𝙼𝙷𝙰𝙻𝙴𝙴 01

1497 Words
Chapter 01 MHALEE PŌV HINATID AKO NI RAVEN sa bahay dahil galing kami sa bahay nila at katatapos lang namin mag-bengbangan. Day off niya ngayon, at sakto walang tao sa bahay nila. Kaya naman, todo bengbangan kaming dalawa doon. Naabutan ko si mama sa bahay habang naghahanda ng hapunan namin. Samantalang ang kapatid ko at ang asawa nito ay nakahilata lang sa maliit naming sala's. Walang divider ang bahay namin dahil maliit lang ito, at makikita agad ang kusina pagpasok ng bahay. Pero may isang kwarto naman sa bahay at sa amin dalawa iyon ni mama. May kasama kami sa bahay, at iyon nga ang pamilya ng kuya ko. Nakipagsiksik siya samin dahil walang trabaho ang magaling kong kuya at umaasa sa nanay namin. Sa may sala's sila nagsisiksikan ng pamilya niya. May pamilya na ang kuya ko pero hindi parin bumubukod. Maliit lang ang bahay namin at nakatira kami sa may stero, sa tabi ng ilog. Dito na ako pinanganak at lumaki sa lugar na ito. Dito na rin kasi nagkakilala ang mga magulang ko. Wala na ang tatay ko dahil namatay na siya, 5 years ago. Nasaksak si tatay habang nagtitinda ng balot. Magulo kasi dito sa lugar namin, pero wala kaming choice, mahirap lang kami, at wala kaming pera para mangupahan sa magandang bahay. Pero kung dalawa lang kami ni nanay, baka maayus sana ang buhay namin. Pero samin umaasa ang kuya ko at pamilya niya. Hindi kami makaahon sa kahirapan dahil sa kanila. Minsan ay tinatamad na ako magtrabaho, kagaya ngayon wala akong trabaho. Sino ba naman kasi gaganahan kong may kasama kang tamad, at palaasa? Tamad kasi ang kuya ko, noon pa man. Aasa-asawa pero hindi naman niya kaya buhayin ang pamilya niya. Panay lang ang inom at barkada. Tapos binubuntis pa niya ang asawa niya, wala naman siyang trabaho. Tatlo na nga ang anak nila. Pero nasa tiyan pa ang pangatlo. Wala rin ginawa kundi mag-away silang mag-asawa na para bang bahay nila ito. Minsan nga ay hindi na ako naglalagi sa bahay dahil ang gulo nila. " Hi tita." Sabi ng mga pamangkin ko ng makita nila ako at lumapit. " Hello." Wika ko naman na may ngiti sa labi at niyakap sila. " Ang baho niyo naman. Hindi pa kayo naliligo?" Lukot ang mukhang tanong ko sa magkapatid. Tumawa lang ang magkapatid. Isang 7 at 4 ang edad ng magkapatid. Babae at lalake pa ang anak ng kuya ko. Ewan kong anong gender ng isa, dahil nasa tiyan pa siya. " Andiyan kana pala, Mhalee. Halikana at kakain na tayo." Sabi ni mama ng makita ako. Binati naman ni Raven ang nanay ko. " Hi, tita." Tumango lang si nanay at nagpaalam na ang boyfriend ko. Magbabasketball pa daw siya sa court, kasama ng mga kaibigan niya. " Okey, text mo ako mamaya." Sabi ko naman saka hinalikan ito sa labi at yumakap ng mahigpit. Nang umalis na ang boyfriend ko ay lumapit na ako sa mesa. Pero napairap dahil nauna pa ang kuya kong tamad sa mesa. PG talaga. Dapat sa mga tamad ay hindi na pinapakain. Kapal talaga ng mukha. Hindi kami magkasundo ng kuya ko dahil nga sa katamaran nito. Pero noon ay magkasundo na magkasundo kami. Palagi pa nga niya ako pinagtatanggol sa mga kaaway ko. But not anymore. Tumabi ako sa mama ko saka kumuha ng pagkain. Tilapya ang ulam namin ngayon. Prito na may sawsawan na toyo at kamatis. Sarap. " Kadiri ka naman. May kutsara, kinakamay mo." Inis kong sabi sa kuya ko dahil kinakamay niya 'yung sawsawan. Hindi pa naman siya naghugas ng kamay at deretso lang sa pagkain. Natigilan naman ito at tumingin kay mama. " Sorry." Kapagkuwan ay sabi nito habang puno ng pagkain ang bunganga. Akala mo aagawan ng pagkain. " Magdahan-dahan ka kasi hon." Sabi naman ng asawa nito na si Lena. Mabait naman si Lena, kaya lang tamad 'din kagaya ng kuya ko dahil walang ginagawa sa bahay kundi humilata, wala ng ginagawa sa bahay. Hindi porket buntis siya ay i-aasa na niya sa nanay ko. Naiinis rin ako sa kanya kong minsan. Hindi ko lang pinapatulan at ang kuya ko ang makakaaway ko. Maya-maya'y nagsalita si nanay, kaya napalingon ako sa kanya habang nanguya. " Nak, bakit hindi kana maghanap ng trabaho? Nahihirapan na kasi ako sa paglalabandera. Tulungan mo naman ako." Nakikiusap na ani nanay sakin. Isang labandera ang nanay ko, pero dito lang 'din sa mga kapitbahay namin. Kumikita siya ng 500 o 1000 sa isang araw. Pero hindi parin sapat dahil nga marami kami. 40 palang siya ngunit mukha na siyang 60 dahil sa paghahanap buhay. Si nanay lang kasi ang nagtatrabaho, at ang magaling kong kuya ay walang ginawa kundi ang umasa. May trabaho ako dati sa palengke, umalis lang ako dahil ang sama ng ugali nang amo ko. Atsaka sinong gaganahan magtrabaho kong samin palagi umaasa ang kuya ko? Tinamad na ako magtrabaho dahil sa pamilya lang ng kuya ko napupunta ang pinaghirapan namin ni nanay. Kapag nagkakasakit ang mga bata. Tapos kami pa nagbabayad ng bahay, kuryente at tubig. Pati pagkain ay kami rin sumasagot. Gaganahan kapa ba? " Bakit hindi si kuya ang pag-hanapin niyo ng trabaho, Nay?" Anang ko sa aking ina. Sabay lingon sa kuya ko. " Nang hindi siya puro asa satin, wala siyang ginawa kundi umasa." " Ako na naman ang nakita mo." Inis na tanong ni kuya sakin. " Bakit hindi?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. " May pamilya kana kuya. Pero samin ka parin umaasa. Magtrabaho ka naman." Wika ko sa kanya, sa inis na tono. " Alam mo naman wala akong makuha na trabaho diba? Ang hirap maghanap ng trabaho ngayon, lalo na kapag walang pinag-aralan." Katwiran ng kuya ko sakin. " Edi sana, hindi ka nag-asawa at nag-anak ng marami. Mahirap pala maghanap ng trabaho." Pamimilosopo ko sa kanya, dahilan para magalit ang kuya ko. " Ano bang problema mo? Ikaw nga wala kang trabaho, may narinig kaba sakin?" Galit na tanong sakin ni kuya, at masama na ang mukha nito, tanda na galit na ito. Medyo kinabahan naman ako. Pero dahil palaban ako, sumagot parin ako. " Nagtanong kapa ah? Atleast ako walang asawa o anak. Hindi katulad mo, may pamilya na. Dapat ikaw ang-" " Putcha naman eh!" Galit na sigaw ni kuya sabay hampas sa mesa dahilan para matigilan ako at magulat ang mga kasama namin. " Wala nga akong mahanap, walang kumukuha sakin. Ano bang problema mo?" " Edi sana maghanap ka!" Pabalik ko rin sigaw sa kanya. Medyo kinakabahan na ako at baka bigla na lang akong sapakin nito dahil may pagka-pikon ang kuya ko kapag gano'n ang usapan. " Tama na nga 'yan!" Galit na sigaw ni nanay dahil sa pag-aaway namin ni Kuya at pumagitna na siya. " Nasa hapagkainan tayo, tapos nag-aaway kayong magkapatid. Kaya minamalas tayo eh." Saad nito habang nakatingin samin ng masama. Halatang galit na rin siya dahil samin ni kuya. Palagi kasi kami nag-aaway ni kuya, dahil sa trabaho. Huminga naman ako ng malalim na buntong-hininga saka pairap na tumingin sa ibang bahagi ng bahay ang mga mata ko. Ang pangit ng bahay namin. Puro trapal, at wala sa ayus. Pero ang mahal parin ng upa. " Pagsabihan niyo ang anak niyo. Nagsisimula na naman." Narinig kung sabi ni kuya kaya napalingon ako sa kanya. " Kung ayaw mong pagsabihan, magtrabaho kana lang." Sagot ko pa sa kanya, mas lalo tuloy nagalit si kuya at sumama ang tingin niya sakin na para bang gusto na akong saktan. Pero nagpipigil lang dahil andiyan si nanay. " Tama na 'yan. Kung ayaw niyo magtrabaho, mamamatay tayo sa gutom." Sabi ng nanay ko saka umalis sa mesa at lumabas ng bahay. Napabuga naman ako ng malalim na buntong hininga. " Nawalan na ako ng gana." Sabi naman ng kuya ko at padaskol na tumayo at lumabas rin ng bahay. Napairap naman ako sa hangin habang nakatingin sa mga pamangkin ko. Nawalan pa siya ng gana? Halos maubos na nga niya ang pagkain sa mesa. Sinundan naman si kuya ng asawa niyang si Lena. Ako naman ay tumayo rin sa mesa at nawalan na rin ako ng ganang kumain. Iniwan ko ang mga pamangkin ko sa mesa. Pumunta ako sa banyo, matapos maghugas ng kamay. Kinuha ko ang aking cellphone saka tenext ang boyfriend ko. Hindi ko alam kung tapos na siya mag-basketball ngayon. Pero hindi nagreply si Raven, kaya napahugot ako ng malalim na buntong hininga. Humiga ako sa papag at tumingin sa kisame. Dating nakatira dito ang naglagay no'n. Puro sexy na babae ang nakalagay sa picture. Mukhang malibōg ang nakatira dito dati. Halos nakahubad na babae kasi ang nasa picture. Isang buwan na akong walang trabaho, at tambay lang ako. Nawalan kasi ako ng ganang magtrabaho dahil sa kuya ko. Panay ang asa samin ni nanay. Walang pagsisikap sa buhay. Samantalang may pamilya na siya. Sinong gaganahan magtrabaho kong may kasama kang tamad sa bahay, diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD