"Mukhang nagugustuhan mo dito iho ha? well, that's good para naman kapag lagi akong wala dito may kasama ang anak ko..."
Nanatili lang nakatulala si Sandra habang tinatanggap ang pagkain na sinusubo sakanya ni manang. Kasalo niya ang mag-ina kaya dapat lang na maging aral ang kilos niya lalo't napapansin niya ang titig sakanya ni Delifico. Minsan naman ay nakikita niya ang talim ng tingin sakanya ni Julie.
"Well, siguro dahil sa nare-relax ako dito hindi gaya sa condo ko." Malamig na tugon ni Delifico.
Tumawa ang matanda. "That's right, well kung ganon you can stay here anytime iho.."
"Dad kasama mo na naman pala ang secretary mo nang mag-out of town ka..." Sabat ni Julie habang umiinom ng tubig.
"Ano naman ngayon? Well i'm just a man.... i have needs, ewan ko nga kung bakit ko pinagtiyagaan ang mama ni Sandra eh." Nakangising sabi ni Don Augusto, gumuhit ang sakit sa dibdib niya. Hindi naman umimik si Delifico.
'Napakawalanghiya mong matanda ka!'
"....but you know what? I miss her company, kahit nakakabagot siya sa kwarto."
Tumawa si Julie sa tinuran ng ama.
"If i know dad, gusto mo rin naman.." Nakakalokong sabi ni Julie. Gusto niyang bulyawan ang mga ito dahil sa kawalang galang sa ina niya pero nanatiling nakatulala siya.
"Oh... i'm sorry iho." Ani Don Augusto na mukhang ngayon lang napansin si Delifico, pasimpleng binawi naman sakanya ni Delifico ang tingin pagkuway tumingin sa matanda. Walang emosyon ang mukha nito.
"I'ts okay, wala naman akong pakialam sakanila..." Malamig na sabi nito. Naramdaman niya ang pag-guhit ng sakit sa dibdib niya. Itinikom na niya ang bibig nang muli siyang susubuan ni manang.
"Ayaw mo na ba iha? I-aakyat na kita." Sabi sakanya ni manang, pina-inom muna siya nito ng tubig saka inalalayang tumayo.
"Oh? Tapos kana ba iha?" Narinig niyang sabi ni Don Augusto. Mula sa gilid ng mata ay nakita niya ang pagtayo nito.
"Ako na ang bahala sakanya manang. Paki-asikaso na lang ng mga gamit ko sa labas."
'Hindi.... hindi... hindi...'
Ramdam niya ang pangangatog ng katawan. Gusto niyang sumigaw nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya.
"Excuse me Mr. Augusto. May pupuntahan pa tayo ngayon hindi ba?"
Nakahinga siya ng maluwag nang marinig si Delifico.
"Pupuntahan? Balak ko kasing mag-rest mu---
"Sinabi sakin ni Mr. Vladimir ang tungkol sa naging problema sa stock. Siguro kailangan nating asikasuhin muna 'yon ngayon bago pa makarating sa mataas."
"Oh...." Bakas sa boses ng matanda ang dissapointment. Saglit itong bumaling sakanya saka binitawan siya.
"Oo nga pala, buti at pina-alala mo sakin iho..." Anito.
"H-halika na..." Bulong ni manang saka inalalayan siya palabas ng hapag-kainan.
"Sasabay na 'ko sainyo dad!" Narinig niyang sabi ni Julie. Banayad niyang binuga ang hangin sa bibig habang paakyat sila sa hagdan. Alam niyang kapag ang matanda ang nakahawak sakanya, panaka-naka ay nagnanakaw ito ng halik sa pisngi niya. Hindi niya gusto ang pakiramdam na nandito sa mansion ang matanda. Kung magkataong maubusan siya ng pasensya kahit ito lang ang mapatay niya masaya na siya.
Pagdating sa kwarto ay humiwalay na siya kay manang saka humiga sa gilid ng kama. Naisipan niyang sa paanan ang ulo niya dahil mas komporatable siya.
"Dito na 'ko iha ha? Didiligan ko pa kasi 'yung mga halaman..." Ani manang, pumikit naman siya habang yakap ang katawan. Naramdaman naman niya ang pagsara ng pinto ng kwarto. Naisipan niyang muling tumayo, sumilip muna siya sa pinto pagkuway tumayo. Binuksan niya ang makapal na kurtina sa balkonahe saka binuksan ang pinto. Napapikit siya nang malanghap ang sariwang hangin na tumama sa mukha niya. Bahagya siyang nakangiti pagkuway humakbang papunta sa balkonahe. Tumanaw siya sa malayo habang hinahayaan ang mahabang buhok na lumipad sa hangin.
'Sandro? Mama? Kumusta na kayo? Alam niyo ba, na hindi ako tumitigil sa paghahanap sainyo. Alam ko na malalaman ko rin kung saan kayo tinatago ng mag-ama. Mama, gagawin ko ang lahat makita lang kayo.... kahit na mapahamak ako...'
Ilang beses niyang kinurap-kurap ang mga mata upang hindi bumagsak ang luha niya.
"Ano na namang ginagawa mo dito?"
Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon.
'Akala ko umalis siya?'
Pailalim siyang sumilip dito nang maramdaman niya ang paglapit nito sakanya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"Saktong nasa biyahe kami nang magkaroon ng emergency call si Mr. Augusto. Kaya napag-pasyahan ko na sakanila na lang muna ipa-drive ang kotse ko. Magka-iba kasi ang way na pupuntahan namin. So i've decided to commute, pero pauwi dito. Wala naman talagang problema sa stock eh."
'Pake ko ba?!'
Bahagya siyang umirap sa hangin.
"....naramdaman kong natakot ka nang hawakan ka ni Augusto." Matalim ang tinig na sabi nito. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang tumabi ito.
"So, magtitiwala kana ba sakin ngayon Sandra?"
Hindi siya umimik, pinanatili niyang tikom ang bibig.
Bumuga ito ng hangin. "Fine. Mukhang wala ka ngang balak na sabihin sakin ang lahat."
'Talagang wala!'
Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya nang unti-unti itong lumapit sakanya.
"Sandra..... alam kong wala ako sa lugar pero pwede bang sabihin mo sakin ang nangyari dito? Bakit kailangan mong magpanggap na ganyan?"
Nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya.
"Hayyy.." Ramdam niya ang frustrate sa tinig nito. Hinawakan nito ang braso niya at iniharap dito. Hindi naman siya tumingin sa mukha nito.
"Look at me Sandra..." May himig ng utos na sabi nito. Tumingin naman siya dito, nakita niya pang natigilan ito pero saglit lang at mabilis ding iniwasan ang tingin niya.
"Ganito na lang, kahit konti. Kahit konting hint lang kung bakit kailangan mong magpanggap. May alam kaba sa nangyari sa ina at kambal mo?"
Hindi pa rin siya sumagot.
"Fine.." Tila nauubusan naman ito ng pasensya at muling tinitigan siya. Bahagya siyang nagulat nang hawakan nito ang baba niya at pinisil 'yon.
"I'll wait for your answer Sandra... alam mo ba kung bakit gusto kong malaman?" Nakatitig ang mata na tanong nito sakanya.
"Dahil tutulungan kita... at gusto ko na magtiwala ka."
Napakurap naman siya, nauwi 'yon sa panlalaki ng mata nang sakupin nito ang labi niya. Napahawak siya sa braso nito, naramdaman niya ang paggagad ng labi nito, maging ang dila na gumagalugad sa loob ng bibig niya. Hindi pa ito nakuntento, hinapit nito bewang niya papalapit sa katawan nito. Mabilis na lumapat ang palad niya sa dibdib nito at malakas itong tinulak.
"Sandr----
Sinampal niya ito ng malakas.
"Manyak! Wag na 'wag kang lalapit sakin!" Nanggigigil na duro niya dito at mabilis siyang tumalikod. Ni-lock niya ang pinto ng balkonahe.
"Sandra! Uy ... Isa!" Blurred ang tinig nito sa labas. Hindi niya ito pinansin, humiga siya sa kama at hindi pinansin ang sigaw nito.
