CHAPTER SEVEN

3075 Words
NAPATAAS NG TINGIN si Ashley ng may naglagay ng sombrero sa kanya. Isang matamis na ngti agad ang sumilay sa labi niya ng makita ang lalaking nakatayo sa tabi niya. Gumanti naman ng ngiti ang lalaki at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi lang din naman niya. "Bakit hindi ka nagdala ng sombrero?" tanong ng binata. "Nakalimutan ko, Knight." Inayos niya ang isinuot nitong sombrero. Nasa isang tent sila. Katatapos lang nilang magbigay ng relief foods at nagpapahinga na lang sila ng mga sandaling iyon. Alex is talking to some people. Mukhang mga kilala din sa lipunan ang mga ito at isa sa mga ito si Shilo Wang. Kinuha niya isang mineral water at ininum iyon. "Buti at sumama ka kay Alex sa ganitong klaseng event ng kompanya." Kumuha din si Knight ng mineral water. "Why not? Ikaw nga itong ikinagulat ko na nandito. You are not yet part of the company but you are here." Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. Ngumiti si Knight. "Well, magtatapos na ako next year at gusto ni Tatay na ako ang pumalit sa kanya bilang sekretarya ni Sir Cole. Na-isip ko na magandang simula ang ganito." Natigilan si Ashley sa sagot nito. "Tatanggapin mo ang alok na trabaho sa iyo ng pinsan ko?" Tumungo si Knight. "I think, it will be a good idea. Pinagkakatiwalan na ng mga Saavadra ang pamilya namin. Mas mabuting sa amin ulit manggaling ang magiging sekretarya nila kapag nag-retired si Tatay. At saka, hindi na din naman ako iba kay Cole. We are going to be a good partner." Hindi nagsalita si Ashley. Tumawa ng mahina si Knight bago uminum ulit ng tubig sa mineral water. Nakaramdam siya ng lungkot para sa kaibigan. Huminga siya ng malalim at lumapit dito. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki na siyang ikinatingin nito. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Di ba, gusto mong mag-aral ulit para maging lawyer?" May pag-aalalang tanong niya. Noong makilala niya ang pinsan ay sabay din niyang nakilala si Knight. Agad nila itong naging kaibigan kaya hindi na ito na-iiba sa kanila. Maliban pa doon ay iisang school lang din sila. Knight is there always for her. Naging malapit niyang kaibigan ito at ganoon din ito sa kanya. They talk about their plan and dreams. Kaya alam niya kung anong gusto nito sa buhay. "Ash, hindi naman lahat ng nais natin ay makukuha agad natin. Being a lawyer is not for me. At saka, kailangan ako ng pinsan mo. Hindi siya basta-basta nagtitiwala kahit kanino kaya alam ko na ako ang kailangan niya kapag umalis na si Tatay bilang sekretarya niya." Paliwanag ni Knight. Naramdaman niyang pinisil nito ang kanyang kamay. "Pero paano ang pangarap mo?" "I already talk to Tatay. Pagkatapos kong mag-aral ay papasok ako bilang assistant ni Sir Cole habang nag-aaral ng political science." "Mahirap iyon. Hindi ba at dalawang taon na lang at magreretiro na si Tito Night. Kung ganoon ay la---" "Mag-aaral ako ng Law for two years. Iyong mga unit lang siguro na may kinalaman sa negosyo. Hindi naman ako kukuha ng Bar exam. Kaya nga ang kinuha kong kurso ay Economics, di ba? Iyon naman talaga ng plano ko." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Ashley feels disappointed but she can't let it out anymore. It's seems like Knight already decided. Nakaplano na ang buhay nito. Talagang nais nitong tulungan ang pinsan niya. "You really treasure my cousin?" Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Knight. "Cole is so precious person to me, Ashley. He is like a little brother to me. At saka, si Cole lang ang tanging taong nagparamdam sa akin na walang mali sa pagkatao ko. Alam mo naman kung saan ako nanggaling. Alam mo kung anong pagkatao meron ako, Ashley. Kung hindi ako nakita noon ni Cole at tinulungan si Tatay na ampunin ako ay baka nasa lansangan pa rin ako at walang direksyon sa buhay. Kung saanman ako ngayon ay utang ko iyon sa kanya. Utang ko sa pamilya Saavadra." Umiwas lang ng tingin si Ashley kay Knight. She knows the story of him. Kaya nga hindi na iba ang turing nila dito. Kahit isang beses sa buhay niya ay hindi niya hinusgahan ang pagkatao nito. She treasures Knight because Knight... Knight is the guy she wanted to be married someday. She has a huge crush on him but she knows that Knight won't look at her like the way she looks at him. Dahil si Knight ay may tao ng pinangakuan ng kasal. Ang masaklap pa noon ay alam niyang ito ang babaeng nararapat para sa kaibigan. The girl is Knight's childhood friend. Sa ngayon ay nasa U.S ang babae para mag-aral. KANINA PA hindi maalis ni Lorenzo ang mga mata sa babaeng nagbibigay ng relief goods sa mga taong nandoon. Hindi pa rin siya makapaniwala na isang tulad ni Ashley ay pupunta sa ganoong lugar at makikisalamuha sa mga tao. Unang kita pa lang kasi niya kay Ashley ay parang napaka-arte nito. She lives with a golden spoon. Hindi lang iyon ang ikinagugulat niya. Napakagiliw nito sa mga tao at walang halong pagpapanggap ang mga ngiting ibinibigay nito. Makikita talaga sa mukha nito na masaya ito sa ginagawang pagtulong sa mga tao. Nakita niya din ang pinsan ni Ashley na si Alex pero wala ang pinsan nitong si Cole. Ang alam niya ay kasali ang Redwave sa team up operation na iyon. Inaasahan pa naman niya na makikita ang lalaki. "May problema ka ba?" tanong ni Doll Rhea at umupo sa katabi niyang upuan. "Wala." Sagot niya. Tumikhim siya pagkalipas ng ilang sandaling katahimikhan. "Kilala mo ba iyong kausap ni Ashley Cortez?" Itinuro niya ang dalawang taong ngayon ay naka-upo sa tent at nag-uusap. They look like a couple. Halatang close ang dalawa kung pagbabasihan ang mga galaw. Tumingin si Doll Rhea sa itinuro niya. Nagtaas ang kilay nito. "I don't know him," sagot nito at umiwas ng tingin. "Are you sure? Hindi ba siya galing sa mayaman pamilya?" Hindi siya naniniwalang hindi kilala ng kanyang sekretarya ang lalaki. Nasisigurado niyang galing sa mayaman pamilya ang lalaki. Sa tindig at ayos ng lalaki ay masasabing galing ito sa mayamang pamilya. At saka, malapit ito kay Ashley. Hindi ito magiging malapit sa isang tulad ni Ashley Cortez kung hindi galing sa kilala at mataas na lipunan. "Nope! Kilala ko ang mga mayayamang pamilya dito sa bansa. I didn't see that guy." Hindi na siya nasalita pa. Doll Rhea knows every rich family in the country. Kaya nga sekretarya niya ito dahil marami itong kakilala at mabilis itong makakuha ng kliyente. This woman is very efficient at her work. "Sino kaya siya?" tanong niya sa mahinang boses. "Huh! I think I know him na." Napatingin siya kay Doll Rhea ng magsalita ito. Ibinigay nito ang hawak na phone. Isang article ang nakabukas kaya binasa niya iyon. "Kaya pala parang pamilyar siya sa akin. His name is Knight Prado. Kilala siya bilang silver medalist sa Olympics. Isa siyang magaling na swimmer. At ayon sa article ay parang anak na ang turing ng mga Saavadra sa lalaki. Madalas siyang nakikitang kasama si Alex Kim at si Ivylyn Rose Saavadra. Hindi nakakapagtaka na malapit din ito kay Ashley Cortez." Muling napatingin si Doll Rhea sa dalawang tao na ngayon ay magkahawak kamay. Napatingin na din siya. Kung ganoon ay parte din ng pamilya Saavadra ang lalaki. Hindi din pala ito basta-bastang lalaki. Hindi na din nakakapagtaka kung bakit malapit dito si Ashley. He is part of the family. "They look like a couple. Akala ko talaga ay malamig na tao iyang si Ashley. She looks warm with that guy." Napatingin siya kay Doll Rhea dahil sa sinabi nito. "What do you mean?" Nagsalubong ang kilay na napatinign sa kanya si Doll Rhea. "Hindi mo ba naririnig ang tungkol kay Ashley Cortez?" Umiling siya. Wala siyang masyadong alam kay Ashley. Tanging narinig lang niya ay mataray at palaban ang babae na siyang napatunayan niya sa ilang beses nilang pagtatagpo ng landas. "Ashley is a cold woman. Wala itong pinapansin na kahit sinong lalaki. Kung may lalaking magbibigay dito ng bulaklak ay itatapon lang nito sa basurahan. Ilang lalaki na din ang tumangkang manligaw sa kanya pero kahit isang ay walang nakalusot. Hindi lang iyon, kahit isang beses ay walang kina-usap na lalaki si Ashley maliban sa pinsan at malapit na tao sa pamilya niya. Kaya nga nagtataka ako kung paano mo siya nakilala." Paliwanag nito. Hindi siya nagsalita. Nagulat siya sa narinig. She is snubber? Isang tulad nito ay hindi namamansin ng lalaki? Paano nangyari iyon kung naging kaibigan nito ang kapatid niya? Ito din ang unang lumapit sa kanya. "Sigurado ka ba sa narinig mo?" "Bakit naman ako magtatahi ng kwento, Lorenzo? Iyon naman talaga ang narinig ko patungkol kay Ashley Cortez. She doesn't have a friend. She is also a loner. Mas gusto niyang mapag-isa lagi. Siguro dahil iyon ang nature niya. At saka, anak mayaman ang isang tulad nito. Maraming babaeng na-iingit sa kanya. She can't find a real friend." Nagkibit-balikat pa ang kanyang sekretarya. Walang kibong ibinalik niya ang tingin kay Ashley. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Dennis. 'Ashley is different, Kuya. She is innocent. Kung anuman ang pinapakita niya sa iyo ay hindi siya ganoon.' Hindi niya pinapaniwalaan ang sinabi ng kapatid niya dahil nga sa ginagawa sa kanya ni Ashley pero kung titingnan ang mga ito ay may nakikita siyang iba sa babae. He can't believe that he also has a good heart. Nang tumayo ang lalaki dahil tinawag ito ng isang matanda ay bigla siyang tumayo. Bago pa magsalita ang matino niyang ka-isipan ay naglakad siya palapit sa babae. Nang makarating sa loob ng tent nito ay nakuha na niya agad ang atensyon ni Ashley. Nagtagpo ang kilay ng babae. Isang ngiti ang ibinigay niya dito. "Hi." Bati niya. "Hello. What are you doing here?" nagtatakang tanong nito. Tumingin siya sa tent na kina-uupuan kanina. "Our company is also part of the volunteer. We are distributing mattress." Ibinalik niya ang tingin kay Ashley. Tumungo-tungo lang ang dalaga. Uminum ito ng tubig sa hawak na mineral water. Biglang naging awkward ang paligid sa pagitan nila. Tumikhim siya. Mukha ngang ayaw na talaga siyang makita ng babae. Is it because of what he did? Or it is because of what happen to him and her cousin? "I..." bumalik ang tingin ni Ashley sa kanya. "I-I just want to say I'm sorry too. Mali din ang ginawa ko sa iyo kaya ako sinuntok ng pinsan mo." Tumaas ang kilay ng babae. Umayos din ito ng upo. Pinakatitigan siya nito ng ilang sandali bago itinuro ang upuan na katabi nito. "Have a seat." Sinunod naman niya ang sinabi nito. Kinuha nito ang isang mineral water at ibinigay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon. Walang salitang namagitan sa kanila ni Ashley. It is really an awkward situation. Binuksan lang niya ang mineral water at ininum. Tumingin si Ashley sa lalaking kasama nito kanina. He can saw the adoration to her eyes. Hindi siya pwedeng magkamali sa nakikita niya. Ashley likes Knight Prado. Her eyes say it all. Ngayon ay nasisigurado siyang hindi nga talaga siya ang tipo ng babae. Ganoon din ang kapatid nito na akala niya ay gusto ng dalaga dahil bigla nalang naging malapit ang mga ito. Muli siyang tumikhim. "Wala yata ang pinsan mo dito? Ang alam ko ay kasama ang kompanya niya sa volunteer." Bumalik sa kanya ang tingin ni Ashley. "Cole went to U.S. May kailangan siyang asikasuhin doong importante." "Kaya ka ba nandito bilang kapalit niya?" He wanted to start a conversation with her. