CHAPTER ELEVEN

3104 Words
MAKANGITI SI ASHLEY habang nakatingin sa mga batang nagkakantahan at naglalaro sa malawak na palaruan sa bahay ampunan na iyon. Pinagmamasdan niya ang mga ito at binaliwala ang binatang nakatayo di kalayuan sa kanya. Ramdam niya ang ma-init na tingin sa kanya ni Lorenzo. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandoon ang lalaki. Na tumutulong din ito sa bahay ampunan na iyon. Ipinakilala ito kanina sa kanya ni Mother Princess. Nagpanggap siyang hindi kita kakilala at mukhang naki-ayon din naman sa kanya si Lorenzo dahil hindi ito nagsalita pa. Nalaman niya na mag-iisang taon na palang nagbibigay ng financial na tulong ang binata. Bilang din sa mga kamay ang pagpunta nito doon kaya hindi sila nagkakasabay. Napakurap ng ilang beses si Ashley ng may lumapit sa kanyang isang batang babae. Ngumiti siya dito. "Yes, Yanny? May kailangan ka baby girl." Yanny is five years old. Naalala niya pa noong una itong nakita sa bahay ampunan na iyon. Mag-aapat na taon pa lang ang bata at marami siyang nakitang pasa sa braso nito. Ayon kay Mother Princess ay inaabuso daw ang bata ng ama kaya nagdesisyon na lang ang ina nito na ibigay ang bata sa bahay ampunan. Nagtatrabaho ang ina ni Yanny at walang mapag-iwanan sa bata kung hindi ang ama nito. Walang kamag-anak ang babae at hindi naman nito pwedeng iwan na lang kung kanino ang bata. Pagkatapos ibigay ang bata sa bahay ampunan ay hindi na muling nagpakita pa ang ina nito. Wala na rin naging balita ang mga madre. "Ate, laro po tayo." Hinawakan ni Yanny ang kamay niya at hinila siya. Sumunod naman siya dito. Hinila siya ng bata sa may swing. Umupo ito kaya pumisto siya sa likuran. Nang masigurado na maayos na ang pagkaka-upo ni Yanny ay saka niya tinulak ang swing. Napangiti siya ng marinig ang mahinang tawa nito. Masaya siya kapag nakikitang ganoon ito. Naalala niya kasi dito ang pinsang si Peter. Hindi man sinasaktan ni Tito si Peter physically pero verbally ay Oo. Para sa kanya ay mas masakit iyon. Tumatatak kasi iyon sa isipan ng tao at maaring dalhin hanggang sa pagtanda. Natigilan si Ashley ng may taong tumayo sa isa ding swing. Nakita niya si Lorenzo na kasama ang isang bata. Tinutulak din nito ang swing kagaya niya. Mahina siyang tumikhim para alisin ang bumara sa lalamunan niya. Iniiwas niya din ang tingin dito. Iyong mga tingin niya ay hindi niya kayang salubungin. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang labanan ang tingin nito. Noon naman ay kaya niyang makipagsukatan ng tingin sa ibang lalaki. 'Well, hindi kasi bumibilis ang t***k ng puso mo kapag tumitingin ka sa kanila. At wala kang paki-alam kung paano sila tumitig sa iyo. Hindi kagaya ngayon ni Lorenzo na para kang natutunaw at hindi mapalagay.' Kistigo ng kanyang isipan. She tried to swipe that thought. Wala dapat siyang paki-alam sa lalaking iyon. Isa lang itong lalaki at kagaya din ito ng iba. Inihinto niya ang pagtulak ng swing ni Yanny. Ipinantay niya ang sarili dito. "Gusto mo bang maglaro tayo ng iba, Yanny?" "Anong gusto niyong laruin, Ate Ashley?" Inosenting tanong ng bata. "How about we build a castle there?" itinuro niya ang sandbox. Kunti lang ang batang naglalaro doon. Mas maraming lalaki sa bahay ampunan na iyon at karamihan sa mga ito ay naglalaro ng football at basketball. Malaki ang bahay ampunan na iyon pero hindi karamihan ang mga batang nandoon. May nga inaampon na din kasi sa mga ito. Kung may pumapasok ay may umaalis din. Tumungo si Yanny na siyang ikinasiya niya. Nais niya kasing lumayo kay Lorenzo. She is not comfortable that he is near with her. Hinawakan niya ang kamay ni Yanny at naglakad na sila papunta sa sandbox. Nang makarating sila doon ay agad na naglaro silang dalawa ng bata. Nagpapasalamat siya at hindi sumunod si Lorenzo. Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam na siya kay Mother Mia na aalis at babalik na lang ulit. "Maraming salamat sa pagdalaw mo, Ashley. Natutuwa talaga ang mga bata kapag nandito ka lalo na si Yanny." Masayang sabi ni Mother Mia. Nasa tapat na siya ng kanyang kotse. Ngumiti siya sa matandang madre. "Masaya din naman po akong makasama ang mga bata. May tanong lang po sana ako Mother Mia." "Ano iyon?" "Si Yanny po ba wala pang gustong umampon?" She is worried of that kid. Si Yanny ang pinakagusto niyang bata sa bahay ampunan na iyon. She is special for her. Ngumiti ang madre sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Wala pa naman, hija. Alam kong gusto mo siyang ampunin pero alam mong hindi ka pa pwedeng umampon ng bata. Masyado ka pang bata para mag-alaga ng isang tulad ni Yanny. Wag kang mag-alala. Maayos si Yanny dito at kung sakali man na ampunin siya ay sisiguraduhin namin na sa maayos siyang pamilya mapupunta." Hindi siya nagsalita. Tumungo lang siya dito. "Gusto ko lang po na maging maayos ang buhay niya. Alam ko pong hindi pa ako pwedeng tumayong ina sa kanya at hindi ko siya pwedeng ampunin. Kung sakali man ay gusto ko siyang ampunin sa legal na paraan, Mother Mia." Tinapik nito ang kamay niyang hawak nito. "Masaya ako at ganyan ang pananaw mo sa buhay, Ashley. Napakalaki ng pasasalamat namin sa inyo ng mga pinsan mo. Marami na kayong natulungan na bata dito sa ampunan. Pinalaki kayong maayos ng mga magulang niyo at napakaswerte nila sa inyo." Doon na tuluyang napangiti si Ashley. "Iisang tao lang po ang nag-dedisiplina sa amin, Mother Mia. At kapag bakante po siya ay isasama namin siya dito. Siguradong matutuwa po iyon sa mga bata na nandito dahil mahilig iyon sa mga bata." Napangiti sa kanya si Mother Mia. "Sige. Ipakilala mo siya sa akin sa susunod na punta mo dito. At sana ay kasama mo na ang dalawa mong pinsan." "I will tell Alex and Cole about what you said." Binitiwan na ng madre ang kamay niya. "Sige na at baka gabihin ka sa daan. Saan ka ba ngayon tutuloy?" "Sa bahay po ng magulang ko. Abala po ngayon si Cole dahil kakabalik niya lang galing U.S. Walang tao sa mansyon nila ngayon." "Kung ganoon ay kailangan mo na pala talagang umalis. Gabi na at baka mapagalitan ka ng magulang mo." Ngumiti siya. Para kasi siyang tinutulak paalis ng madre. Hindi na siya nagsalita pa. Binuksan niya ang kanyang kotse. Papasok na sana siya ng may narinig silang isang malakas na sigaw. "Wait!" Napatingin sila sa lalaking tumatakbo palabas ng building ng ampunan. Lorenzo is running towards them. Napahigpit ang hawak niya sa pinto ng kotse. "Lorenzo, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Mother Mia. "Pwede ba akong sumabay sa iyo?" Hinihingal nitong tanong. "Ha?" gulat niyang wika. Nanlaki pa ang mga mata niya. Tama ba ang pagkakarinig niya sa tanong nito. Gusto nitong sumabay sa kanya. Sasakay ito ng kanyang kotse. "Bakit sa kanya ka sasabay, Hijo? Nasaan ang sasakyan mo?" Mabuti na lang at si Mother Mia ang nagtanong noon. "Nagpahatid lang po ako kanina sa family driver namin. Nasiraan po siya ng kotse habang papunta po dito. May biglaan po akong meeting kaya kung maari ay sumabay na ako sa iyo, Ms. Cortez?" Sa kanya na tumingin si Lorenzo. Bigla siyang naghinala sa sinabi nito. Nasiraan ba talaga ang driver nito o nais lang nitong sumabay sa kanya? Bakit parang may ibang ibig sabihin ang mga tingin nito? "Okay lang ba sa iyo na isabay siya, Ashley?" tanong ni Mother Mia. Napakurap siya at napatingin sa matandang madre. Hindi niya alam kung anong isasagot dito. Tumikhim siya at ibinalik ang tingin