PAGPASOK NILA Bloom at Liui sa restaurant ay iginiya siya ni Liui sa table nila at pinaghila pa siya nito ng upuan. Gentleman talaga ang mokong kahit hindi halata dahil sa mukha nitong laging nakangisi o kaya ay nakangiti. Ito na rin ang nag-order para sa kanila dahil hindi niya naman alam kung anong masarap sa restaurant na iyon. Habang naghihintay sila ng pagkain ay biglang pumailanlang ang isang malamyos na musika mula sa piano. She knew that song. It was her favorite Thai song, 'A Little Thing Called Love.'
Nang tingnan niya kung sino ang tumutugtog ng piano ay nakita niya ang lalaking mukhang Thailander na nakaupo doon at nakangiting tumutugtog habang nakatingin sa isang cute na babae na nakaupo sa lamesa malapit sa piano. From the looks of it, the two were a couple. At mukhang para sa babae ang tinutugtog ng lalaki. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili niyang mapangiti.
May mga couples pa pala na kagaya ng dalawang ito. The guy was really sweet. Kapag may lalaking tinugtugan din siya ng kantang iyon, sasagutin niya talaga kaagad. Kasama iyon sa listahan niya ng mga qualities ng gusto niyang maging boyfriend. She wanted someone who could play an instrument for her and sing her favorite song.
"I love you, Rona!" sigaw ng lalaki na nasa likod ng piano habang nakatingin sa babaeng cute na tinawag nitong 'Rona' kaya umani iyon ng tilian mula sa mga babaeng nasa restaurant na inggit na inggit na dahil sa pinapakitang ka-sweet-an ng lalaking nasa piano.
"Shut up, Jirayu," sigaw din ni Rona na ikinatawa ng lahat. When she looked at the woman, her eyes were glistening with love for the man called 'Jirayu'.
Hindi niya namalayan na napapa-hum na pala siya habang nakangiting nakamasid sa dalawang magsing-irog sa kabilang mesa. Naiinggit siya. She wanted to have someone who would love her too. If only Rade could love her...
"You like that song?" narinig ni Bloom na tanong ni Liui. Tumango siya. "Anong title niyan? Hindi kasi pamilyar sa akin 'yung kanta."
"'A Little Thing Called Love' ang title niyan. It's a Thai song."
"Kaya pala hindi ko alam," umayos ito ng upo at tinitigan siya. Nabaling tuloy dito ang atensyon niya. "You like Thai songs?"
"Yeah. Japanese songs, too."
"Bakit? Hindi mo naman maintindihan ang mga 'yon."
"Anong ginagawa ng google?" natatawang tanong niya. "Meron namang English translation sa google, eh."
"You have a point."
"Magaganda kasi ang ibig sabihin ng mga kanta ng Japan at Thailand lalo na ng mga love songs. Kahit hindi mo maintindihan ang mga sinasabi nila, their tunes and melodies are something. Alam mo 'yon? 'Yung feeling na naiiyak at kinikilig ka habang pinapakinggan 'yung kanta kahit hindi mo maintindihan?"
"Hindi ko alam ang feeling na gano'n," sagot nito. "But that song just now is really nice. Ano bang ibig sabihin niyon?"
"It was about an unexpected meeting of two people. It was a big coincidence but the guy fell in love with the girl. He was uncertain about how he was feeling towards the girl so he was just hiding it. He was just waiting for that girl to know what he truly felt for her. He wanted that girl to look at him and see how he loves her. He was scared to tell what he felt for her that was why he wasn't making any move."
"Bagay sa atin 'yung kanta," hirit ni Liui. "I met you unexpectedly and since then, your face hasn't left my mind. Not even once. That is why I'm telling you that you stole my heart."
"Dumidiga ka nanaman, Liui," naiiling na turan niya. "If this is your way of making me fall for you it will never work on me."
"There's no harm in trying."
"I'm in love with Rade, Liui," nangigigil na turan niya.
"So what? Just because you're in love with Rade, that doesn't mean that you can't fall in love with me," she was caught off guard when he winked at her. "I really like you, Bloom. Don't push me away. Just give me a chance, okay?"
"Hay, ewan ko sa 'yo. Bahala ka nga sa buhay mo. Basta 'wag kang iiyak-iyak kapag nasayang lang ang lahat ng effort mo. I don't surrender easily, Liui."
"Let's see about that."
Hindi niya na siya nakasagot dahil dumating na ang in-order nila. Tahimik silang kumain at hindi niya na ito kinausap pa. Hindi siya makapag-concentrate sa pagkain dahil pakiramdam niya ay may tumititig sa kanya. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Liui na nakatitig lang sa kanya habang nakapangalumbaba. Wala pang bawas ang pagkain nito at sa tingin niya ay wala pa itong ginagawa kundi ang titigan siya mula nang dumating ang pagkain nila. Tinaasan niya ito ng kilay. He looked adorably cute as he stared at her with that stupid expression on his face.
"Anong problema mo?" tanong niya dito nang hindi niya na matiis ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. "Mukha kang tanga."
Mukhang noon lang ito natauhan. He looked mesmerized for some unknown reason and he seemed oblivious on how gorgeous he was right that very moment. With that dreamy expression on his face, he looked really handsome. "Sorry. Ang ganda mo kasi habang kumakain ka, eh. At ganyan ka ba talaga kalakas kumain? O masama lang ang loob mo sa 'kin kaya sa pagkain mo nalang binubunton ang inis mo?"
Natigilan siya. Goodness! She acted like a complete glutton in front of Liui! Nakakahiya! Pero ano bang pakialam niya kung magmukha man siyang patay gutom sa harap ni Liui? It was just Liui. Wala siyang pakialam sa iniisip nito sa kanya. "Matakaw talaga ako. Turned off now?"
"No. I like girls who loves to eat," nakangiting turan nito. "They just makes me want to pamper them even more and give them all the food in the world."
"Kawawa naman pala ang magiging girlfriend mo."
"Bakit?"
"Magiging baboy siya ng dahil sa 'yo," nakakunot ang noo na tiningnan niya ito. "Ayaw mo ba ng sexy na girlfriend?"
"I don't really care if my girlfriend is fat or thin. As long as I love her, I won't mind."
"Ah."
Tumahimik na siya dahil wala na siyang maisip na sabihin. Ibinuhos niya nalang ang atensyon niya sa pagkain. Mukhang nasawa na rin si Liui sa kakatitig sa kanya dahil sa wakas ay kumain na rin ito. Tahimik lang silang kumain hanggang sa matapos sila. Pagkatapos nilang mag-dinner ay hinatid na siya nito sa bahay nila.
Habang nasa biyahe sila ay kung ano-anong tinanong nito tungkol sa kanya. Nagkwento din ito ng kung ano-ano tungkol sa sarili nito. Nalaman niyang masarap palang kausap si Liui kahit na madalas ay kung ano-anong sinasabi nito. He was a good listener too dahil hindi ito nagba-butt in kapag nagsasalita siya at pinapakinggan nito ng maigi ang lahat ng sinasabi niya. Pagdating nila sa tapat ng bahay niya ay bumaba pa ito sa sasakyan para pagbuksan siya ng pinto ng kotse.
"Good night, Liui. And thanks for the dinner."
"You're welcome."
Nasa pinto na siya ng bahay niya nang marinig niyang magsalita si Liui.
"Anong kailangan kong gawin para mapaibig ang isang Bloomentrit Zaldoa?" malakas na tanong nito.
Napahinto tuloy siya at muling napabaling dito. "I won't give you any clue, Liui."
"I'll make you fall in love with me, Bloom. Itaga mo 'yan sa bato."
"You're hopeless."
"Yes. I'm hopelessly in love with you."
"That's impossible," hirit pa niya. "We only met two weeks ago. Imposibleng ma-in love ka sa akin ng gano'n kabilis."
"Bago mo ako kondenahin, unahin mo muna 'yung mga taong nala-love at first sight. It took them only one look and they are already on love."
"Ewan ko sa 'yo. Umuwi ka na. Antok lang 'yan. Good night."
Tinalikuran niya na ito at agad niyang sinara ang pinto ng makapasok siya sa bahay. Napasandal siya sa pinto at napahawak sa dibdib niya. Her heart was beating wildly and she could feel her cheeks burning. Ano daw? He was hopelessly in love with her? Ano nanaman kayang drama nito? At ano ring drama niya at nagpapa-apekto siya sa mga pinagsasasabi ng lalaking iyon? Napailing nalang siya at naglakad paakyat sa kwarto niya.
"Sira-ulo talaga 'yung Liui na 'yon."