--* MHALEE POV ISANG LINGGO ang matulin na lumipas. Nakauwe na ang nanay ko sa bahay ngunit kailangan niyang maggamutan. Pinahiram ako ng pera ni Raven, kaya nakakainom si nanay. Ngunit paubos na ang binili ko sa kanya dahil isang libo lang pinahiram sakin ng boyfriend ko. Dami pa sinasabi bago magpahiram, kaya naiinis ako sa kanya. Parang hindi boyfriend hmp. Ngayon ay namomoblema ako, kong paano ako makakabale sa amo ko. Ang sabi ni tita ay bawal daw bumali, nasa rules daw 'yun. Pero wala naman sinabi sakin ang boss namin na bawal bumale. Noong inerterview niya ako. Wala na ako mautangan. Si Mel naman ay mahirap lang 'din katulad ko. At hindi ko mahiraman. May boyfriend nga ako, ang hirap naman utangan, kainis. Kailangan ko pang utuin at lambingin. Hindi ko naman malambing kasi mal

