--* MHALEE PŌV AFTER MAGLUTO NI NANAY ay kumain na kami. Sa bahay na rin kumain si Mel, at hindi ko parin makontak si Raven. Mamaya ay pupuntahan ko siya sa bahay nila. Hindi na rin bumalik si kuya at mukhang napikon sakin. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Nagpapalaki lang siya ng tiyan, tapos walang trabaho. Daig pa niyang pulis, nagpapalaki ng tiyan. Ang taba na nga niya eh, kakatambay tapos ayaw pang mag-trabaho, kainis. " Oh, ikaw. Malapit kana manganak. Wala bang balak magtrabaho ang asawa mo? Huwag mong sabihin sakin kayo manghihingi? Tigil-tigilan niyo ko." Sabi ko kay Lena sa mataray na boses. " Hindi naman be. Kinakausap ko naman ang kuya mo." Wika nito sa mahinang boses. Mukhang nahihiya, dapat lang no. Ako nagpapakain sa kanila. " Mabuti naman. Maawa kamo siya sa mga bata.

