Chapter 2

1701 Words
Jackson's POV Sunday na. Magkikita kami ni Bianca ngayon at magsisimba. "Babe!" Napangiti ako ng makita ang babaeng mahal ko. Napakaganda niya sa suot nitong bestida. Simple lang ito pero dahil sa nakangiting mukha nito ay tila may isang anghel. Nagyakapan kami bago kami pumasok sa simbahan. Ng matapos ang misa ay kumain kami. Kinwento ko dito ang nangyari kahapon at tila gulat na gulat pa ito. "Really? 10000 for 1 day? Babe ang laki nun! ' Tila hindi makapaniwalang sabi nito. Kinuha ko naman ang kamay nito at hinalikan. "I know babe. Pero syempre hindi ko tinangap. Gusto ko kasing ipagmalaki mo ako sa pamilya mo at baka kapag nalaman nila na ganun ang ginawa ko ay mas hindi nila tangapin ang relasyon natin" hindi man kasi sabihin ni bianca alam kong tutol ang magulang niya sa amin nabawasan lang ata nung pinagpapaaral ko na si Bianca medyo naging maayos na ang pakikitungo ng mga ito sakin. " I know babe. Kaya swerte ako sayo eh' sabi nito at hinalikan ako sa pisngi. "Mas swerte ako" I said smiling. She is my world. I would do everything to make her happy. Naglibot lang kami sa araw na yun at napagdesisyunan naming umuwi ng maggagabi na. Lumipas ang isang linggo ay naging maayos naman ulit ang trabaho ko. Hindi ko na nakita si Minerva ulit. Marahil nakahanap na ng ibang magmomodel iyon. Hays bakit ko nanaman ba siya iniisip. I sighed. Napabalik ako sa realidad ng tumunog ang cellphone ko. Saturday ngayon kaya nagmomop ako ng may tumawag. Si Bianca! "Hello babe?" Narinig kong biglang umiyak si Bianca. Kaya nag alala ako para rito. " Bakit ka umiiyak babe?" I said in worried tone. "Babe, si mama at papa. Gusto na nila akong pahintuin sa pagaaral." Tila hirap niya pang sinabi yun. Napakuyom naman ako sa kamao. "Bakit? Kulang ba ang pinapadala ko?" Takang tanong ko dahil kaya nga ako tumigil at nagtratrabaho wantosawa ay para mapag aral ito. "Na ospital kasi si ate kaya nagamit pati ang bigay mo na pangmatrikula ko. Paano na yan babe? Wala na akong pagbayad sa tuition ko this sem" hindi ko na alam ang gagawin gusto ko sanang sumbatan ang magulang ni bianca dahil binigay ko to para kay bianca pero naiintindihan ko naman ang mga ito. "Hindi ko alam babe. Hahanap ako ng paraan " sabi ko nalang pero tila sasabog na ang utak ko kakaisip ng paraan. "Diba babe may nag alok sa iyo na magmodel nun? Bakit hindi mo nalang tangapin?" Kahit na gusto kong umapila sa sinabi niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko namang binibigyan niya lang ako ng choice. "Babe alam mo namang ayaw kong tangapin yun para sayo diba?" Sabi ko dito umaasang hindi niya na sana ipilit yun. " Wala namang masama babe. Maghuhubad ka lang naman. Pero I understand babe at thankful ako na nag aalala ka sakin. Siguro sa susunod na taon nalang ako mag aaral kapag magaling na si ate at nakaipon na tayo." Hindi ko maintindihan si Bianca na ayos lang sakanya na maghubad ako sa harap ng ibang babae pero inintindi ko nalang ang sitwasyon nito na baka desperado lang ito. "Sige babe puntahan nalang kita mamaya" sabi ko at nagpaalam na kami sa isa't isa. Mag iisip ako ng paraan. Pagkatapos ko magtrabaho ay dumiretso ako kila Bianva. Subalit pagdating ko sa bahay nila ay hindi ko inaasahan ang maabutan ko. Ang tatay ni bianca ay kinakaladkad si Bianca paalis ng bahay nito. Tumakbo ako para tulungan si Bianca na umiiyak at nagmamakaawa sa tatay nito. "Tama na po Tito" awat ko dito ng sasampalin niya pa si Bianca. "Huwag mo akong matawag tawag na tito! At yang babaeng yan! Isama mo na! Pinapalayas ko na siya! Mag iingat ka sa babaeng yan" Sabi nito at sinara na ang gate nila. "Babe ayos ka lang?" Sabi ko at niyakap ito ng patuloy pa din sa paghikbi ito. Ng maging maayos na siya ay pinulot namin ang ilan sa mga gamit niya. "Babe. Paano na ako nito?" Sabi ni Bianca. "Sa akin ka muna tutuloy. Ako na ang bahala sayo" sabi ko. At umalis na kami para makauwi sa squater na tinitirhan ko. Tinignan ko si Bianca na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Mukhang wala na akong choice kailangan kong tangapin ang alok ni Minerva. Yun lang ang naisip kong paraaan. Para sa kinabukasan ni Bianca. Sa amin ---- Erva's POV Nagising ako sa umagang yun dahil sa tunog ng aking cellphone. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag at basta na lang sinagot. "Hello" sagot ko sa namamaos na boses. Bedroom voice kumbaga. Kakagising ko lang kasi dahil sunday ngayon kaya late akong nagising. "Ahm ito po ba si Ma'am Minerva?" Napabangon ako ng makilala ang boses na yun. Paanong hindi ko makikilala yun eh. Ilang araw akong binagabag pinigilan ko lang ang sarili kong sugudin ito sa opisina dahil baka mainis ito sakin at sabihing desperada ako. Wala ding kasi akong makita na ibang model bukod sakanya. "Jackson?" Kahit na alam kong siya yun ay mabuti na ang sigurado. "Ako nga po ma'am" sabi nito "Bakit ka napatawag? Pumapayag ka na ba sa alok ko?" Ayaw ko ng magpaligoy ligoy. Gusto ko na din kasing simulan ang painting ko kahit magkano pa yan. Gaya nga ng sabi ko walang kaso ang pera sakin. I just want to do Art. I love painting. "Yun nga po ma'am. Gusto ko po sanang mas makausap po kayo sa alok niyo." "Sige meet me at the same cafe. I'll just get dressed" sabi ko at binaba na ang tawag. ----- Nakita kong naghihintay na siya sakin sa cafe ng makarating ako. Simpleng T-shirt at ripped jeans lang ang suot nito pero hubog ang magandang pangangatawan at kagwapuhan nito Hindi ka nagkamali ng pinili Erva! Ang galing mo talaga. Nakangiting sinalubong ko ito at umupo. Gaya ng dati ay hindi pa rin mapakali ito at nahihiya pa rin. "Relax Jackson. I don't bite you know. Nude painter lang ako hindi ako nangangain ng tao" biro ko dito at namula naman ito. Tinawag ko muna ang cashier at nagorder dito. Marahil nagtataka kayo bakit kinuha ng cashier ng order ko eh cafe ito at hindi restaurant? Ang sagot diyan ay dahil ako ang may ari ng cafe na ito. It was my dad's gift when I graduated. Hindi ko na rin tinangihan para may pagkakitahan ako para sa mga painting materials ko. "So, ano pumapayag ka na?" Direct to the point kong sabi. Bakit pa tayo magpapaligoy ligoy diba? "Tungkol po sana doon. Everyday po ba tayong magkikita? Paano po yung per session? At naked po ba as in whole?" I smirked at his question halata kasing kinakabahan ito at hindi pa nakakadecide masyado. "To answer your questions. No. Hindi tayo everyday magkikita dahil alam ko ang sitwasyon mo kaya minsan lang tayo magkikita. Pwedeng gabi at magleleave ka sa work mo o pwede ding linggo kapag off mo. Sa session naman ay minsan buong araw yun kaya mostly linggo tayo magmemeet. Yung pag gabi ay marahil final touch nalang ang gagawin kaya hindi na masyadong time consuming. Depende din sa mood ko kung gusto kong ituloy ang session minsan kasi sa kalagitnaan ay nawawala ako sa mood ng pagpapaint. Huwag ka ding mag alala dahil iguguide naman kita sa mga gagawin mo alam ko namang first time mo" mahaba kong sabi. Sumipsip muna ako ng frappe kong kararating lang at linapit ang mukha ko kay Jackson. Napaatras ito pero tinuloy ko ang pagbulong. "And yes. You will be fully naked infront of me. FULLY NAKED" Narinig ko ang paglunok nito. Amoy ko din ang mabango niyang amoy na siyang naamoy ko dati sa jacket na binigay niya sakin. Hmm so erotic. Lumayo na ako dito. At umupo ng maayos. "So what do you say? Are you in? Don't worry kapag nagustuhan ko ang artwork na magagawa ko I can give you a bonus of 5 thousand for every masterpiece" I lean back while sipping my frappe waiting for his decision. "Pumapayag na po ako. Kailan po tayo magsisimula" I like what I hear from him so I smiled. Alam kong kabado pa din siya kaya hindi ko nalang muna siya iprepressure "Easy there. Sa susunod nalang na linggo. Sa condo ko nalang tayo magkita I'll just text you the address andun kasi ang studio ko. I hope you don't mind." "S-sige po. Ayos lang po" "Okay. You should eat first before we go. I don't like my model to starve you know. Especially when I need his body" I said seductively. I love to tease him lalo na at madali siyang maapektuhan at nahihiya. Kita ko ulit ang paglunok niya kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. " You should be comfortable with me Jackson. Paano tayo magtratrabaho niyan. Just treat me as your friend okay" this time ay friendly tone na ang gamit ko. "So you have a girlfriend or wife perhaps?" I ask trying to ease the mode. 'Girlfriend po ma'am" hmmm so he has a girlfriend. I hope his girlfriend knows ayaw ko namang makasira ng relasyon noh. "Did she know?" Yan tinanong ko na. Mabuti na ang sigurado mamaya may sumugod pa sakin dito. I hate scandals. "Opo ma'am. Actually I am doing this for her" I saw how sadness appear in his face. As if he was burden with something. "Don't be sad. I am here to help okay.? If you need help kahit ano pa yan even money. I can give you. You are already my friend so it is not a big deal." I said as I hold his hand comforting him. I smiled to brigthen his mood. Sabi ng daddy ko eh nakakahawa daw ang ngiti ko kasi kapag nakangiti ako ay napapangiti siya. I hope it works in Jackson. "Thank you po ma'am Minerva. Pero kaya ko na po ito. Tsaka malaking tulong na din po yung alok niyo. Nakakahiya naman po kung abusihin ko pa." Sabi nito at ngumiti. I was happy he smiled. That was when I know he really is a good person. To be continued Helllooo!! Hehehe stay safe spread loveee lovelotss
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD