"Let's end our contract..."
Ang pagkabasag ng basong hawak-hawak ko ang nagpakuha ng atensyon niya para tignan ang kinaroroonan ko.
Nakasabunot lang kasi ito sa kaniyang buhok habang nakayuko sa kitchen counter.
"A-alam mo ba ang sinasabi mong iyan?" matapang pero nauutal kong tanong sa kaniya.
Ang pagtatapos ng kontrata namin this instance means killing the life inside me!!!
"I can't convince my wife to adopt that child..." mahihimigan ng frustration, guilt, fear of losing something sa boses nito.
Kaya humakbang ako papalapit sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng suot-suot niyang suit.
"Eh isa't-kalahating gago ka pala eh! Bakit ka pa naghanap ng baby-maker kung papatayin mo lang din pala ang bata! Potangina mo ka, Gabriel Mondragon!" Galit ako! Galit na galit ako, isa rin sa dahilan kung bakit ako pumayag sa business deal na ito ay dahil nakikita kong magiging mabuting ama siya sa magiging anak niya! Tapos... tapos... damn him!
"Ano bang pinuputok ng butsi mo? Babayaran pa rin naman kita, I already paid you a million for deflowering you that night, and half the price of our negotiated payment, and I will pay you the remaining amount after you abort the fetus inside you."
Hindi ko alam pero sinampal ko siya, kaliwa't kanan. I hate him! Ang gago niya, ang walanghiya niya... Napayuko na lamang ito, like accepting all the slaps I am giving him.
"You are not just killing the life inside me, but you are also killing the chance of being a father to this unborn child! Umalis ka na, bumalik ka na lang kung nahimasmasan ka na sa mga kabobohang sinasabi mo." At tinulak ko siya kaya na-out of balance ito sa kinauupuan niya.
Hindi pa ako nakuntento at pwersahan ko siyang tinulak palabas ng bahay niya! At mukhang nahimasmasan na ito sa kalasingan niya dahil bago pa man siya makalabas ng gate ay lumingon at tumingin pa siya sa akin.
"Ayaw kong mawala ang batang iyan ngunit ayaw ko ring mawala si Rowena sa akin. I love her so much..." paawang sambit nito na mas lalong ikinagalit ng damdamin ko.
"Mahal mo pala eh bakit naghanap ka pa ng isang katulad ko na aanakan?"
Umiling lang ito at frustrated na napahilamos sa kaniyang mukha. Sumandal ito sa hamba ng gate at mukhang wala ng planong magsalita pa o makipagtalo sa akin... kaya ako na mismo ang tumaboy sa kaniya paalis.
"Umalis ka na rito! Kapag hindi ka na lango sa alak at nasa tamang pag-iisip ka na, doon mo sasabihin sa akin kung gusto mo pang ipalaglag ko ang batang ito!" At malakas kong sinarado ang gate, mabilis na tinalikuran siya at pumasok na ng bahay.
Nagagalit ako, nasasaktan ako... dahil kahit anong mangyari dugo't laman ko rin ang batang nasa sinapupunan ko! At hindi ako papayag na mawalan siya ng pagkakataong masilayan ang magandang mundong ito kahit puno ng masasamang tao kagaya ng ama niya!
*************
Three days passed...
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng doorbell, mabilis kong sinuot ang robe ko, at lumabas ng bahay para pagbuksan ang kung sino man ang istorbong nambubulahaw sa magandang pagpapahinga ko pa.
For goodness sake, alas singko palang ng madaling araw!
Naningkit naman ang mata ko nang makilala ko na ang hudas na nang-iistorbo ng tulog ko.
"Anong ginagawa mo rito ng ganito ka-aga?" medyo antok ko pang tanong.
"Hindi mo ba muna ako pagbubuksan ng gate, Rafaela?" at pinagbuksan ko na nga ito ng gate dahil ayaw ko namang may makakita sa amin dito sa labas na nag-uusap baka kung ano pang isipin ng ibang taga-rito na nakakakilala sa kaniya kung meron man maliban kay Atlas at Trina.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Umupo ito sa sofa sa sala na tila kaniya ang bahay na ito...
