Nakapatong ang ulo ko sa desk ko habang nakatingin sa bintana. Kita ko ang hallway at ang mga estudyante't guro na tumatakbo at napaka-busy. Ako lang ata ang pa-chill chill lang ngayon at nabo-bored. Kasalanan ko bang walang akong paki sa kanila at hindi ako sociable na tao? Hindi naman ako makalabas ng classroom at pumunta sa palagi kong tinatambayan dahil may gumagamit ng pool area. Gan'to ba talaga ang mga school kapag Sports Day? Bakit parang hindi naman ganito no'ng junior high ko? Sabagay, wala nga rin naman akong pakialam sa mga oras na 'yon. Ang nasa isip ko lang lagi ay tapusin ang klase at makapagnakaw ng pangmalakasan. Narinig ko kaganina na may mga taga-ibang school dito na lalaban sa mga pambato namin. O bawat school na pupunta rito ay maglalaban-laban? Anak ng! Pasens

