'WHY I CAN'T BE YOUR MODEL?'
Hindi alam ni Ashley kung ilang mensahe na ba ang pinadala ni Lorenzo na ganoon ang tanong nito sa kanya. Simula ng araw na pumunta siya sa opisina ni Dennis at nakita siya nito ay hindi na siya tinigilan ng lalaki. Minsan ay tinatawagan pa nga siya. Hindi niya nga lang sinasagot dahil wala naman talaga siyang balak na makipag-ugnayan sa lalaki.
Muli lang kasi siyang pinagsabihan ni Alex. Pinaki-usapan na nga lang niya ang pinsan na wag sabihin kay Tita Ivy ang nangyari. Ayaw na niyang makarating sa matanda ang pakikipag-usap niya kay Lorenzo dahil mag-aalala lang ito. Baka nga ma-ban pa siya sa flower farm kapag nangyari. Minsan na kasi iyon ginawa ni Tita Ivy at si Alex ang unang nakatikim noon. Isang buwan itong pinagbawalan ni Tita pumunta ng farm at mansyon. Ang dahilan, nakipag-ayaw lang naman ito sa anak ng isang board of directors. Minsan kasi nagkabanggaan sa isang bar ang dalawa. Nakarating kay Tita Ivy ang balita at iyon ang ibinigay nitong parusa.
Binura ni Ashley ang mensaheng pinadala ni Lorenzo at itinuon na lang ang atensyon sa ginagawang stretch para sa damit na balak niyang gawin para sa runway. Wala pa rin siyang nahahanap na model. Nasa isang café siya. Mas nakakapag-isip siya ng design kapag maraming tao o nasa isang malawak na lugar siya. Nakakakuha kasi siya ng inspiration.
Natigilan si Ashley ng may naglapag ng isang Chocolate oreo shake sa harap niya. Nagtaas siya ng tingin. Napangiti siya ng makita ang pinsan na si Alex. Wala itong pasok ngayon sa opisina. May inaayos ito ngayon sa school kaya nagkita na din silang dalawa ng pinsan. Umupo sa harapan niyang upuan. Isang tasang coffee latte ang inorder ng pinsan.
"Kamusta iyong project mo?" tanong nito.
Itinabi niya ang ginagawang stretch at hinarap ng maayos ang pinsan. Bumuntonghinga siya. May tatlong linggo na lang siya bago ang runway. Wala pa siyang nasisimulan kahit isa. She already has an idea but she can't totally convey those idea not until she finds her muse.
"I have one problem with it." Pag-amin niya sa pinsan.
"What is it?" tanong ni Alex. Seryuso ang mukha nito.
"Well, I can't find my muse for this project."
"Muse? You're looking for muse?" Nagtatakang tanong ni Alex.
"Model. I'm looking for a model." Uminum siya ng shake.
Mukha naman na intindihan ni Alex ang sinabi niya. "Male model or female?"
"Male model ang nabunot ko. At ang rule ay hindi kami pwedeng mabayad ng mahal kapag kukuha kami ng model. Minimum of two thousand should be the expensive in model fee. Maliban pa doon ay hindi pwedeng lumampas ng 3 thousand ang expenses namin. Nabudget ko na ang expenses sa tila at ibang kailangan sa damit na tatahiin ko. I need to get a model for the amount of one thousand five hundred."
Gustong sumakit ng ulo niya. It was challenging for her. Siya kasi ang tipo ng tao na tumitingin sa quality ng product. Kaya ang mahal ng tila na nabili niya.
Biglang nag-isip si Alex. "You need a male model na mag-stand out sa event na iyon?"
Umiling siya. "I don't need a famous model. Gusto ko lang iyong model na kayang magbigay ng inspiration sa akin. I want a man that can carry my creation."
Iyon naman talaga ang gusto niya. Well, she can find a model for that kind amount of money. May ilan kasing lumapit sa kanya noong nalaman ang tungkol sa project nilang iyon pero tumanggi siya. She can't find inspiration to them. Hindi lang iyon, para sa kanya ay hindi nararapat ang mga ito sa na isip niyang damit. She is Ashley Cortez anyway. She can do everything she wants.