kay Lorenzo. Gusto niyang samaan ito ng tingin. Alam nitong hindi siya pwedeng basta-basta na lang tumanggi lalo na sa harapan ni Mother Mia. Baka makahalata itong magkakakilala sila ni Lorenzo. Huminga siya ng malalim. "Saan ba ang meeting mo?" tanong niya dito. "Sa Mandaluyong lang naman. Sa mall ng kapatid ko." Sagot nito. Gustong mapapikit ni Ashley pero pinigilan niya ang sarili. Napakuyom na lang siya. Bakit pa siya nagtanong? "Kung ganoon ay maari mo siyang madaanan, Ashley." Masayang wika ni Mother Mia. Tumungo siya. Pinukol niya ng masamang tingin si Lorenzo pero saglit lang iyon upang hindi siya mapansin ng kasama nilang madre. "Pwede naman po. Sumakay ka na," aniya. "Maraming salamat, Ashley." Lumapit si Lorenzo sa kotse niya at binuksan ang pinto ng front seat. "Mother Mia, babalik po ako dito sa susunod na buwan. Baka isama ko po ang kapatid ko." "Sige, Lorenzo. Gusto din naman makita ulit si Dennis." Tumungo ang binata at isang matamis na ngiti ang ibinigay. "Paano po aalis na din po ako." "Sige. Mag-ingat kayong dalawa. Ashley..." sa kanya naman humarap ang matandang madre. Ngumiti siya dito. "Bye po, Mother Mia." "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, hija." Paalala nito. "Opo." Sagot niya at pumasok na ng kotse. Sumunod sa kanya si Lorenzo. Isinuot niya ang seatbelt at binuhay ang makina ng kotse. Ang binata naman na kasama niya ay nagsuot na din ng seatbelt at binuksan ang bintana ng kanyang kotse. Kumaway pa ito kay Mother Mia. Hindi maitago ang saya sa mukha nito. Hindi na lang pinansin ni Ashley at itinuon na lang ang sarili sa pagmamaneho. Nang tuluyan silang makalabas ng bahay ampunan at may kalayuan na sila ay inihinto niya ang kotse. "Pwede ka ng mag-abang ng taxi dito." malamig niyang wika sa lalaki. "What?" Gulat na tanong ng binata. Galit niyang sinulyapan ang lalaki. Wala siyang panahon para makipagkwentuhan dito. Hindi siya ang tipo ng tao na makikipag-plastikan sa harap ng binata. "Ang sabi ko. Bumaba ka na at sumakay ng taxi. Hindi ki---" "Hindi ako bababa, Ashley. Ihahatid mo ako sa mall ng kapatid ko." Matigas na wika ng lalaki. Nakipagsukatan ng tingin si Ashley sa lalaki. Hindi siya magpapatalo dito kung iyon ang inaakala nito pero mas matigas nga yata ang mukha ng binata. Dahil lumipas lang ang ilang minuto ay hindi talaga ito bumaba. Umuusok ang ilong na umiwas ng tingin si Ashley sa lalaki. Tumingin siya sa labas at binuhay ang makina ng kanyang kotse. "Ang kapal ng mukha," aniya sa malakas na boses. Wala siyang paki-alam kung marinig nito. Pinapa-init nito ang ulo niya. Sinabi na niyang ayaw na niyang magtagpo ang kanilang landas. Wala na siyang balak na magkaroon ng ugnayan dito. She wants them to act stranger like earlier. Pero itong si Lorenzo ay iba ang plano. Kung inaakala nito ay papatulan niya ang trip nito ay nagkakamali ang binata. She promises to Tita Ivy and she won't break it. "Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa bata," wika ni Lorenzo. Hindi siya nagsalita. Nagpanggap siyang walang narinig. Bahala itong mapanis ang laway. "Matagal na ba kayong tumutulong sa bahay ampunan na iyon? Kami kasi ni Dennis mag-iisang taon palang. Naghahanap talaga kasi kami ng ampunan na tutulungan at nakita namin sila. Ang bahay ampunan na iyon ang may pinakamaraming bata dito sa Maynila. Hindi ko akalain na may malaking tao na palang tumutulong sa kanila." Gustong tumaas ng kilay ni Ashley ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang magpanggap na walang naririnig. Wala siyang balak na ka-usapin ang binata at kapag nakita nitong nag-react siya ay baka isipin nitong nakikinig siya sa sinasabi nito. 