Matapos niyang sabihin ‘yon, namula ang aking pisngi. Hindi naman kasi ako makulit, eh! Gusto ko lang naman kumain, at bigyan ng atensyon ang in-order niya para sa amin. Bakit naman siya magagalit? “Ano ang gusto mo? Titigan kita, habang kumakain ako?” tanong ko sa kaniya nang hindi na ako makapagpigil. Sa dami naman kasi ng kaniyang gusto, ‘yon pang titigan siya. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang magulo sa amin. Kung ako ba, o siya? Sabi kasi nila, mahirap intindihin ang babae, pero bakit ako? Nahihirapan akong intindihin si Damian, dahil sa kaniyang gusto. Hindi siya sumagot, at nagsimula na lang ding kumain. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa kaniya, dahil medyo nasaktan ako sa sinabi niya sa akin. Kailan pa ako naging makulit? Gusto ko lang namang kumain. Dahil sa nangyari, hi

