“Puwedeng pahiram ng cellphone mo?” tanong ko kay Damian. Sinamahan ko pa ‘yon nang pagngiti, dahil parang kailangan na kailangan ko talaga. Sisimulan ko na kasi ang investigation ko, kahit na medyo magulo ang isip ko. Ang weird lang, dahil maayos naman ang aking goal no’ng umalis ako, at magbakasyon dito. Kaya bakit parang naligaw ako nang landas? Bakit lumihis ako nang hindi ko napapansin? Lumingon naman sa akin si Damian, at kaagad na ibinigay sa akin ang kaniyang cellphone. Mabilis ko naman ‘yon kinuha, saka nito ibinalik ang kaniyang mga mata sa TV. Nagtataka lang ako kung bakit basta na lang niyang ibinigay ang kaniyang cellphone sa akin. Spare phone ba ang gamit niya no’ng may kausap siya, o nabura na niya ang bakas noon? Even so, kinakailangan ko pa ring kunin ang information

