***
Lee's POV
"Ang hirap naman nito! Wala akong maintindihan!" reklamo ni Rose.
Nagkalat lahat ng mga libro namin sa isang mesa. May mga ubos na junk foods sa harap ni Rose, at may isa pang bar ng Kit-Kat ang hindi ko pa nauubos. Ginulo ni Rose ang kanyang buhok habang masamang nakatingin sa hawak niyang libro sa Entrepreneurship. Napairap na lang ako at muling itinuon ang pansin sa parehong libro na binabasa ko na hanggang ngayon wala pa rin akong naiintindihan dahil sa pagrereklamo ni Rose. Exam week kasi namin ngayon. Kaya tudo review kami rito sa isang gazebo.
"Huwag ka ngang maingay Rose! Kanina ka pa eh. Your frequent whining is the only thing that I could remember. Eh ano na lang ang isusulat ko sa essay natin?" naiinis na sambit ni Mika.
“Don’t me, Mika.” Rose rolls her eyes in a b***h way. “Kahit tumahimik ako, wala ka pa ring maisusulat. Eh wala ka pangang nabubuklat na isang libro. Kung makareklamo ka akala mo naman consistent na honor student.”
“Hoy! Excuse me! Consistent honor student ako noong Elementary.”
“Consistent nga. Consistent donor. Consistent taga bigay gifts sa mga titser!”
“Huh?!” Iyon lang ang kayang ibato ni Mika kay Rose. Lihim akong napangisi at minabuting nasa libro ang atensyon ng mga mata ko. Baka madamay pa ako. Mahirap na.
“Huh?! Hotdog! Don’t even deny it. So just shut up and eat your f*****g cookies.”
Mika only makes a face and stuffs two cookies in her mouth. Natahimik ang dalawa pero pansin pa rin ang tensiyon sa pagitan nila. Napailing na lang ako at binasa ulit ang unang linya na nasa page 235.
Rose and Mika are two of my best friends. Kahit lagi silang ganyan, hinid hamak na mas mahal nila ang isa’t isa kumpara sa kanilang mga kadugo. Their petty fights are their love language, and I think they don’t mind.
Graduating na kami sa Senior High School at halos pitong taon ko ng kaibigan ang mga ito. Grade 5 ako noong nagtransfer ako rito, at dahil feeling close si Mika, kahit hindi niya pa akong gaanong kilala noon, kinakausap na niya ako na parang may pinagsamahan na kami.
Okay lang naman iyon sa akin. Kaysa naman yung wala akong magiging kaibigan o makakausap man lang sa first day ko sa isang paaralan na hindi pamilyar sa akin. Mika’s nosiness was a big help to me in adjusting to a foreign place I never imagine living in.
"Oh, meryenda muna tayo, para marelax muna yung mga utak natin,” ani Kris. Isa rin sa mga kaibigan ko. Bigla siyang umalis kanina. Hindi ko na natanong kung saan siya papunta dahil sa pagmamadali. Ngayong nakabalik na siya, dala ang mga pinamili niya, hindi na ako nag-abalang magtanong. Para saan pa diba?
“Kakameryanda lang natin Kris,” Mika says whilst raising her brows at him.
Merong dalang tatlong malalaking pack ng Mr. Chips at limang bote ng Minute Maid si Kris at hindi niya pa ito nailalagay sa mesa dahil sa mga kalat namin.
“Tapos na kami, Mika. Nagmemeryenda ka pa lang,” singit ni Rose habang nakatingin sa kanyang libro. Sumimangot naman si Mika at sumubo ulit ng isang cookie. Hindi na niya pinatulan pa si Mika. Buti naman. Dahil kung magbabangayan pa sila, secure na bagsak na ako this sem.
I put my book down. Binuksan ko ang bag ko na nasa gild ko lang saka kinuha ang isang itim na garbage bag. It was a remnant of our last project. We were tasked to make a costume using recycled materials. Sounds so cliché and it was indeed a cliché. Not a creative activity from our professor who doesn’t even know what a cliché means.