Ano ka ba, Raffi... kaniya naman talaga ang bahay na ito! Hays.
Umupo na lang din ako sa single sofa na sa harapan niya.
"About what happened the last time that I am here... I am sorry, I really am," biglang sambit nito na mahihimigan ko naman ng sincerity pero hindi ko pa rin maiwasang mapataas-kilay.
"Okay..." tanging tugon ko lang dahil inaantok pa talaga ako.
"And also, I will try to pursue Rowena again to adopt our child..." at parang nabuhayan naman ang mga natutulog kong braincells sa sinabi niga kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng saya, napahaplos ako sa aking hindi pa gaano kalaking tiyan.
See, baby? Nagkabayag na rin ulit ang tatay mo! Hindi ka niya papabayaan, anak.
"At paano kapag hindi pa rin siya pumayag?" pangambang tanong ko, hindi ko kasi maiwasang maisip ang mga posibilidad na iyon lalo na at unang attempt ni Gabriel na sabihin sa asawa niya na mag-aampon sila ng batang nasa tiyan palang ng kung sinong babae ay ayaw niya na. Paano kung same thing will happen for the 2nd attempt of pursuing his wife to adopt our child?
"I have no choice..." makahulugang sambit nito.
So? He will still choose his wife than this baby!
"Oh com'on, Mr. Mondragon!" bulalas ko.
"P-pero hangga't hindi pa ako makapagdecide, maaari bang pagbigyan mo muna akong maging ama kahit nasa sinapupunan mo palang siya?" may kung anong himig ng pagsusumamo sa boses nito ng sambitin ang mga pangungusap na iyon... pagsusumamong pagbigyan ko sana siyang maramdaman kung paano mag-alaga ng isang babaeng pinagbubuntis ang magiging anak niya.
"What do you mean?" kunot-noo kong tanong.
"Rowena will be leaving tomorrow morning going to States...she will be staying there for two weeks. Can I stay here with you for awhile? I want to take care of you and the baby..." Gago ba siya?
"Gago ka ba? Ano ako kabit mo?"
Nakaka-stress na siya!
"No... It's not what I meant, Rafaela... but please, let me feel the sleepless nights and the adrenalin rush of finding foods for your cravings. Pagkabalik na pagkabalik ng asawa ko from the States, kukumbinsihin ko ulit siya about our baby..."
Baliw na talaga 'tong lalaking ito!
But my heart and mind is saying in chorus to give him that chance... chance to be a father habang nasa sinapupunan ko palang ang baby niya.
Hindi ko alam ang dapat maging desisyon tungkol dito, natatakot ako... pero nakikita ko ang pag-aasam niya sa isang bagay na ako lang sa ngayon ang makakapagbigay sa kaniya.
"B-Bahala ka, basta... walang issue ito ah! For the sake of your baby... just for the baby inside me. And after two weeks, hindi ka na ulit makikipagkita sa akin hanggang makapanganak na ako," and I've said it.
Nagulat naman ako sa naging reaksyon nito... bigla siyang lumapit sa gawi ko, lumuhod at niyakap ang beywang ko. Itutulak ko na sana siya dahil hindi tama ang ginagawa niya ay napatigil na lamang ako at pinabayaan siya nang inilapit niya ang kaniyang ulo banda sa tiyan ko. I saw him smile.
"Hello, baby ... I am your daddy. I made you out of my best moves and I am so proud of what I have done this time. You will always be the right thing in my twisted imperfect life. Always remember that..." puno ng pagmamahal niyang bulong sa aking sinapupunan and he even kissed it. Oh my God... my heartbeat won't stop beating so fast.
Nakamasid lang ako sa ginagawa niya nang mapatingala ito sa akin. And he smiled genuinely and said...
"Thank you, Raffi..."
****************