"Secret walang clue," sagot ko at ngumiti. Syempre dapat play safe tayo. Sabay-sabay naman silang dismayadong napabuga ng hangin dahil hindi na naman nila nakuha ang matinong sagot sa tanong nila. "Napaka mo talaga, Tannie!" sigaw sa akin ng dalawang kong pinsan na tinawanan ko lang. Mga ugok kasi kayo! "Tara na sa loob," yaya ni hokage at nauna ng pumasok sa loob. Nagbago naman bigla ang reaksyon ng dalawang ugok at agad sumunod sa leader ng mga ninja. Sumunod na rin ako pati na si Claude. Pagkapasok namin ay parang gusto ko na ulit lumabas. Sinasabi ko na nga bang hindi magandang ideya na pumunta kami rito! Hindi talaga makakapagkatiwalaan ang dalawang ugok sa mga trip nila. Kadalasan sa mga trip nila kamuntikan na akong mapahamak ng wala sa oras. Kaya dapat talaga kapag may tri