"Manahimik ka Mika. Nagugutom ulit ako,” Miko says as he picks up some of the wastes and put them in the garbage bag that I am holding. He’s Mika’s brother. “Dito mo ilagay, Kris.” Ipinakita niya ang space kung saan wala na ang mga kalat. Agad naman na inilagay ni Kris ang mga pinamili niyang snacks.
“Hays. Hulog ka talaga ng langit Kris. I love you!" natatawang sabi ni Miko. He immediately devours one of the bags of chips like a kid who is his first time eating it. Napailing na lang si Kris at nangingiting umupo sa gilid ni Mika.
Nasa harap ko siya at sa kanan ko ay si Miko. Si Mika at ang kanyang kapatid ang magkaharap. Meanwhile, Rose is on the left side of the table as though she is the head of the group.
Noong nag transfer ako rito, magkakaibigan na sina Rose, Mika, at Miko. Pareho kaming transferee noon ni Kris, at pareho kaming biktima noon ni Mika. She was a leech back then. A good leech, if there is such thing.
She seemed like she recruited us in her group of friends. I didn’t mind though. I needed her as a source and a guide for my adjustment. Si Kris, wala naman siyang nagawa noon at hindi naman niya matanggihan si Mika. Kaya ayun, naging kaibigan ko silang apat. Masaya naman silang kasama kaya okay lang, magrereklamo pa ba ako?
Kris grabs a bag of chips, opens it, and shows it to me. “Gusto mo?”
“Nope,” maikli kong sagot.
He merely nods, then he puts the Mr. Chips beside Mika. Iyon naman ang nilantakan ni Mika. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagiging matakaw niya. Kris then grabs a Minute Maid and opens it. “Do you want this?” he asks pertaining to the drink he’s showing me. Narinig ko naman ang palihim na paghagikhik ni Miko sa tabi ko at napansin ko ang pag-irap ni Rose na parang naririndi siya sa kung ano.
“Nope,” pagtanggi ko ulit.
He nods again, put the drink down, and smiles at me. I tilt my head and bring my attention back on my History Book again. Ngunit wala pang ilang segundo, muli ko itong ibinalik kay Kris. I see him still smiling at me. Which I am not surprised with, but I still find it weird.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang," sabi naman niya ngunit nakangiti pa rin.
I shake my head and stare at my book. "Weird,” I whisper to myself.
Kris let go a one deep chuckle. "Porket nakangiti na sayo, weird na?"
I c**k my head on the side, still staring at my book. "Weird ka kasi nakangiti ka ng walang dahilan,” sagot ko. Totoo naman ah. Tinanong ko kung bakit siya nakangiti, ang sagot niya wala lang. Oh diba ang weird? Ang lalaking to talaga. Kahit kailangan, napaka bobo.
"Oh ito, inom ka muna,” sabi niya, binalewala ang sinabi ko.
“I already refused that drink, Kris,” seryoso kong sambit habang ang mga mata ay nasa libro pa rin.
“Ice water ‘to, Lee.”
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakita kong nakalahad sa akin ang itim niyang Hydro Flask. Unti unti ko naman itong tinanggap.
“Don’t worry. Hindi ko pa yan naiinom.”
I look at him in confusion. “Thanks,” I simply say. He looks satisfied and shows me his charming smile again.
“How about me?” tanong ni Kris sabay subo sa isang chip.
“There are plenty of drinks for you, Miko.” Ipinakita ni Kris ang limang Minute Maid na nasa mesa.
“I want the ice water too though. Bakit si Lee lang binigyan mo? Alam mo naman na gusto ko rin ang malamig na tubig. Kris gusto ko rin ng ice water. Bigyan mo rin ako ng ganoon. Dapat nasa isang Hydro Flask din—”
“Just shut up and f*****g drink this,” naiiritang sabi ni Rose at padabog na ibinigay kay Miko ang Minute Maid na binuksan ni Kris kanina.
“Yow, chill babe.” Miko lifts both of his hands and looks at Rose with a cocky grin. Inignora naman siya ni Rose. Inilagay ko na lang sa tabi ko ang ibinigay ni Kris sa akin at piniling magbasa ulit.
I am about to read the second paragraph when Kris interrupts me again. “Naka review ka na?”
