--* πΌπ·π°π»π΄π΄ πΏπΎπ πΊπ°πππ°πΏ πΊπΎ π½πΆπ°ππΎπ½ ππΈ Krystal. Nakikibalita kong kamusta na ang mga anak ni Matias. Sabi niya kasi ay malapit lang daw ang bahay nila sa mga anak ni Matias at palagi siyang napunta. Sabi niya ay galit pa daw ang mga anak ni Matias at ayaw raw pag-usapan ang ama o ako. Lalo na daw 'yung bunso. Galit daw sakin, kong ano-ano pinagsasabi. Kesyo gold digger lang daw ako. Nalungkot ako sa nalaman. Ano ba magagawa nila, nagmamahalan kami ng kanilang ama. Sana manlang maging masaya na sila para maging masaya na rin kami ni Matias. Paano kami magiging masaya kong may galit samin. Hindi lang nagsasalita ang boyfriend ko. Pero ramdam ko ang lungkot sa loob niya. Mahal na mahal ni Matias ang mga anak niya pero mas mahal niya ako. Kaya nga hindi niya ako binibitawan kahit ayaw sakin

