PANAY ang hithit ko ng sigarilyo habang nakasandal sa aking Ducati. Hinihintay kong lumabas si Cervantes. Dating sundalo ito at bigating negosyante. And a f*****g drug Lord. Sinabi ni Z, nasa munisipyo ito at panigurado, humihingi ito ng tulong sa mga matataas na posisyon sa gobyerno. "May tatlong bibe akong nakita, may paa, may ulo…," napangibit naman ako habang kinakanta ang kantang ito na naririnig ko sa mga anak ni Kier. Pakiramdam ko kasi mali ang lyrics, pero iyon talaga ang naririnig ko sa mga bata. Tinuruan nga din nila ang mga anak ni Dos. Napangisi naman ako nang lumabas na si Cervantes. Inayos ko muna ang sunglasses ko at sinalubong ito. May limang tauhan ito na kasa-kasama. "Hello, universe!" Nakangising saad ko, na nakaharang sa dinadaanan. "Excuse me? Who are you?!" gali