I breathe in my nose and hold it. "Oo,” I sarcastically answer still holding my breath, then I exhale my annoyance. Nasa libro nakatuon ang pansin ko. Hindi naman sa interesado ako sa mga nakaukit sa aking libro, sadyang nakakatamad lang bumaling kay Kris at i-entertain ang mga walang sense niyang sinasabi.
"Nakareview ka na pala eh. Relax ka muna ngayon. Sabi nila, mas epektibo raw kung pipiliin mo muna na magpahinga sa pagrereview an hour or two before the exam."
I let out a one long sigh again when I hear his gibberish. Walang gana kong binalingan si Kris at isinarado ang librong pilit kong binabasa pero wala naman pumunpunta sa kokote ko.
"Can you shut up?” That sounds a little mean when I see how his reaction turn bright into dim.
“Oh,” Miko teases us as though he finds what’s about to unfold fascinating.
“Please?” I add to make it seems politer.
“Well, I’m just trying to help.”
“Did I say I need your help?” Bumaling ako kay Miko na kumakain habang pinapanood niya kami ni Kris. “May sinabi baa ko noon, Miko na nakalimutan ko?”
Before he could answer, I look at Kris, and says, “Wala. Nada.”
“Initiation, Lee. Yes, you didn’t tell me to, but I want you to feel a bit better at least, when you’re reviewing for you to do better on your exam.” he gently says as he tries to weight my reaction.
“Well, Kris, thank you for the concern and thoughtfulness but, I can make myself feel better and I can do better on my exam even without your help.” The silence engulfs our table and the four of them are seriously looking at me. But only Kris is showing various emotions.
His Adam’s apple moves up and down in fear. He sits down properly and leans a bit closer to me. “You’re right. I am sorry.” That come out like a whisper but enough for all of us to hear and understand it.
I lean back and fold my arms over my chest. Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin kay Kris. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Miko sa akin. He slowly wraps an arm around me and he gently press the side of his head on mine. “You need to do better, Kris,” he seriously says with a faint of slyness on his voice.
Narinig ko naman ang paghagikhik ni Mika. "Okay lang yan Kris. Better luck next time,” she whispers to Kris. Nakangisi naman si Rose, napailing, at itinuon ulit ang pansin sa libro.
Nanatili muna kami ng ilang minuto sa gazebo. Dahil sa panandaliang tensiyon na namagitan sa amin ni Kris, nag seryoso na silang apat sa pag re-review. Nalinis na rin namin ang lahat ng mga kalat. At noong nag ring na ang school bell, nagsitayuan na kami at pumunta na sa classroom namin. Last two subjects na ngayong hapon. At next next week, summer vacation na namin.
We could finally breathe for two months without thinking about quizzes, exams, and school projects. Wala akong plano tungkol sa kung ano ang gagawin ko sa bakasyon ko. I will just do spontaneous activities. Anything fun and interesting would do, and that means no school. I could do anything as long as it is not school related, thank you very much.
Let’s be honest, no one actually likes to do things that you don’t want to do whilst you need it to do it, and usually this scenario is perceived in the school. That’s why I am really looking forward on our summer vacation. I am not eager for it because there will be literally no school. I want my summer vacation to be tomorrow already because there will a lot more freedom on doing what you want whilst you need to do. I am not lazy. I am just practically lazy. There is a difference in that.
I inhale through my nose and exhale with a happy grin. “Ah, the smell of freedom.”
I put my things inside my bag. Zip it, then I hang my bag on my left shoulder. Kakatapos ko lang ang exam ko, and I can say that I did good. Doesn’t really matter the outcome, what matters is that I am contented with my performance and did my best to actually do better than the last semester.
Ilan sa mga kaklase ko ang tapos na rin at naunang lumabas. Dahil tapos na rin naman ako, agad na akong naglakad palapit sa pinto. Hindi pa ako nakakalabas, kita ko na sa bintana ng pinto namin sina Miko at Mika.
