"Nakakainis bakit ganon siya makatingin. Baka mamaya matunaw ako. Ano ba kasing iniisip nito. Hindi ko makita sa isip niya." Sabi ni Xendy habang tinititigan ang lalaking kanina a nag-aabang sa paglabas ni Mestro Jiro. Ayon kasi kay Supremo Jack, hapon ito nakalabas ng opisina para bumisita sa puntod ng kanyang asawa. Sa kasamaang palad ay wala sila larawan sa mukha nito ngayong matanda na ito pero noong medyo kabataan nito ang ipinakita sa kanila ni Supremo. Pero madali lang naman malaman dahil sa pamamagitan ni Xendy malalaman niya kung ito nga si Maestro. "Ano ba naman itong babaeng ito. Akala niya siya ang tinitingnan ko." Sabi ni Jairus nang mabasa niya ang isip ni Xendy at maramdaman ang pagtitig nito sa kabuuan niya. "Anong tinitingnan mo?" Nang mapalapit ito kay Xendy. "Ah... E

