BT: Chapter 42

2062 Words

Nakangiti akong naglalakad papasok sa school. Good mood na ako ngayong araw dahil napag-isip isip ko na wala naman dapat akong problemahin at ikatakot. Article lang 'yon, sulat lang, at wala silang matibay na ibedensya na magnanakaw nga ako. Hindi na dapat binibigyan ng pansin ang mga taong masyadong inggit sa buhay natin. Kung inggit sila sa buhay ko, eh 'di maging magnanakaw rin sila! Napakasimple ng solusyon, pinapalala lang nila. Lalo na 'yong Naomi na 'yon! Gumaan din ang pakiramdam ko nang dalhin ako ni hokage sa mataas na building na 'yon. Makapunta nga doon kapag malungkot at may problema ulit ako. Kaya lang hindi ko alam kung saan ko matatagpuan 'yon. Matanong nga sa leader ng mga ninja mamaya. Pagpasok ko sa loob ng gate ay agad na akong pinagkatinginan ng mga estudyante.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD