agent Paco ay inoobserbahan niyang mabuti. Wala siyang pinalampas. Kahit ang kasuluk-sulukan ay sinugrado niyang nakita niya ay nairecord. Nagtungo naman sa parking lot sina Agent Xendy at Agent Jairus katulad ng napagplanuhan. At naghihintay naman sa loob sina Agent Jarred, Agent Pier at Agent Fred. "M-mag. M-magandang u-umaga p-po. M-mag-aapply p

