Ang ganda... Ang ganda ng nakikita ko ngayon. Nakakamangha. Ang kulay ng kalangitan at maingay ang paligid. Mga nagkakasiyahan ang mga tao. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko na kahit ano'ng iwas ng tingin, sa kanila pa rin napupunta. K*ngina. Paano ba namang hindi sa kanila mapupunta eh para silang mga tanga na sumasayaw sa harapan ko. Indak na indak pa, hataw kung hataw. "Ano, Tannie? Sino mas magaling sumayaw?" tanong ni Kuya Kyle habang nagtwe-twerk. Yack! Kadiri ang p*ta! Hindi bagay sa kanya nagmumukha siyang animal! "Matik na 'yan, Kyle. Syempre ako!" sagot naman ng isa at nag-uod dance sa sahig. Matatampal ka na lang sa noo mo dahil sa pinaggagawa ng dalawang ugok na 'to. Hoy! Nasa labas tayo, mga ugok! Kitang-kita ng mga tao 'yang mga kalokohang ginagawa niyo! Napakal

