2

694 Words
Mabilis na lumipas ang isang buwan at sa awa ng diyos ay hindi naman ako nahirapan rito sa trabaho ko,at tama rin si Maica mababait ang mga kasama namin dito kaya't mabilis kung nakuha ang mga loob nila. Nakakalungkot lang kasi isang buwan narin kaming hindi okay ni Darwin,hanggang ngayon issue parin sakanya ang pagttrabaho ko sa Laguna. Hindi ko nalamang siya pinapatulan dahil baka humaba pa at lumalim lang ang usapan namin at mauwi pa sa away. Alam kung nag aalala lang siya sakin pero sana naiintindihan niya rin ako na ayokong isipin ng mga tao na sumasandal lang ako sa kanya para guminhawa sa buhay. Ngayong araw sana ang ipinangako kung araw ng pagkikita namin ni Darwin dahil bakasyon namim sa trabaho dahil mag papasko. Pero hindi ko naman inaasahan nag magkakahayaan ang mga katrabaho ko na mag kakaroon kami ng Christmas party,at dahil unang pasko ko ito bilang ka trabaho nila ay hindi na ako naka tanggi pa. Samantha,are you okay? Nakangising turan sa akin ni Maica ng makita ako nitong nag iisa sa dulong parte ng resort. Tumango naman ako dito bilang pagsang-ayon,pero alam kung hindi ito kumbinsido sa naging sagot ko. Liar!tell me what is it? Pangungulit pang tanong sa akin nito na halos yugyugin na ang buong katawan ko para lang umamin. Hulaan ko,si Darwin ba? Tumango naman ako dito bilang pagsangayon sa sinabi niya. So ano ngang naggyari sainyo? Nagalit kasi siya nang malaman niyang sumama dito sa party natin,lalo na ng malaman niyang overnight pa tayo rito.. Why? don't tell me dika nag paalam? Nag paalam ako,kaso talagang ayaw niya lang talagang pumayag,pinaliwanang ko naman sakanya yung lahat pero talagang di niya ako maintindihan. Nako don't worry Sam,ako ng bahalang kumausap kay Darwin,basta ang importante ngayong gabi ay mag enjoy tayo sa Christmas Party natin. Nagmamadali akong hinawakan sa braso ni Maica at pag katapos ay dinala sa mesa kung nasaan ang iba pa naming mga ka trabaho. Nilibot ko ang paningin ko sa buong resort,madilim gawa ng gabi at halos disco lights lang talaga ang mga ilaw na naka bukas. Ayoko namang maging killjoy, kaya't umupo rin ako kasama sila,pero tinangihan ko lahat ng alak na inalok nila,mahirap na baka malasing pa. Siguro naman Samantha hindi mo tatangihan itong iced tea na ibibigay ko sayo.? Nakangiting pang iinis sa akin ni Maica ng inabot sa akin nito ang isang baso ng iced tea,meron din itong dalang dalawang plato ng ibat ibang makakain. Thanks,nag abala kapa sana sinama mo nalang ako para ako na kuha ng mga ito. Nako!doon din naman kasi ako galing kaya pinagdala nadin kita. Hindi pa man nakaka upo si Maica ay lumapit na ang ilan naming mga kasama at nang ayang sumayaw,hindi naman ito tumangi at maayos nag paalam sa akin . Samantha sure ka okay lang na iwan kita saglit? nakangiting sabi nito sa akin,tumango naman ako dito bilang pag sang ayon. Nang matanaw kung nasa kalagitnaan na sila ng dancefloor ay sinimulan ko nang kainin ang mga dala nito para sa akin.. Wala akong masabi dahil lahat nang iyon ay talaga namang masasarap,nang matapos ay sinunod kuna ring ubusin ang iced tea na dala niya. Naaliw ako habang pinapanuod silang nagsasayaw,hindi ko alam kung dahil ba sa likot ng mga disco lights kung bakit ako nahihilo oh dahil sa pagod at puyat din ako. Ilang minuto kupang pinakiramdaman ang sarili ko pero,talagang lumalabo at tila umaalon ang bawat paligid ko, Naligo naman ako kanina bago pa kami mag punta dito, kaya't diko maintindihan bakit naging ganito kabigat ang pakiramdam ko sa sarili. Tumayo ako sa upuan na kinauupan ko para puntahan si Maica at magpaalam dito na mauuna na ako sa kuwarto namin ng bigla nalang akong makaramdam ng matinding pagkahilo. Pero bago pa man ako makalabas ng bar ay tila pakiramdam ko lumulubog ako sa lapag sa tuwing humahakbang ako. Napapakapit ako sa bawat bagay na mahawakan ko dahil pakiramdam ko ay umiikot na ang buong paligid ko. Hanggang sa diko na kinaya at naramdaman ko nalang na may taong umaalalay sa akin at naghiga sa kama at pagkatapos noon ay tulayan ng dumilim ang paligid ko .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD