After 7 years... "Mommy, si Liam oh!" sigaw ng kambal sa ina nang tumakbo ito papalapit sa kanya at nagtago sa likod ng palda ni Xendy. "Why? What happened?" tanong ni Xendy. "He took my diary and read it!" sigaw ni Geline. Agad namang tinitigan ni Xendy ng seryoso si Liam. Ngunit kitang kita niya sa isipan nito na si Geline ang nauna dahil ginalaw nito ang gamit ni Liam. "Geline? Did you do something?" tanong niya sa kambal ni Liam. Ngumiti naman ito ng nakakaloko saka umamin. "I'm sorry mommy. I took Liam's notes." saad ni Geline. Mabuti at umamin ito sa kanila. Matapos manganak ni Xendy ng kambal ay nanatili na lamang siya sa bahay at hindi na tumanggap ng mission. Gusto niyang magpokus sa kambal niya. At mahirap siyang maging mommy dahil sa ability niya. She knows if her kids are

