"Rafaela Santiago?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na nagbanggit sa pangalan ko.
At parang biglang huminto ang paggalaw ng lahat sa paligid ko nang magtama ang paningin namin.
"G-Gabriel," sambit ko.
Humakbang siya palapit sa akin, napatingin naman ako sa aming paligid. . . mabuti na lamang at wala pang mga tao sa hallway kung nasaan kami.
Biglang kumabog ang dibdib ko, gusto kong talikuran siya at umalis na. Ayoko siyang makita, not now, not soon, not at all. Hindi pa ako handang makaharap siya, at never akong magiging handa.
"What are you doing here?!" mahina pero may diing tanong niya, napayuko ako pero kaagad din akong tumingin sa kaniyang mukha. At nilakasan ang loob na sagutin siya, casually.
"I work here," maikling sagot ko. Napakunot-noo naman siya.
"Of all the places na pwede mong pagtrabahuhan. . . dito pa talaga." At nakita ko ang pagngisi nito na tila alam niyang may iba pang dahilan kung bakit ako pumasok sa kompanya ni Rowena.
"Rowena approaches me first," defend ko pa. Pero mas lumapit lang siya sa akin.
"Then you should have not accept her job offer..." sambit niya pa kaya napataas kilay ako.
"So? I accepted her offer and I am now here. . ." matapang kong sagot sa kaniya.
Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa braso ko. . . hindi mahigpit pero sapat na para magbigay ng kakaibang kuryente iyon sa akin. Dagdagan pa na nakatitig lang siya sa akin na parang kinikilatis ang buong pagkatao ko. Ayaw ko siyang titigan din ngunit wala akong ibang choice, I miss him. . .
Napailing na lamang ako dahil sa aking naiisip, hindi maaari. Pwersahan kong iwinaksi ang pagkakahawak niya sa aking braso at humakbang palayo sa kaniya.
Ibubuka na sana nito ang kaniyang bibig upang magsalita sana nang biglang dumating si Rowena. Nakangiti ito.
"Honey!" tawag-pansin niya sa kaniyang asawa na ikinalingon naman ni Gabriel sa gawi ni Rowena. Niyakap niya ito at hinagkan sa kaniyang noo. Sweet.
Napatingin naman sa gawi ko si Rowena at ngumiti,
"Oh Raffi, ikaw pala iyan. Akala ko kung sinong magandang babae na kinakausap ng asawa ko. Anyway, si Gabriel pala, my husband, and Honey, this is Rafaela Santiago, my friend and the new face of my magazine," pakilala niya kay Gabriel sa akin at ako kay Gabriel.
Ngumiti ako ng alanganin kay Gabriel pero nanatili lang itong walang kibo at nakatitig lang ng walang emosyon sa akin.
"H-Hi. . . nice to meet you, Sir." At parang gusto kong masuka sa pagpapanggap ko na it's nice to see and meet him. But the truth is ayaw ko talaga siyang makita o makasalamuha ngunit for Gabino, I will do anything. . . mapalapit lang ako sa anak ko.
"Wala ka na bang ibang makuhang modelo, Hon? I don't like her. . ." biglang sambit nito na nagpagalaiti sa damdamin ko.
'I don't like her. . .' as if gusto ko rin siya. Ang kapal ng apog niya para sambitin iyon na tila wala kaming pinagsamahan, 6 years ago.
Nakita ko namang tinapik ni Rowena ang braso niya.
"Don't be harsh to her, Honey! You don't know her yet. . . Raffi is a good model and a gorgeous natural one. Kaya nga hindi ko na siya binitiwan nang magka-oportunidad na makilala at makausap ko siya sa New York," paliwanag naman ni Rowena sa kaniyang asawa.
"New York?" pag-ulit na tanong ni Gabriel.
Napataas-kilay ako, because he sounded curious and interested to know more.
"Yes, I met her in New York, runway and magazine model siya roon. . ." sagot naman ni Rowena.
"Still. . . I don't like her here," he really sounded with disagreement with my presence here.
"Oh shut up, Gabriel! This is my company and I want Rafaela here with me," pagtatanggol naman ni Rowena sa akin.
At ayaw ko na ng namumuong tensyon sa pagitan ng mag-asawang ito kaya nagsalita na ako.
"Excuse me, Rowena. . . I think you and your husband need to talk privately about this. Just call me if you still want me for your company," sambit ko lang at ngumiti kay Rowena. Hindi ko na tinignan pang muli si Gabriel at tumalikod na ako sa kanila.
