__* MHALEE 42 AFTER NAMIN MAG-MALL at gumala ay umuwe na kami dahil uuwe pa ako sa amo ko. Binili na lang namin ng pasalubong ang mag-asawa. Pag-uwe samin ay nag-usap muna kami ni Raven sa labas ng bahay namin. May upuan doon kaya doon kami nag-usap. May isang oras pa naman bago ako umuwe sa bahay ng amo ko. Atsaka para makatulog agad ako kapag nakauwe. " Aalis kana, mamaya. Mamimiss kita babe." Sabi ni Raven habang nakayakap sa beywang ko. " Sus, para rin naman satin 'to. Mag-iipon na ako, at ikaw 'din dapat mag-ipon kana. Para kapag nag-asawa na tayo ay may ipon tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya. Mamimiss ko na naman ang halik at yakap niya, kaya susulitin kona habang nandito pa ako. " Oo, babe. Mag-iipon na ako. Sana after 2 years, makapag-pakasalan na tayo. Siguro naman may ip

