Agent Jairus POV Hindi ko talaga mapigilan ang mapatingin sa kanya. Sa tuwing magtatama ang aming mga mata ang pakiramdam ko ay may nararamdaman din siya para sa akin. Sa unang pagkikita pa lang namin ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Pakiramdam na ngayon ko pa lang naramdaman. Alam kong mali ito pero sa tuwing nakikita ko siya nae-excite ako. Tila ba gusto ko siyang makita lagi. Katulad kanina habang nagti-training kami ay parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Parang gusto ko na siya lang ang kumilos. Ang bangong kumakalat sa paligid na dulot ng kanyang mahabang buhok. Sa bawat paglipad nito sa hangin. Ang lakas ng t***k ng puso niya habang yakap ko siya. Ang ang bawat salita na tumatakbo sa isipan niya. Pero mali talaga 'to. Maling-mali. Kailangang iwasan ko ang nararamdaman ko. Saad

