Nagsimulang maglaro ang mga ito. Wala rin naman silang pagkakaabalahan kaya pumayag na sila sa kalokohan ni Jarred. Pasimpleng napangisi si Choi nang matapat kay Jarred ang bote na siyang nagpasimuno ng laro. Para bang sinasabi nito na humanda si Jarred sa sarili nitong palaro na truth or dare. Tila ba huminto naman ang pag-ikot ng mundo ni Jarred nang matapat sa kanya ang bote. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak dahil sa kalokohan niya. Hindi pa naman niya inaasahan na siyang ang mauunang mabibinyagan ng naisip niyang game. Huminga siya nang malalim habang nakatingin kay Choi. At saka pumikit at agad din namang nagmulat. "Game!" sigaw niya na napalingon ang ibang comrades na kasalukuyang naglalaro sa gilid ng dagat. "Truth or dare?" nakangising tanong ni Choi. "Parang ika

