MHALEE POV
Sinalubong ako ni tita Zeny ng makalabas ako sa opisina ng amo ko.
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka natanggap?"
"Natanggap po." Nakasimangot kong sagot.
"Iyon naman pala. Eh bakit malungkot ka diyan?" Taka pa rin niyang tanong sa akin, habang bakas sa mukha niya ang pagtataka.
Huminga naman ako ng malalim bago sumagot.
"Hindi ako stay out. Sabi mo stay out." Atungal ko sa kanya sabay nguso.
"Hala!" Gulat namang saad ni tita Zeny sa akin. "Hindi ko alam ’yan. Alam ko talagang stay out lahat ng katulong dito." Paliwanag niya sa akin.
Muli ay napahugot ako ng malalim na buntong-hininga at ngumuso dito. Lumapit naman sa akin si tita Zeny.
"Hayaan muna. Importante ay may trabaho ka na. Edi mapapagamot muna ang nanay mo." Pagpapakalma niya sa akin.
"Ano pa nga ba? No choice naman ako." Sabi ko sa kanya saka hinila ako. Dinala ako sa kusina, at nakita namin doon si manang habang naglilinis.
"Kamusta?" Mataray niyang tanong sa amin ng mapalingon. Ang sungit talaga ng matanda na ’to.
"Stay in daw po siya sabi ni sir." Si tita Zeny ang sumagot.
"Ano? Bakit stay in? Bawal ang stay in ah?" Sabi nito na tila tutol sa sinabi ng boss namin.
"Sabi po ni sir." Wika ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama bago umismid at tinalikuran na kami.
Napairap naman ako sa inasta ng matanda. Para bang siya ang amo, at kung umasta akala mo siya nagpapasahod. Hmp.
Dinala naman ako ni tita Zeny sa magiging silid ko. Malapit sa may kusina.
"Ito ang magiging silid mo. Ayusin mo na lang, medyo madumi. Wala kasing gumagamit." Sabi ni tita sa akin.
Madumi nga. Puro alikabok at agiw. Para bang inabandona na ang silid na ito. Sabagay, stay out nga ang ibang katulong. Ako lang ginawang stay in, ewan ko sa matandang ’yun. Anong trip sa buhay.
Kanina, kung makatingin, akala mo kakainin ako. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko kanina. Para kasing gusto na akong hubaran. Mukha siyang seryuso, matino. Pero kung tumingin sa akin kanina, hanep.
"Paano ang mga damit ko? Wala akong dala." Maya-maya’y sabi ko kay tita Zeny. Hindi ako nagdala, kasi sabi ni tita ay stay out ang kailangan. Tapos malalaman ko, stay in pala ako. Wala tuloy akong dala ngayon.
"Paalam ka na lang mamaya. Sabihin mo, wala kang dalang gamit tapos bukas na ang balik mo." Wika nito.
"Okey po. Paalam na lang ako mamaya." Ani ko saka huminga ng malalim.
Iniwan naman ako ni tita Zeny doon para linisan ko na ang magiging silid ko. Sobrang dumi, kaloka. Wala pa naman akong extra na damit. Pero no choice ako, kaya kailangan ko siyang linisan ngayon. Para bukas ay hindi na.
Nagsimula na nga akong maglinis. Panay ang ubo ko dahil ang alikabok. Nilinis ko ng maigi ang kwarto dahil sobrang dumi niya talaga. Tapos ay nilinis ko rin ang magiging kama ko. In fairness, ang lambot niya. Hindi katulad sa kama namin sa bahay, ang tigas. Wala kasing iyong kutson.
Makalipas ng ilang sandali ay natapos ko rin ang paglilinis ng kwarto ko pati na ang banyo. Kaloka, ang dumi. Parang isang taong hindi nilisan.
"Tapos ka na?" Tanong sa akin ni tita ng pumunta siya sa magiging silid ko.
"Opo, kaloka ang dumi." Naiiling kong sagot.
"Wala na kasing natutulog dito. Kaya hindi nalilinisan. Napalitan mo na ba ang mga kubre kama mo at punda?"
"Opo, naghalungkat ako sa mga kabinet." Tugon ko.
"Oh siya, kain na tayo. Bukas na kita turuan kung paano mga gawain dito." Saad nito saka pumunta na kami sa kusina. Para akong nagutom sa dumi ng kwarto.
Hindi ko nakita si manang. Sa kusina.
"Si manang?" Tanong ko kay tita Zeny.
"Nandiyan lang ’yan. Huwag muna hanapin." Wika nito kaya hindi na ako nagtanong pa. Tapos ay naupo na sa hapagkainan. Masarap ang tanghalian namin ngayon. Masarap ang ulam.
Adobong baboy saka gulay na chopchuey.
"Boss natin? Kumain na ’yun?" Muli ay tanong ko kay tita Zeny.
"Wala, nando’n siya sa hardware. Wala ’yun dito simula ng umaga, hanggang hapon. Nauwe ’yun ng alas singko." Sagot sa akin ni tita habang nasubo ng adobong baboy.
"Hmmm." Ani ko.
"Kaya malaya tayo dito dahil wala ang amo natin." Dagdag pa nito sa mahinang boses. Baka marinig ni manang sungit.
"Masungit ba ang amo natin tita?" Maya-maya’y tanong ko ulit.
"Oo, tahimik lang. Hindi rin palautos. Basta gawin mo lang ang trabaho mo. Para hindi ka mapagalitan o mawalan ng trabaho." Paliwanag pa niya sa akin. Muli ay napatango-tango lang ako.
Pansin ko rin mukhang mabait ang amo naming lalake. Ngunit iba lang tumingin. Gusto ko sanang itanong kay tita. Kaya lang baka magalit siya sakin, at sinolo ko na lang.
Nang matapos kumain ay niligpit na namin ang pinagkain namin saka hinugasan ang mga iyon. Then hinila ako ni tita sa may laundry room.
"Ito ang labahan. Ikaw na ang maglaba kasi bata kapa. Nahihirapan na kasi ako. Tapos ako na lang ang mamalantsa." Wika nito na may ngiti sa labi saka tinuruan ako kung paano gamitin ang automatic na washing. Wala kasi iyon sa bundok, char. "Kaunti pa naman, bukas kana maglaba." Maya-maya'y sabi nito at hinila na naman ako, sa kong saan.
Tinuro niya sakin lahat na gagawin ko para bukas ay magsisimula na ako. Hanggang sa maturo niya sakin ang lahat at pumunta kami sa kwarto para magpahinga.
"Tita, pwede kaya ako bumale sa amo natin?" Anang ko kay tita Zeny habang nakahiga kami sa kama.
"Nako, hindi ko alam Mhalee. Bago ka lang eh. Baka hindi ka pabalihin ni sir Matias." Saad nito. Nalungkot naman ako dahil walang pambili si nanay ng gamot. Kailangan niyang maggamot para gumaling siya. Bakit naman kasi TB pa ang sakit ni nanay, nakakamatay kaya iyon. Kaya natatakot ako, mamaya kasi ay iwan niya kami, i'm not ready.
Huminga ako ng malalim, saka tumingin sa kisame. Mangungutang na lang siguro ako kay Raven. Sana pautangin ako, medyo may pagka-kuripot pa naman ang boyfriend ko.
Nang sumapit ang gabi, umalis na si manang at hindi na siya papasok bukas dahil ako na ang kapalitan niya.
Nagpaalam muna ako sa amo ko na uuwe muna dahil wala akong dalang gamit.
"Okey, bumalik ka kaagad." Saad nito sa seryusong tono, habang nakatingin sakin ng matitim. Hindi ko alam kong bakit gano'n siya tumingin. Hindi kona lang pinansin at sumama na ako kay tita Zeny para umuwe at kumuha ng gamit sa bahay.
Pero bago iyon ay dadalawin ko muna si nanay sa hospital. Sabi ng kuya ko ay bukas na lalabas ang nanay namin. Kailangan lang niyang maggamot sa bahay para gumaling siya, sa kanyang sakit.