"Then, I have someone who can help you. He will absolutely gonna help you. Sigurado akong hindi niya tayo matatanggihan. Pero bago iyon ay kailangan natin magpaalam sa isang tao." Kinuha ni Alex ang phone nito at may tinawagan.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Mamaya pa ay kinuha ni Alex ang headset nito at ibinigay sa kanya ang isa.
'Hello, Alex.'
Nagtatakang tumingin siya kay Alex ng marinig ang boses ng pinsan nilang si Cole.
"Hello, my dear cousin. How's US?" natatawang tanong ni Alex.
'Still the same but I'm doing good. Napatawag ka? May emergency ba sa Redwave?"
"No. Wala namang problema ang Redwave. The company can function without having you for a month. Napatawag kasi ako dahil hihingi sana kami ni Ashley ng pabor."
"Ano iyon?"
"Ashley need a male model for her summer workshop project. Can I borrow him for a while?"
"Him?" May pagtatakang tanong ni Cole.
"Yap! Him." Tumingin sa kanya si Alex. May naglalarong ngiti sa labi nito.
Gusto niya tuloy batukan ang pinsan. Ano na naman ang nais nitong palabasin sa ngiting iyon? May pinapahiwatig na naman ito. Kung kalakuhan lang din naman ay wag na sana siyang idamay ng binata. Marami siyang iniisip ng mga sandaling iyon.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Alex. "Are you talking about my big b---"
Hindi na niya narinig ang iba pang sasabihin ni Cole ng inalis ni Alex ang headset sa kanyang tainga. Binigyan niya ng natatanong na tingin si Alex. Anong ibig sabihin ng ginawa nitong pag-alis ng headset?
"Yes. I'm talking about him. Mas maganda kong siya ang kunin natin para hindi na mahirapan si Ashley. He will be a perfect model for our cousin. Okay lang ba sa iyo?"
Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Alex. Nag-okay sign pa ito sa kanya.
"Of course, I will ask his permission first. Gusto lang talaga kitang tanungin... Yap, I got his number." Tumawa si Alex na siyang ikinasandal niya sa upuan.
Galit niyang tiningnan ang pinsan na ayaw siyang isama sa kwentuhan ng mga ito. May tinatago sa kanya ang dalawang pinsan. Binigyan niya ito ng masamang tingin na binaliwa lang ng pinsan at patuloy na nakipag-usap kay Cole.
"I will not tell her. Ikaw na ang bahala doon. Ikaw ang magsasabi sa kanya at hindi ako. Ikaw na din ang magsabi sa kanya. Mas mabuting ikaw ang magpakilala sa kanya.... Yah... yah... I'm a bad cousin. But let me borrow him..." Patuloy sa pagtawa ng mahina si Alex. "Call him for me, please. Okay. Thank you. Bye. Take care of yourself there. We miss you by the way."
Pinatay na ni Alex ng hindi man lang niya nabati ang pinsan. Lalo tuloy siyang nainis dito. Gusto din naman niyang maka-usap si Cole. Simula kasi ng umalis ito papuntang State ay hindi na sila nagka-usap pa ni Cole. Kapag kasi nandoon ang pinsan ay hindi nila ito tinatawagan dahil sa therapy nito. Hindi nila alam kung anong oras ang therapy session nito at kung anong schedule nito sa opisina ng Redwave sa America. Si Alex lang talaga ang madalas nitong kausap dahil na rin sa negosyo.
"Cole agreed. At kapag pumayag iyong na-isip kong magiging model mo ay sigurado akong mapapatulala ang lahat." Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Alex.
Hindi na lang siya nagsalita pa. May tiwala naman siya na magaling natao ang kukunin ng pinsan. Alex knows how to look at one person.
HINDI KABILISAN ang pagmamaneho ni Ashley ng kanyang kotse. Magkikita sila ngayong araw ni Alex. Ngayong araw nito ipakilala ang male model na kinuha nito. Isang araw lang ang lumipas at agad na sinabi ni Alex na pumayag daw ang kinuha nitong lalaki na maging modelo niya. Walang ibinigay na pangalan ang pinsan. Surprise daw para matuwa daw siya.
'Siguraduhin niya lang na papayag ang kinuha nito sa talent fee na ibibigay niya,' aniya.
