Nakapalibot lang hanggang ngayon sa akin ang mga tauhan ni Uncle at naghahanap ng timing. Mga bonakid! Kung tutuusin ay talo ako laban sa inyo pero hindi ako susuko! Proprotektahan ko ang gintong pinaghirapan namin planuhin at kunin! Mahigpit kong hawak ang bag ko habang tinitingnan at pinapakiramdaman ang paligid. Paano ako makakawala sa kanila? Napatingin ako banda sa mga ugok. Kita kong nagpupumiglas pa rin sila at nag-aalalang nakatingin sa akin. T*ngina kasi eh! No choice ako kundi ipakita kay Uncle ang ginto niya nang mapakawalan niya ang dalawa. Ako na lang kaysa ang mga pinsan ko. Tutal ako naman talaga ang habol niya. "Uncle! Nawawala ang mga ginto mo!" sigaw ng papabalik na ngongo. Nasa akin nga! Kulit niyo! Pinakita ko na nga, ayaw pa maniwala! P*ta! Ang lakas