"She's my friend, Gabriel! What's your problem with her? And Gaby loves her. . ." sambit pa ni Rowena.
"That's why I don't like her," sagot ni Gabriel kay Rowena at iyon na ang huling narinig ko sa pag-uusap nila dahil nakasakay na ako ng elevator at nagsara na ito.
I feel so much madness and hate in his voice.
What's wrong with him. . .
***********************
ROWENA'S POV
Nagsusuklay ako ng aking buhok nang may biglang humaplos sa aking balikat hanggang yakapin niya na ako.
Pinakiramdaman ko ito. . .
Napapikit pa ako upang mas madama ang pagmamahal na nais ipahiwatig ni Gabriel sa kaniyang pagkakayakap sa akin.
Hinalikan niya ako sa aking ulo.
"Sorry, I love you Rowena," sambit niya at hinagkan akong muli sa aking pisngi.
Hanggang lumipat siya ng pwesto at humarap sa akin. And now he is kissing me on my lips, at wala akong ibang gustong gawin kundi ang sagutin din ang kaniyang halik.
We are kissing our hearts out until we lost our breathe that's why we need to let go to each others mouth.
Ipinagdikit niya ang aming mga noo. Staring at each other.
"Sorry too, and I love you Gab. . . I just don't want to lose Raffi as one of my new models. She's a big catch to my magazine, and to tell you honestly, ang gaan ng loob ko sa kaniya. She's a good person, that's why I don't get it why you didn't like her around. . ."mahabang litanya ko at pagbubukas ng topic about kay Raffi.
I know he is really sorry sa inakto niya kanina sa harap ng kaibigan ko.
He is sorry but then ramdam ko pa rin ang pagkadisgusto niya sa presensya at sa usapin tungkol kay Rafaela.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil ayaw niya kay Rafaela Santiago meaning hindi siya attracted sa taglay na karisma nito, na hindi siya mahuhulog sa kaibigan ko. Which is nakakapanatag ng loob dahil kahit ano man kasing pagtanggi ko sa sarili ko ay nakaramdam din ako ng kaunting selos kanina nang maabutan ko silang magkausap ni Gabriel sa hallway.
Ayaw ko mang magbigay malisya ngunit hindi ko iyon maiwasang hindi maramdaman na may iba, may kakaiba sa pagitan nilang dalawa.
Pero mali, I shouldn't be thinking those kind of things! Kaibigan ko si Raffi at asawa ko si Gabriel. . . And they just met each other awhile ago. Siguro ay nasanay lang akong kapag nakikita ko si Raffi na may kausap na kalalakihan ay iniisip ko na agad na may gusto sa kaniya ang mga ito.
Napailing na lamang ako para iwaksi ang kung anong hindi magandang bagay na numuo sa aking isipan at damdamin.
Napatingin na lamang akong muli kay Gabriel na kanina pa nakatingin din sa akin.
"Okay. . . Just forget about what I've said awhile ago about that woman. At huwag na rin natin siyang pag-usapan. I will try to act civil with her kapag hindi maiwasang magkasalubong kami o magkita, and I am just doing this for you. Ayaw ko kasing nagkaka-misunderstanding tayo dahil sa kaniya o sa kung ano mang maliit na bagay." At niyakap ko siya ng mahigpit.
"Thank you, Honey. . ." tanging naisagot ko lang.
We are about to kiss again nang may biglang pumasok sa kwarto namin kaya napatingin kami sa may pintuan. Napangiti naman kami nang makita namin kung sino ito.
Yakap-yakap ang isang unan ay humakbang si Gaby papalapit sa gawi namin at hinagkan kaming magulang niya.
"Can I sleep here with you, Mom, Dad?" tanong ng anak namin na sympre tinanguan naming mag-asawa.
Nakahiga na sina Gabriel at Gaby sa higaan habang ako ay nakamasid lang sa kanilang mag-ama.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan sila, ang cute. Habang tumatagal ay nagiging mas kamukha ni Gabriel ang adopted son namin. Kaya parang anak talaga namin ito na nagmula sa similya niya at akin.
Ang saya ko. . . buti na lang at pumayag akong tanggapin ang batang ito 6 years ago.
Mabuti na lang. . . dahil kung hindi, hindi siguro ako mabubuo mula sa kakulangan ko bilang isang babae at asawa.
Gabino Mondragon. . . make me whole as a mother. Kaya gagawin ko ang lahat para mabiggan lang siya ng buo at masayang pamilya sa pamamagitan ng pagmamahal namin sa kaniya ni Gabriel.