Ipinarada ni Ashley ang kotse sa tapat ng Kaze's café and cake. Doon sila magkikita ng pinsan. Maayos niyang ipinarada ang kotse. Kinuha ang sling bag sa front seat bago lumabas. Pumasok siya sa loob ng café at agad siyang sinalubong ng isang waitress.
"May I help you, Ma'am?"
"May kasama po ako. Dalawang lalaki," aniya habang iniikot ang mga mata.
"Are you Ms. Ashley?"
Napatingin siya sa waitress. Tumungo siya bilang tugon.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Let's go, Ma'am. They are waiting for you."
Sinundan nga niya ang babae. Huminto sila sa isang kwarto. Kung tama ang pagkaka-alala niya ay may pribadong kwarto ang Kaze's Café na pwedeng pagdausan ng meeting. Kaya nga sikat ang lugar na iyon sa business world. Huminto sila sa pinakadulong bahagi na pinto. Kumatok muna ang babae bago pumasok.
"Sir, nandito na po si Ms. Ashley." Mas niluwagan ng waitress ang pinto.
Nilampasan lang niya ito at pumasok na sa loob. Nakita nga niya si Alex na naka-upo paharap sa kanya habang ang isang lalaki na kasama nito ay nakatalikod naman. Isinara na ng babae ang pinto ng makapasok siya. Tumikhim siya at lumapit sa dalawang lalaki. Isang masayang ngiti sa labi ay mayroon si Alex.
"Upo ka, Ashley." Itinuro ni Alex ang upuan sa tabi nito.
Sinunod naman niya ang pinsan. Nang maka-upo siya ay napatingin siya sa kasama nito. Napasinghap siya ng makita ang mukha ng lalaki. The guy is literary a handsome man. Isang ngiti agad ang sumilay sa labi nito.
"I want you to meet your model. Timothy Razel Muller-Navarro. Kuya Tim, she is my lovely and amazing cousin, Ashley Samantha Elizabeth Martinez-Cortez." Pakilala ni Alex sa kasama nito.
"Hi. Nice to finally meet you." Inilahad ng lalaki ang kamay nito.
Tinanggap naman iyon ni Ashley. "Nice to meet you."
"Cole told me about you. I can't believe I will meet the famous Ashley Cortez this way." Natatawang sabi nito.
"Nakwento ako ni Cole sa iyo?" Hindi siya makapaniwalang tanong dito.
Hindi niya alam na may kaibigan palang ganito kagwapo ang pinsan. Well, Cole won't tell them who he associates with. Hindi nga nila ito nakikitang nakikihalubilo kahit kanino kaya nakakagulat na may kakilala itong katulad ni Timothy.
"Well, marami siyang nakwento tungkol sa inyong dalawa ni Alex. And I'm happy to finally meet those people who always there for him. Thank you for taking care of him." Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki.
"Why I feel like Cole is very special to you? Anong relasyon mo sa pinsan ko?" Naghihinalang tanong niya.
Tumikhim si Alex kaya napatingin siya dito. Napansin niya ang nag-uusap na tinginan ng mga ito. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Timothy bago muli siyang hinarap.
"I let Cole tell you about us. Now, let's talk about the favor you asking."
Tumaas na isa niyang kilay. Nais pa niyang magtanong ngunit pinalampas na lang niya. Baka magbago ang isip ni Timothy. He is perfect to be her muse for this project. Nakikita na niya na suot nito ang likha niyang damit. Balikat pa lang nito ay alam niyang kaya na nitong suotin ang naiisip niyang concept. Kinuha niya ang isang folder sa bag na dala. Ipinatong niya sa mesa.
"It's summer collection theme. Beach theme to be exact. Ito ang stretch ng damit na balak kong gawin. Kung may suggestion ka ay sabihin mo lang. I will an arrangement," aniya.
Kinuha ni Kuya Timothy ang folder at pinagmasdang drawing niya. Seryuso ang mukha nito habang pinag-aaralan ang ginawa niya. She is hoping that he will accept her offer. Alam niyang mababa ang talent fee na ibibigay niya pero dalawang lakad lang naman ang gagawin niya.
"What do you think?" Kinakabahang tanong niya.
She wanted him to say yes. Gusto niyang pumayag ito, hindi lang para matapos ang problema niya kung hindi para tigilan na din siya ni Lorenzo. He will stop once he found out that she already found someone to be her model.
"I like your idea. Wala akong balak na ipakita ang tiyan ko kaya tama lang itong gagawin mo. I have a suggestion also." Ibinaba ni Timothy ang hawak na folder. "Let's add ang cap. Iyong mapapansin pa rin naman ang mukha ko. What do you think?"
Bigla siyang napa-isip. Muli niyang tiningnan ang ginawang stretch. Pinagpalit niya ang pagtingin doon at sa mukha ni Timothy. Mamaya pa ay tumungo siya at ngumiti kay Timothy.
"I think it's a great idea. Parang life guard style ang gagawin natin." Nakuha niya agad ang ibig nitong sabihin.
Tumungo si Kuya Timothy. "Right. Let's make another suggestion once I saw the dress. How about that?"
"Okay. I like that idea." Ibinalik niya ang folder sa bag. "Are you sure you are going to accept this? Hindi ganoon kalakihan ang maibibigay ko sa iyong talent fee."
She is worried for that reason. Kung modelo talaga ito kagaya ng hinala niya ay siguradong mataas ang talent fee ng lalaki. She won't cheat to win. May price kasi kapag napili ang gamit niya. She doesn't care about the money. Mas gusto niya iyong titulo na makukuha niya.
"Alex already told me. And I said to him that I'm going to do this for free."
"What?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Binigyan niya ng natatanong ang tumatawang pinsan. Tinaasan lang siya nito ng kilay na para bang sinasabi na dapat niyang paniwalaan ang narinig. Ibinalik niya ang tingin kay Timothy.
"Are you sure?" Paniniguro niya dito.
"Yes. I don't need money, Ashley. So, like I said I will do it for free. Just told me what to do and what we should do." May napansin siyang ningning sa mga mat anito.
"Ash..." Napatingin siya sa pinsan ng magsalita ito. "You don't need to worry. Mayaman din iyang si Kuya Tim. Kung kilala mo ang Saturn Jewelries Inc. Siya lang naman ang nag-iisang step son ng may-ari."
Lalo siyang nagulat sa narinig. Ito? Anak ng may-ari ng Saturn Jewelries Inc. Ang isa sa pinakasikat na jewelry maker sa bansa. Hindi lang sa Pilipinas kung hindi na rin pati sa Canada. Ang alam niya ay hindi simpleng tao ang kumukuha ng jewelry sa Saturn. Mga sikat sa lipunan ang nakakabili ng jewelry ng mga ito.
"Alex, I told you. Hindi ako ganoong kayaman. It's my step father's business. Wala akong kinalaman sa negosyo niya lalo at hindi naman ako nakiki-alam doon." Natatawang sabi ni Kuya Tim.
"But still, you are part of it. Ikaw pa rin ang hahawak noon kapag nag-retired na ang step father mo."
Umiling lang si Timothy. "I have my own plan. May career akong gustong ipasok. At saka, malaking tulong itong gagawin namin ni Ashley para ma-build up ang conference ko." Ngumiti sa kanya ang lalaki.
"Saglit lang di ako makasunod sa inyo." Tumingin siya kay Alex. "Umamin ka nga sa akin. Hindi lang si Cole ang kaibigan niya, di ba?"
Isang ngisi ang lumapat sa labi ni Alex. "Yes pero hindi ako kasing malapit ni Cole sa kanya. I just meet him months ago. Pinakilala lang siya sa akin ni Cole."
Napatingin naman siya kay Timothy. Binigyan niya ito ng nagtatanong na tinign. She wants to confirm if it's true. Tumawa lang ng mahina ang lalaki.
"Tell me, gaano na kayo katagal na magkakilala ni Cole?" Her curiosity strike again.
May tinatanong lihim sa kanya ang dalawa at nais niya iyong malaman. Umayos ng upo si Kuya Timothy. Hinarap siya nito ng maayos para siguro magka-usap sila.
"I meet Cole when I was in my teenage life. Kasama nila akong lumipad noon papuntang State. Cole will tell you about me. Siguro pagbalik niya mula State. I will make time for you but hopefully, I'm not busy with my studies and other stuff."
Lalo lang siyang naguluhan sa sinagot nito. What really, they know about him? Bakit pakiramdam niya ay hindi lang sampling pagkakaibigan ang meron ang mga ito. And she wanted to know the truth.
"Stop thinking about it, Ash. Babalik na din naman sa katapusan ng buwan si Cole. Kailangan niyang mag-enroll sa darating na pasukan. Let's arrange everything," wika ni Alex.
"Then I will make a time for three of you."
Ashley also drops the topic. Alam niya kasing hindi din siya sasagutin ng dalawa. Wala siyang laban kay Alex kapag nagsimula na itong mang-asar. Nag-usap pa sila ng tungkol sa ilang bagay. Timothy told them that he is planning to be a singer. Hindi nga lang nito alam kung saan magsisimula. Sa ngayon kasi ay nag-aaral ito ng kolehiyo. Parehong nasa bansa ang mga magulang nito. Nagpakasal ang ina nito na isang Canadian sa isang mayamang negosyante ng bansa. Walang kapatid sa step father si Kuya Timothy pero may kapatid daw ito sa side ng totoong ama.
Hindi na siya nangusisa pa dahil mukhang pribadong usapin iyon. Nagkasundo silang dalawa ni Kuya Timothy na magkita bukas para masukatan niya. Binigay niya dito ang address ng condo niya sa Pasig City. Nandoon din kasi ang studio niya. Alex said that he won't come with them. Marami daw itong trabahong tatapusin ngayon balik paaralan na naman sila.
Naglalakad na sila palabas ng café ay katabi niya si Kuya Tim. Napapagitnaan siya ng dalawang lalaki. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa gustong simulang career ni Kuya Timothy.
"If you really want to get into showbiz. We can help you. May kakilala ako na T.V station. I can arrange you with them," wika ni Alex.
Ngumiti si Kuya Timothy. "No need. May mga balak na din naman ako pero baka pagkatapos pa ng pag-aaral ko. Maraming pwedeng salihang competition. I will do that once I finish my master degree."
"Okay but tell us if you need our help. We are glad to help you." Seryusong sagot ni Alex.
Huminto si Alex sa kotse nito, isang Toyota Roadstar iyon. Huminto na din silang dalawa ni Kuya Tim.
"Thank you, Alex. I will take that note. Go on. I know you have meeting to attend. Ako na ang maghahatid sa kay Ashley sa kotse niya."
"Okay. May dala ka naman kotse, Kuya?" Binuksan na ni Alex ang kotse nito.
"Yap. Dala ko ngayon ang kotse ko. Wag ka ng mag-alala pa." Ngumiti si Timothy.
Nag-brotherhood shake muna ang dalawa bago tuluyan nagpaalam si Alex. Kumaway naman siya sa pinsan. Hinintay nilang makalayo ang kotse ni Alex bago naglakad papunta sa kotse niya.
"Can I ask you with something, Ashley?" Tanong ng katabi habang naglalakad sila.
"Ano iyon?" Sinulyapan niya ang binata.
"Do you have a boyfriend?" Napahinto siya sa paglalakad at napatingin ng tuluyan dito.
"Bakit mo natanong?" May mapanuksong balik tanong niya.
Mahinang tumawa si Kuya Timothy. "Well, curios lang ako. Dalawang pinsan ang meron ka na sobrang possessive. Gusto ko lang malaman kung may nakalusot ba."
Tumungo siya. "Well, I don't have one and it's not because of them. Bukas ang dalawa sa kaisipan na magkakaroon ako ng kasintahan. Ako lang talaga itong walang balak."
Ngumiti ng matamis si Kuya Timothy. "That's good to hear. Focus on your goal first. Masyado ka pa naman bata para isipin ang ganoong bagay. Basta kapag may taong nanakit sa iyo, sabihin mo lang sa amin tatlo at ipagtatangol ka namin. Walang pwedeng manakit sa iyo."
Natigilan si Ashley. May munting sayang lumukob sa puso niya. Hindi niya mapigilan na maging masaya sa sinabi nito. Hindi lang iyon, may humaplos sa kanyang puso. Mayroon kakaiba sa sinabi nito na naging dahilan para maging ganoong ang puso niya. Iba na din ang tingin niya ngayon kay Timothy.
'Why I see Tita Ivy in you?' gusto niya sana itanong kay Kuya Timothy.