Mas naunang silang natapos kaysa sa akin. I can see them waiting on a bench. Mika is eating fish balls. She probably bought it outside the campus gate. Si Miko naman naka de-quatro ang upo at nakasuot siya ng itim na headset. Hindi nila ako nakita pero alam kong kaming tatlo ang dahilan kung bakit hindi pa sila umuuwi.
I quickly take a glance behind me and there is Rose and Kris, seriously doing their exams. So, I am going to where the siblings are and wait for the other two.
I open the door and saunter out from the threshold. Agad kong sinara ang pinto, para hindi ma-istorbo ang mga nag-e-exam pa sa ingay ng mga estudyanteng nasa labas na.
I walk and I don’t bother looking at my sides. Even though I have my peripheral view, it seems to be futile because my full attention is on the siblings waiting for my arrival at their location.
Dahil sa kawalan ko ng interes sa aking gilid, hindi ko napansin ang isang tanga tangang nilalang.
I feel the pressure from someone. It is supposed to be brief and shocking but the impact that the someone inflicts on me makes my surroundings move slower than the time.
My vision to Mika and Miko moves in an inverted C – counterclockwise movement, and the small heel of my shoes broke, detaching with its sole, making me stupidly trip.
With my instinct, I try grabbing anywhere I could grab on to support my balance. But Holy f**k!
Wala akong nahawakan para sana makakapit at hindi tuluyang matumba. Kaya napapikit na lang ako. Dinama ko ang sakit at ang kagaspangan ng sahig dito sa labas ng aming kwarto. I curse and curse as I inevitably feel the unexplainable pain on my right foot.
"S- sorry. Sorry, hindi kita nakita. N-nagmamadali ako eh.” Narinig ko ang isang tinig ng lalaki. Kaya kahit masakit ang katawan ko, pinilit kong binuksan ang mga mata ko at tiningnan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Pinupulot niya ang mga piraso ng nabasag na. Na ano... uh vase ba iyan? Ah basta! ‘Di ko na masyadong mawari kung ano iyon kasi nga basag na.
Nanginginig niyang pinupulot ang mga piraso at hindi pa siya makatingin sa akin. Namumula rin ang kanyang mga tainga at kita ko ang pagtulo ng pawis sa kaniyang noo papunta sa kanyang leeg. With the familiar pale skin, thick brows, and narrow pointed nose. With the perfect white polo shirt covering that lean body and clenching teeth defining his sharp jaw line, Leonel Salvador is apologizing to me non-stop.
My breath stops a second when I unexpectedly see that he’s the one in front of me. Ang pamilyar niyang presensya ay muling nagpabalik sa akin sa nakaraan pilit kong inaalis sa isip ko.
Galit ko siyang pinagmasdan. "Anak ng... Bakit ka ba kasi tumatakbo kung meron ka namang dalang ganyan? Tanga tanga naman nito."
“Sorry. Bigla ka kasing sumulpot sa harapan ko kaya—”
“Walang hiya! At ako pa talaga ang sisisihin mo?!” sigaw ko. I hold my breath when he looks at me with those eyes, I once tried resisting. Kinunot ko ang aking noo saka pinilit na huminga.
“Kasalanan ko na binangga mo ako?”
“Binangga? I didn’t—”
Napapikit siya. “That’s not what I’m saying.”
“Then what are you saying, you f**k—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil na paimpit ako sa sakit. Kunting galaw ko lang sa paa ko ay sobrang sakit na.
"Halah anong nangyari? Hindi ka makatayo?" biglang usisa ni Mika. Nasa gilid na nila akong dalawa ng kanyang kapatid. Si Mika bitbit niya ang kanyang mga libro. Inalalayan naman ako ni Miko na makatayo.
“Saan masakit, Lee?” tanong ni Miko. Hindi ako agad nakasagot dahil sa sakit na nararamdaman. “On my right foot,” I manage to say.
Agad siyang lumuhod at tinanggal ang sapatos ko. Nakita naman namin na namamaga ito.
“Hoy! Ikaw!” Namutla si Leo nang hinarap siya ni Mika.
“Look what you’ve done! You sprained her foot!”
“It was an accident,” sabi ni Leo na parang tutang nagmamakaawa sa kanyang amo na huwag siyang pagalitan.