'Nakikinig ka naman talaga, di ba?' ani ng isipan niya. "I think, we should come together next time. Mas maganda iyon para makita ng mga bata na ma---" "Could you zip your mouth?" Inis niyang putol sa iba pa nitong sasabihin. Sinulyapan niya ang binata at binigyan ng masamang tingin. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Lorenzo na lalo niyang ikina-inis. Ngayon niya pinagsisihan ang ginawang kalukuhan. Hindi na dapat niya nilapitan ang binata ng araw na iyon. She shouldn't mess up with this kind of man. Isang malalaking tinik sa pagkatao niya. "I'm sorry. Masyado kasing tahimik. Hindi ako sanay," anito. Hindi na siya nagsalita. Itinuon na lang niya ang tingin sa pagmamaneho. Gusto na talaga niya makarating sa distinasyon nito para maka-alis na ang binata. She has enough listening to his voice. "Ang gwapo ng model mo noong runway fashion niyo sa school. What his name? Timothy Navarro?" Napasulyap siya dito. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin. Ngumiti sa kanya si Lorenzo. Kinukuha talaga nito ang atensyon niya para ka-usapin niya ito. Agad siyang umiwas ng tingin. "I investigate him." Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na inihinto sa tabi ng daan ang kanyang kotse. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa manubela. May nabuhay na galit sa puso niya. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa lalaking katabi. "Anong sabi mo?" singhal niyang tanong dito. "I said, I investigate him." Baliwalang sagot nito sa tanong niya. "Anong karapatan mong pa-imbestigahan siya? Bakit mo ginawa iyon?" She let her angry lash out. "I got curios. You rejected my offer to be your model but you get a stranger. At napansin kong masyado kang malapit sa kanya." Paliwanag nito. Nagdikit ang labi ni Ashley. Dahil lang doon ay pina-imbestigahan nito ang lalaki. Kuya Timothy is a very private person. Sinabi iyon sa kanya ni Alex. Kahit nais nitong pumasok ng showbiz ay nais pa rin nitong maging pribado ang buhay. May mga bagay itong hindi kayang sabihin sa kanya pero nirerespeto niya iyon. He is a great guy and what Lorenzo did is out of the line. "Get out of my car!" Sigaw niya. "Ashley...." Mukhang nagulat ito sa galit na pinakita niya. Alam niyang namumula na siya ng mga sandaling iyon. Sagaran na ang galit na nararamdaman niya. Hindi na niya mapapalampas ang ginawa nito. Kaya niyang maging mabait sa lalaki dahil kapatid ito ni Dennis pero sa pagkakataong iyon ay sinagad nito ang kabaitan niya. "I said, get out!" Itinuro pa niya ang pinto ng kanyang kotse. Nagtaas-baba ang dibdib niya. "I-I'm sorry. I know I shouldn----" "Lumabas ka ng kotse ko, Madrigal. Hindi ko mapapalambas itong ginawa mo kay Kuya Timothy. He is a very private person. Kaibigan siya ng pinsan ko at wala kang karapatan na pa-imbestigahan siya. Kaya bago ko pa makalimutan na kapatid ka ng kaibigan ko ay lumabas ka na ng kotse ko." May diin ang bawat bigkas niya ng salita. Ilang sandaling natigilan si Lorenzo pero sinunod naman nito ang sinabi niya. Lumabas ito ng kanyang kotse na may lungkot sa mukha. Wala siyang paki-alam kung nasaktan ito sa ginawa niya. It was his fault. He crosses his line this time and she can't let it go. Mabilis niyang minaneho ang kotse paalis doon. Walang lingon-lingon siyang nagmaneho. Wala siyang paki-alam kong makakasakay ba ito ng maayos. She doesn't care. "YOU GET MAD TO HIM because of that?" Natatawang tanong ni Kuya Timothy sa kabilang linya ng telephone. Pagkarating niya ng bahay ay agad niyang tinawagan ang binata para humingi ng pa-umanhin dahil sa ginawa ni Lorenzo. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa nito ang bagay na iyon at nais niyang sabihin agad kay Kuya Tim. He needs to know that someone investigate him. "Yes. Wala siyang karapatan na imbestigahan ka, Kuya." Pagmamaktol niya. Nasa kusina siya at nagluluto ng pagkain niya. Nasa tabi niya ang isang katulong na umaalalay sa kanya. She is wearing heat seat. Nagluluto siya ng adobo para maging ulam nila ng kanyang magulang. Nagpadala ng mensahe ang kanyang ina na uuwi ito ng maaga kasama ang ama kaya dapat sabay silang kakain ng hapunan. "That's very interesting, Ash." Natatawang wika nito. "Anong interesting doon? At saka, bakit parang natutuwa ka pa?" Inis niyang tanong dito. Binitiwan niya ang sandok at ibinigay sa katulong. She can't ruin their dinner food. Magagalit ang kanyang mommy. Naglakad siya palabas ng kusina at pumunta sa likurang bahagi ng bahay. "I found it funny." "What?" "Ash, calm down first. Unang-una wala siyang makukuhang impormasyon tungkol sa akin. Walang nakaka-alam kahit sino ng totoo kong pagkatao. Ang tanging nakaka-alam lang ay si Mommy, my step-father, Cole at Alex. Sa tingin mo may makukuha siyang impormasyon kong ang mga taong pinakakatiwalan ko lang ang nakaka-alam ng lahat tungkol sa akin. Kahit mga kaibigan ko ay walang alam sa totoo kong pagkatao. He can investigate me all he wants but he won't get any private information about me." "You are too confident, Kuya Tim. Hindi mo pa kilala si Lorenzo. Isa siyang malaking gago. Baka nga may alam na siya sa totoo mong pagkatao ngayon. Hindi naman siya magsasalita ng ganoon sa harap ko kung wala siyang nalalaman, di ba?" Isa iyon sa dahilan kung bakit galit na galit siya kay Lorenzo. "I am confident. No one knows who I am. Only my family. So, please! Ash, calm down and take a breath. Don't worry about me." "I can't help it. Hindi ko gets kung bakit niya ginawa iyon. Dahil lang sa isang bagay kaya ka niya pina-imbestigahan. Ano bang makukuha niya sa ginawa niya?" Umupo siya sa beach bed na malapit sa pool. "What he gets? Huh..." Kunwari ay nag-iisip na wika ni Kuya Timothy. "I think, he wants to know his reveal." "What?" Nagtagpo ang mga kilay niya sa sinabi nito. Tumawa si Kuya Timothy sa naging reaksyon niya. "Ashley Cortez, I think he is interest at you. Hindi niya ako papa-imbestigahan kung hindi siya interesado sa iyo. Nakikita niya akong karibal pagdating sa iyo kaya niya iyong ginawa. He likes you. Iyon lang ang naisip kong dahilan kaya niya iyon ginawa iyon." "That's impossible, Kuya." Umiling pa siya. Hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Paano magkakagusto sa isang tulad niya ang isang Lorenzo? At saka, hindi isang tulad ni Lorenzo ang magkaka-interest sa isang tulad niya. Well, he is interest to every woman. Interesado siyang paglaruan ang mga ito. Nagdikit ang labi niya ng maalala kung ilang beses silang nagkita at iba-iba ang babaeng kasama nito. A tropical playboy. "I'm just saying. Iyon kasi ang nakikita kong dahilan kung bakit niya iyon ginawa. You see, kaming mga lalaki kapag interesado kami sa isang tao at may nakita kaming lalaking kasama niya lumalabas ang pagiging possessive namin. We do things without second thought. Lorenzo did those to know me because he feels threaten. Iniisip niya na isa ako sa magiging tinik para makuha ka. Lalo na at mas kinuha mo akong model kaysa sa kanya." Paliwanag ni Kuya Tim. Umiling siya. "That's very impossible, Kuya. Kilala mo si Lorenzo, hindi isang tulad ko ang bibigyan niya ng interest. At saka, maraming babaeng nagkaka---" "Then let's see his next move and you better brace yourself, Ash. Mukhang mapapadalas ang pagkikita niyo." Hindi nakapagsalita si Ashley. Talaga bang tama ang sinabi ni Kuya? Dapat ba niyang paghandaan ang sunod nilang pagkikita ni Lorenzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD