Napakabilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap... Sa isang sandali... ilang segundo... May mga dugong tumalsik sa paligid. Biglang nagdilim ang kanyang paningin. Madilim... Nawalan siya ng panimbang. Nagblack out ang paningin niya. Hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Mayamaya ay muling nagmulat ang kanyang mga mata. Impit na sakit ang kanyang nararamdaman. Hindi niya napigilang hawakan ang kanyang tagiliran. Hindi naiwasan ni Agent X ang pagtarak ng kutsilyo sa kanyang tagiliran. Bago pa man patakbong sumugod si Maestro Jiro kay Agent Jairus ay agad nitong nadampot ang kutsilyong inihagis sa kanya ni Agent Jairus na dumaplis lamang sa kanyang kamay at bumagsak sa sahig. Kaya naman ito ang ginamit niyang panlaban dapat kay Agent Jairus. Sa kasamaang palad ay si Agent X ang tin