“I swear,” he adds while pinching his fingers.
“Still though! Panagutan mo siya. Mukhang hindi makakalakad nang maayos si Lee dahil sa ginawa mo!” Mika lift a finger and uses it to push Leo’s shoulder.
“But I didn’t—”
“That’s enough. Help me get her to the clinic.” Kris is so serious that even Mika notices it and gets serious as well. Si Mika na ang kumuha sa bag ko at nagsimula nang maglakad papunta sa clinic. Fortunately, it’s just near to our classroom.
“Come on, man. Hindi ko siya kayang alalayan mag-isa.” Seryoso akong napabaling kay Miko.
I raise a brow at him. “What is that supposed to mean?”
“What?” patay malisya niyang tanong pabalik sa akin.
“Are you saying that you can’t support me alone because I’m heavy?”
“I didn’t say that.”
“You’re clearly telling to Leo that, Miko.”
“Stop putting words on my mouth, Lee.”
My brows lean towards each other and I direct him my glare hoping he could feel its intensity and tell me the opposite thing that I want to hear. “I am not. You can’t help me walk alone because I’m f*****g heavy? Is that it?”
“Geez, babe. Stop with those assumptions.”
“Then why can’t you just help me alone? Why do you still need his f*****g help?”
Miko looks at me then to Leo. May multo ng ngiti sa kanyang labi, dahilan kung bakit ko siya pinagtaasan ng kilay. Kung hindi ko lang kailangan ang tulong niya, binatukan ko na siya dahil alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon.
Nagkibit balikat siya saka sinabing, “I don’t know. Maybe because…” he pauses. His brows are furrow and he c**k his head on the side. Hindi na niya napigilan ang pag ngisi sa akin. “…you’re heavy?”
“f**k you.” I smack his shoulders, harder than I expected. Harder which he deserves.
Napatingin naman ako kay Leo dahil lumapit siya sa amin.
“Let’s just f*****g go,” naiinis kong sabi.
Leo stands on my right my side, and a powdery scent swiss around my nose. He lifts his hand to touch me but he seems to be hesitant. Pansin ko rin na mas pinagpawisan siya at hindi siya makatingin sa akin.
“Just f*****g hold me, you mother fucker. Panindigan mo ako. I mean… panindigan mo ang ginawa mo. B-binangga mo ako, nasaktan ako. T-take responsibility—”
“Stop, Lee.” Tumawa si Miko kaya napabaling ako sa kanya.
“You’re embarrassing me. Stop digging the hole, you’re already in it. So deep.” Napailing siya saka ngumisi kay Leo at kumindat pa ito sa kanya.
I catch Leo’s eyes, which are now in mine. I see a glint of surprise in them. Nanginginig niyang pinulupot ang kanyang kamay sa baywang ko. His warmth envelops my skin. Sobrang lapit niya sa akin na pati pagpintig ng kanyang puso ay ramdam ko.
My heart pounds too as though it’s trying to race with his. I raise my head to look at his face, but his f*****g stature is hindering me too see what kind of reaction he is spouting right now.
“Let’s go,” natatawang sambit ni Miko. Inalalayan din niya ako, saka maingat kaming naglakad papunta sa clinic. Mika is probably there already.
Dahil sa paika-ika kong paglalakad at si Leo sa gilid ko, hindi mapigilan ng iba ang pagiging kuryuso at mang-usisa. Nagmistulang mga artista kami dahil sa paraan nang pagtitig nila sa amin.
"Anong nangyari?" bulong ng isa pero rinig na rinig ko ito.
"Natapilok yata. Maganda na sana kaso... alam mo na. Lampa,” sagot ng katabi niya saka sila naghagikhikan.
Aba! Hindi nila alam ang nangyari at kung gagawa man sila ng sarili nilang bersyon sana yung makatotohanan naman at maganda.
Ako lampa? Eh kung ilampaso ko ang mga pagmumukha nila sa sahig? Pasalamat sila sinabihan nila akong maganda. At magpasalamat sila masakit ang paa ko dahil kung hindi baka uuwi sila ngayon na blanko ang pagmumukha! Mga chismosa at chismoso! Mga walang ambag at salot sa lipunan!
