--* SiR MATiAS POV PAGDATING KO SA KUSINA ay hindi kona nga naabutan si Mhalee at malinis nasa mesa. Kaagad akong pumunta sa kwarto niya at pinihit ang doorknob. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil hindi siya nakalock. Tinulak kong pabukas ang pintuan at nakita ko si Mhalee na nakaupo sa kama habang nakatingin sakin ang mga matang walang emosyon. " Hi." Bati ko at pumasok sa loob ng kwarto saka sinara ang pintuan. Parang kinabahan ako habang nakatingin sa kanya. Iba kasi ang awra niya ngayon. Parang nakakatakot ang mga tingin niya. Ngayon na lang ako ulet nakaramdam ng ganito. " Anong pinagsasabi ng inaanak mo? Bakit niya sinabing bagay sakin ang name ko, mhaleebog?" Parang galit na tanong niya sakin kaya mabilis akong lumapit at tumabi sa kanya. Pero lumayo siya sakin at parang gal

