"Ikaw na lang palagi. Sa iyo ang lahat ng tagumpay. Ikaw na lang lagi ang inaayunan ng pagkakataon. Pati ang mahal ko... Pati ang mahal ko nasa iyo na. Pati si Venus! Pati siya inagaw mo pa!" sigaw ni Jiro. Ang minahal niya simula noong nag-aaral pa lamang sila. Hindi alam ni Jerome na may kasintahan itong si Venus. Ang mas lalong hindi niya alam na si Jiro pala ang kasintahan nito. "Hindi ko alam. Hindi ko alam na kayo pala. Kung alam ko lang... Patawarin mo ako Jiro..." sambit ni Jerome bago siya malagutan ng hininga. Tatango-tango naman na nakikinig si Xendy kay Max. Alam niyang may something pa behind that story. Pero hindi niya alam kung ano. Matapos nilang mag-usap ay nagtungo siya sa SAOJ Base. "Supremo..." agad na bungad na sambit ni Xendy nang makaharap niya si Supremo sa opisi