“Eyes in front Lee.” Napabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi ni Miko. Binaliwala ko na lang ang mga estudyanteng nakakakita sa amin.
Hindi nagtagal, nakarating kami sa clinic. Agad akong ginamot ng school nurse namin at pinagpahinga niya ako ng ilang minuto. Buti na lang natapos ko na ang exam namin, kundi malilintikan talaga sa akin ang Leo na iyon.
Pumunta sa bathroom si Mika habang si Miko naman ay bumalik sa classroom para ipaalam kina Rose at Kris ang nangyari.
"Leo, iyan ba yung favorite pot ni Mrs. Ramos?" tanong ng nurse kay Leo. Napatingin naman ako sa bitbit niyang pira-piraso.
“Mrs. Ramos? As in the principal?” I ask curiously at Leo. He doesn’t answer. He is just standing there, turning white as though he seen a ghost.
“Leo?” The nurse encourages him to answer.
Napalunok si Leo at mukhang maiiyak na rin. Kumunot ang noo ko saka muling tinignan ang mga piraso ng nabasag niya. “Shit.”
Taka akong tinignan ng nurse saka pabalik kay Leo na mamamatay na sa nerbyos. Kung kay Mrs. Ramos yung nabasag niya aba talagang malilintikan siya. Wala ba namang sinasanto ang principal naming yun. At ano ang narinig ko? Pot? Favorite pot? Favorite pot niya pa yung nabasag! s**t! Patay!
“Leo, kay Mrs. Ramos ba ang nabasag mo?” tanong ulit ng nurse. Masama ko siyang tinignan dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng principal namin na mas masahol pa sa isda ang hininga.
"Opo ma'am. Huwag niyo po sa—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Leo dahil biglang bumukas ang pinto at iniliwal nito si Mrs. Ramos. Anak ng…
Bumungad sa amin ang umaapoy niyang pagmumukha. On her sides are her fingers folded into fists. Taas baba rin ang kanyang dibdib dahil sa poot.
Balita kong beast mode 'to kahit noong isang araw dahil may kumain sa linuto niyang tinola na para sana sa kanyang apo. Tangina, ginawa ba naman kasing sariling kusina ang eskwelahan.
Kung sunugin ko kaya kusina nila na malapit sa kasilya para naman magiging totoo ang kanyang alibi na magluto rito dahil wala talaga silang kusina? Hindi yung sasabihin niya na hindi gumagana ang kanilang burner kaya rito siya nagluluto! Some of the culinary students’ activities were postponed because of her nonsense endeavors.
"Leo! Ano 'tong chismis na may nabasag ka raw?! Huwag mong sabihin na yung pot ko yun?!" Napapikit ako dahil sa galit na galit na pagsigaw ni Mrs. Ramos. Kulang na lang bumuga siya ng apoy para maging KingKong s***h dragon ball-z siya.
"Mam, s-sorry. Hindi ko naman p-po sinasadya. It was just an accident,” nanginginig na sagot ni Leo. Hindi siya makatingin kay Mrs. Ramos at nakayuko siya. Pansin ko pa na may tumtulo galing sa kanyang mukha. I don’t know if it’s his sweat or his tears.
Nga naman, mukha kasing nangangain ng tao si Mrs. Ramos. With her reddish eyes, big dark circles, and cheeks abused by pimples; she looks devastating awful with that big thick curly hair full dark lips, and bloated stomach.
Bigla siyang napatingin sa akin at itinuro niya ako gamit ang daliri niyang mas mataba pa kaysa sa kinain kong longganisa kaninang umaga.
"Ikaw!" Napapikit na naman ako dahil sa matinik niyang boses.
"P-po?" Lintek! Nauutal pa ako. Ang laki kasi nung mata ni Mrs. Ramos, nakakatakot. Parang kakainin ka niya ng buhay!
“I want both of you in my office! Now!" sigaw niya na nagpatayo agad sa akin at hindi na ininda ang sakit sa paa ko dahil baka mas malala pa ang mangyari kung hindi namin susundin ang utos ni Mrs. Ramos.
***