--* MHALEE PŌV INAYOS KO MUNA ANG SARILI ko bago ako umakyat sa taas para ibigay ang dyaryo na dala ni tita Zeny. Tuwing umaga ay nagbabasa ang amo ko ng dyaryo paggising niya ng maaga. Kumatok ako sa pintuan ng tatlong beses. Pero mabilis na naman ako nagtakip ng mga mata ng makita kong nakaborles na naman ang amo ko. Palagi na lang siyang ganito sa tuwing pumupunta ako sa kwarto niya, kay tita Zeny kaya? ganito rin ba siya? Kaloka. Hindi ko rin napigilan maalala ang nakita ko kagabi. Ang panunuod nito ng malaswa. Maya-maya'y narinig kong tumawa si sir Matias. " Kong umasta ka naman. Parang ngayon ka lang nakakita ng katawan ng lalake." " Hindi naman po." Sabi ko habang kagat ang ibabang labi. " Hindi lang po ako sanay. Sa asawa ko lang po ang nakikita ko." Dagdag na sabi ko pa sa

