ROWENA'S POV "Where's Raffi?" tanong ko sa mga staffs ko pero iling lang ang tanging tugon nila sa akin. Nagsisimula na ang party ni Gabino pero hindi ko pa nakikita si Rafaela and also Fernando. At alam kong excited din siya sa araw na ito para sa anak namin ni Gabriel. Speaking of which, natanaw ko naman si Gabriel, he looks stressed out. What's wrong with him? Humakbang ako papalapit sa kaniya pero bago pa man ako makarating sa gawi niya ay siya namang sulpot ni Avianna sa harapan ko. Tinignan ko siya at ngumiti. "Rafaela already went home with Fernando last night." At may inabot siyang sobre, napakunot-noo ako pero kinuha ko rin ito sa pagkakahawak niya. And I immediately open it. "Cancellation?" tanging nabanggit ko lang. Rafaela is cancelling our contract, and she's willing t

