--* MHALEE PŌV MATAPOS NAMIN KUMAIN ni tita Zeny ay pumunta ako sa kwarto para i-text si Raven. Ang sarap ng ginawa namin kagabi. Grabe, hindi ko akalain na mag-eenjoy ako. " Hi, babe. How are you? I love you. Miss na kita." Text ko sa kanya. Alam ko mamaya pa ang breaktime niya at mamaya pa niya mababasa ang text ko. Tenetext kona, at baka magtampo na naman kapag hindi tenetext. Pero siya, hindi ako nagagalit kasi naiintindihan ko naman hmp. Tapos ay binaba kona ang cellphone sa kama saka pumunta sa banyo para umihi at maghilamos na rin. Ang lagkit ng mukha ko. Mamayang gabi na ako maliligo. Hindi naman ako mabaho, at wala naman aamoy sakin. Sa loob ng kwarto ko naman ako naglinis. Mamaya papasok dito si tita Zeny para magpahinga. Pinagpagan ko lang ang mga unan at kumot saka nagpun

