--* MHALEE PŌV KAUSAP KO SI RAVEN ng mga sandaling iyon dahil kinokompronta ko siya kong sino ang katabi niyang babae sa picture. Ang sabi niya ay shuta daw ng kaibigan niya, kaya naman naniwala agad ako dahil wala pa daw that time ang kaibigan niya, kaya sa kanya tumabi ang babae. Naniwala na ako dahil ayaw kong mag-away kami. Bukas kona lang alamin kong sino ang babae. Siguro naman ay makikilala ko, kong sinong kaibigan niya ang may girlfriend sa babae. Kilala ko ang lahat ng kaibigan niya. At ngayon ko lang nakita ang babae. Kalma muna ako, hindi naman siguro ako lolokohin ni Raven. Ikaw lang. Sabi ng utak ko. Pero natigilan naman ako ng makita kong bumukas ang pintuan at bumungad ang amo kong mangyakis. Hindi ko tuloy napigilang mapamura. " s**t!" Sambit ko. Nagtaka naman ang