"Well.. atleast kina-usap mo na 'ko. Siyempre hindi ako hihingi ng sorry sa nagawa ko, you know why? I like kissing you. Oopps 'wag kang magagalit don ha? Nagsasabi lang naman ako ng----
Tinakpan niya ang magkabilang tenga.
'Bwisit na manyak 'to!'
"f**k you Ellifard dito kapa talaga sa club ko nagkalat!"
Kumunot ang noo ni Delifico nang makita si Ellifard na nakasalampak sa sahig. Hindi nito pinakinggan ang sigaw ni Grey, hawak nito ang cellphone sa isang kamay at nanghihinang muli 'yong binaba.
"Anong nangyari sa lalaking 'to?" Tanong ng katabi niyang si Tunaco. Alam niya may issue 'tong dalawang 'to eh. Lumapit naman sila kay Ellifard.
"Oh? Anong nangyari diyan?" Tanong niya.
"Kumain na ba 'yan?"
"Namatayan?"
"Nanakawan?"
"Kinulam?"
Napailing na lang siya sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan. Sinuntok niya sa braso si Serionifo.
"Para kayong gago!" Natatawang sabi niya sa mga ito at muling tinignan si Ellifard. Kahit na hindi sabihin nito sakanila mukhang alam na niya ang problema ng loko.
"Sigurado ako na alam na ni Mr. Tan ang lahat at ngayon ay inilalayo sakanya si Romeliza." Ani Clifford. As his expected.
"Naku... wrong timing ka naman kasi Ellifard. Manong kinuha mo muna loob ni Mr. Tan bago aminin sakanya ang tungkol sainyo ni Romeliza.." Sabi naman ni Maxeau.
"Oh great suggestion, pero sa tingin mo makakalapit ba 'to kay Mr. Tan? Ultimo nga ata dulo ng buhok ni Ellifard makita ng matandang 'yon gusto ng kumuha ng baril eh." Natatawang sabat ni Thartarus.
"Alam niyo nakakatulong talaga kayo..." Sarkastikong sabat na ni Tunaco at lumuhod sa harap ng kaibigan niya. Naghalukipkip naman siya at tinignan na lang ang mga ito.
"Hey... gusto mo bang makita ang pinsan ko?"
Nakita niya ang bahagyang pag-aliwalas ng mukha ni Ellifard. Natutuwang umiling siya.
'f**k! He's really serious huh?'
"Pano?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Tunaco. "Akong bahala...."
"Pero hindi ibig sabihin non gusto na kita para sa pinsan ko pagkatapos ng ginawa mo."
Si Ellifard pa. Sakanilang lahat si Ellifard ang matigas ang ulo, hindi na siya nagulat na may relasyon na pala ito at si Miss Tan. Halata naman kasi sa kilos nito noon pa man, siya lang ang nakakakita kung pano nito tignan si Miss Tan.
"At pagkatapos non isipin mo ng mabuti kung paano mo makukuha ang loob ni Mr. Tan." Ani Grey.
"Pano naman? Eh galit na galit sakin 'yon eh."
"Isipin mo ng mabuti bata! You want to get your girl? Then do something... sa paraang 'yan hindi kami makakatulong dahil sarili mo ang kailangan mong dalhin sa harap ng matanda. Ikaw ang dapat na maka-usap niya para maging pormal kayong dalawa ni Romeliza."
Grey was right.
"Wag kang mag-alala hindi lang naman ikaw ang minalas Ellifard. Si Delifico nga takas sa mental ang ginawang hostage eh." Natatawang sabi ni Serionifo.
Nawala ang ngiti niya. Biglang lumitaw sa isip niya si Sandra.
"Salamat at pinaalala mo ah.." Sarkastikong sabi niya dito. Tumayo naman si Ellifard, mukhang wala pang tulog ang loko. Niyaya agad nito si Tunaco. Nang tumalikod na ang dalawa ay hinarap sila ni Grey.
"Kayo? Ano pang ginagawa niyo dito? Umalis na kayo sa club ko puro kamalasan dala niyo." Pagtataboy nito sakanila, itinayo nito ang trash can na sinipa ni Ellifard. Nakangising tinalikuran niya ang mga ito.
"Grabe ka talaga samin Grey! Oi! Delifico sama ka samin mag movie marathon nila Thartarus!" Sigaw ni Maxeau. Itinaas niya ang isang kamay.
"Next time busy ako." Aniya saka lumabas ng itim na pinto. Nabungaran niya ang mga nag-aayos ng mga lamesa, inaayos naman ni Dj Nyx ang stereo nito na mukhang nasira. Narinig niya ang bulungan sa likuran niya.
"Grabe mukhang may pinagkaka-abalahan na talaga siya."
"Oo nga eh, sigurado ako na babae 'yan."
"Naku isang araw, siya naman ang susunod kay Ellifard."
Tumigil siya sa paglalakad at bumuga ng hangin. Binalingan niya ang mga ito.
"Fine. Siguruhin niyong maganda ang panonoorin natin. I don't wanna waste my time for nothing." Sabi niya sa mga ito at saka siya lumabas ng club.
"Yes!"
Pagdating nila sa parking lot are ay kotse niya ang ginamit nila.
"Teka talaga bang seryoso ka na kay Julie?" Tanong ni Thartarus na katabi niya. Akmang magsasalita siya nang unahan siya ni Maxeau,
"Oo! Eh si Julie lang naman 'yung tumagal na girlfriend niya eh. Ayiehh!"
Naiiling na binuhay na lang niya ang makina ng sasakyan.
"Pero alam niyo ba guys? Maganda 'yong half-sister ni Julie." Sabat ni Serionifo. Natigilan naman siya pero hindi nagsalita. Basta lang nakatutok ang tingin niya sa daan.
"Talaga? Nakita mo na?" Tanong ni Maxeau.
"Oo, kaklase ko sa highschool 'yung kambal niyang si Sandro. Nakita ko ang kambal niya no'ng graduation namin." Sabi ni Serionifo, nakikinig lang siya sa mga ito.
"Talaga? Naka-graduate ka pala ng highschool?" Natatawang sabi ni Maxeau.
"Naman! Bukod sa angkin kong gandang lalaki matalino pa 'ko." Pagyayabang na naman nito. Umaktong nasusuka naman sila Maxeau.
"Pero pwera biro, maganda talaga 'yung kambal ni Sandro. Kaya lang medyo suplada ata, nakita ko kung pano niya iwasan at irapan no'ng graduation si Julie eh. She didn't even congratulate Julie, isa rin kasi si Julie sa mga gumradweyt no'n."
Bahagyang nagsalubong ang kilay niya.
"Wow... hot. Sigurado mahaba hita non." Komento ni Thartarus.
"Yeah. Kasama niya rin boyfriend niya na si Cedric 'yong anak ng isang hepe. Mahangin nga 'yong lokong 'yon, mas lamang naman ako ng ka-gwapohan sakanya." Sabi pa ni Serionifo.
"Oh? Balita ko nagtanan 'yong dalawang 'yon. Totoo ba?" Tanong ni Maxeau. Humigpit ang hawak niya sa manibela.
"Sa tingin ko toto---
"Will you please shut up guys? Kalalaki niyong tao ang dadaldal niyo." Naiinis ng sabi niya. Hindi pa nga nawawala ang inis niya sa tuwing naalala 'yung sinabi ni Julie sakanya dadagdagan pa ng mga ito!
"Eto naman... pero 'diba nakikita mo rin 'yon sa mansion? Ayieh..." Pang-aasar ni Maxeau na kiniliti pa ang tenga niya. Inis na bumuga siya ng hangin at nilayo ang tenga dito.
"Pwede ba?! Hihilahin ko 'yang kulot mong buhok!" Inis na sabi niya dito at bahagyang bumilis ang pag-papaandar niya.
'Malakas ang pakiramdam ko na hindi totoo ang sinasabi ni Julie. Mapapa-amin din kita Sandra..... kaya sana magtiwala ka sakin..'