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nais pero gusto niyang makilala ang totoong Ashley kagaya ng kung anong sinasabi ng kapatid. Umiling ito. "His secretary can do that for him. I'm here as his cousin. Nandito ako para suportahan silang dalawa ni Alex." "You are really close to them." It was a statement from him. Hindi nga nakakabigla ang pagiging malapit ng tatlo. Cole is ready to hurt someone just to protect Ashley. At sa nakikita niyang titig ngayon sa kanya ni Alex Kim ay masasabi niyang handa siya nitong patayin kapag gumawa siya ng masama sa pinsan nito. "They are my best cousin." Napatingin siya kay Ashley ng bigla na lang itong tumayo. Nagtagpo ang kilay niya sa biglang ginagawa ng babae. Sinundan niya ito ng tingin ng maglakad ito sa kabilang side niya. Napansin niyang may tinutumbok itong isang bata. Tumayo na din siya at sinundan ito. Nilapitan ni Ashley ang isang batang babae na ngayon ay umiiyak dahil mukhang inaway ng kalarong lalaki. "Hey! Anong nangyari? Bakit umiiyak ka?" Mahinahong tanong ni Ashley sa bata. Tumayo siya di kalayuan dito at pinagmasdan lang ang dalaga. "K-kasi po inaway niya po ako." Tinuro ng batang babae ang kalaro nitong lalaki kanina. "Anong ginawa niya sa iyo?" Tinitigan ni Ashley ang batang lalaki. Mukhang natakot ang batang lalaki kay Ashley dahil bigla na lang itong tumakbo palayo dito. Napangiti siya. Ashley is really scary. Nakakatakot ito kapag tinitigan ka na ng masama ngunit kahit ganoon ay maganda pa rin ito. Ngayon lang niya napansin na walang suot na kahit anong kulurete sa mukha ang babae. Napakasimple din ng ayos nito. Wala itong suot na kahit anong alahas maliban sa relo. Nakatali ang mahaba nitong buhok na natatakpan ng suot nitong sombrero. Kina-usap na ni Ashley ang bata at pilit na pinapatahan. Hindi mapigilan ni Lorenzo ang mapangiti. Nakikita niya sa mukha nito ang kagustuhan na suyuin ang batang babae. May kinuha pa ito sa likod ng pantalon. Tumigil ang bata sa pag-iyak. Kaya isang napakagandang ngiti ang sumilay sa labi ni Ashley. May kinuha ulit ito sa likuran ng pantalon. Isang panyo iyon. Binasa iyon ni Ashley gamit ang hawak na mineral water at sinimulang punasan ang mukha ng bata. Nang matapos ito ay ipinatong na lang nito basta-basta ang basang panyo sa hita at hinawakan ang bata sa balikat. Tinutok nito ang bata sa cell phone na inangat at nagsimulang kumuha ng litrato. Mahina siyang natawa sa ginawa ni Ashley. He can't believe that she done that. Ito ba talaga ang sinasabi ng kapatid patungkol sa dalaga. Mabait naman pala talaga ito. Nawala ang ngiti sa labi niya ng makitang lumapit dito ang kaninang lalaking ka-usap. "Hey! Let me take a photo of you too," anito at inilahad ang kamay. "Sino po siya? Asawa niyo po?" inosenteng tanong ng batang babae. Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Ashley. Tumingin pa ito sa lalaki at pagkatapos ay sabay na tumawa. Tumayo ang dalaga at lumapit sa lalaki. Inilagay nito ang braso sa braso ng lalaki. "Ano sa tingin mo, May? Bagay ba kami?" Masayang tanong ni Ashley sa bata. Tumungo naman ang bata. Nakita niyang ngumiti ang lalaki at umiling. Tumingin ito kay Ashley at pinitik ang noo. "Kalukuhan mo na naman. Dinadamay mo na naman ang bata." Ngumiti lang si Ashley na parang naglalambing sa lalaki. Lorenzo doesn't like what he saw. Napakuyom ang kamao niya. Hindi niya nagustuhan ang uri ng pagngiti ng babae sa lalaki. What so special about that man? Pinakatitigan niya si Knight Prado. Gwapo din naman ang lalaki. Kakaiba din ang tindig. Sa suot nitong red t-shirt at jeans ay masasabing nanggaling din ito sa marangyang pamilya. He has a clean-cut hair. Matangos ang ilong ng lalaki at manipis naman ang labi nito. Kayumanggi ang kulay ng lalaki kaya masasabi niyang pinoy na pinoy ito. He doesn't have a foreign blood but his height is not like a regular Pilipino. Kinuhaan nito ng larawan si Ashley at ang bata. Lalong sumidhi ang inis na nadarama ni Lorenzo ng makita kung gaano kasaya ang mga ito. Parang isang masayang pamilya kung pagmasdan ang dalawa. Binitiwan niya ang hawak na mineral water na wala ng laman dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Mabibilis ang hakbang na lumapit siya sa mga ito. "Hi." Muli niyang bati sa kay Ashley. Nakuha naman niya ang atensyon ng tatlo. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya kay Ashley. Napansin niyang sinulyapan ng dalaga si Knight. Inilagay niya ang dalawang kamay sa likuran niya para itago ang pagkuyom noon. "Do you need anything?" tanong ni Ashley. Natigilan siya sa tanong nito. Bakit nga ba siya lumapit? Anong na-isip niya at lumapit siya bigla sa mga ito. Tumikhim siya para alisin ang bumara sa kanyang lalamunan. "Ahm, kakain sana kami ng meryenda at gusto kitang yayain. My treat. Pangbawi ko sa ginawa kong pagkakamali sa iyo." Suddenly Lorenzo can feel that his heart is beating fast. Tumingin si Ashley sa lalaking ngayon ay katabi na ito. Napatingin na din siya sa lalaki. Mataman din pala itong nakatingin sa kanya. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito. Seryuso lang itong nakatingin sa kanya. "Gus---" "Pasensya na, Mr. Madrigal. Pero aalis na din kami. Our mission here is done." Putol ni Knight sa iba pangsasabihin ni Ashley. Nagdikit ang labi niya sa sinabi nito. Kung ganoon ay kilala siya ng lalaking ito. Hinarap nito si Ashley pagkatapos siyang bigyan ng masamang tingin. Nasisigurado niyang alam nito kung anong ginawa niya noon sa dalaga. "Lumapit talaga ako para sabihin na tumawag si Tita Ivy at nagtatanong kung anong oras tayo pupunta ng farm. She said that Tatay and I should stay also." "Sasama ka sa amin sa farm?" Tumungo ito. "Yes. Kaya tara na at naghihintay sa atin si Madam Ivy." Inilahad ni Knight ang kamay nito kay Ashley. Walang pagdadalawang isip na tinanggap ni Ashley ang kamay ng lalaki. Hinarap ng mga ito ang bata. "Baby, aalis na si Ate. Tandaan mo ang sinabi ko ha. Be a good girl. At kapag inaway ka ulit ng lalaking iyon ay wag na wag kang magpapatalo. Lumaban ka din." Ginulo ni Ashley ang buhok ng batang babae. "Opo, Ate." Magiliw na sagot ng bata bago tumakbo pa alis doon. "Let's go," sabi ni Knight. Tumungo si Ashley dito. Ang akala niya ay magpapaalam pa sa kanya si Ashley ngunit nilampasan lang siya nito na para bang isa siyang hangin. Hindi man lang sumulyap sa kanya ang babae. May naramdaman munting sakit sa kanyang puso si Lorenzo pero mas namayani ang inis na nadarama. Sinundan niya ng tingin ang mga ito. He wanted to punch someone. And that someone name is Knight Prado. Sino ito para ipahiya siya ng ganoon? Sino ito para umasta ng ganoon sa harap niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD