"I want to announce some good news for everyone. I don't know kung good news nga ito para sa inyo pero para sa amin ay oo." saad ni Jack habang nakatayo sa harapan ng lahat sa loob ng stadium ng resort. Maaga itong nagising at nagsabi na mayroon siyang announcement. Kaya naman nagtipon ang lahat sa stadium. "Alam kong ang ilan sa atin o halos lahat ay alam na kakompetensiya natin ang MSA sa larangan ng secret agency." panimula ni Supremo Jack. At maraming beses nang nangyari na kinukuha nila sa atin ang mga mission natin..." dagdag pa ni Jack. "Minsan ay nagkakataon at kadalasan ay sinasadya." nakatinginan ang ilan at ang iba naman ay tatango tango lang. Naghihintay ng mga susunod pang sasabihin ni Supremo Jack. Habang nakatunghay ang lahat sa kanya na nag-aabang ng balita ay nagpatuloy

