Nakatambay ako ngayon sa labas ng apartment ko at tumitingin sa magandang tanawin. Ang galing talagang pumili ni Tita ng magiging apartment ko, ang ganda kasi ng view. Dito ako lagi tumatambay kapag nabuburyo ako sa loob. Hindi ako sanay tumira no'n nang mag-isa lang pero nakatulong 'tong magandang tanawin na 'to na palagi kong tinitingnan. Naging medyo tahimik ang buhay ko rito pero medyo nga lang. Natuto akong mamuhay ng mag-isa na hindi na kasama sina Tita at 'yong dalawang ugok. Okay na rin na lumayo ako sa mga pinsan kong ugok na walang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko at guluhin ang buhay ko. Parang 'yong dalawang nilalang lang, puso at isip ko ang ginugulo. At dahil nabanggit ko na naman sila. Naisip ko na naman tuloy kung aamin ba ako o hindi. Kung hindi na ba ako magpapaasa

