"Delifico? Delifico?" Nagtatakang bumaba sa kama si Sandra, inaasahan kasi niya na pag gising niya ay si Delifico ang mabubungaran niya. Ngunit nagtataka siya kung bakit wala ito ngayon sa tabi niya. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri pagkuway lumabas ng kwarto. Biglang bumalik sa isip niya ang pangungulit nito na muli siyang mag-aral. Tinanggap na rin niya 'yon sa huli, mamaya ay tutulungan daw siya nito para makapag-enroll sa online course. "Talaga? Sa tingin mo ayos lang si Don Kiko?" Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon mula sa kusina. 'Si Tiyo? Anong nangyari sakanya?' Bigla siyang kinabahan sa isiping baka napahamak ito. Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito. "Mainit na rin ako sa mata nila, sigurado ako na hindi sila titigil hangga't hindi nakikita si Sandra.

