Pagbaba ko pa lang sa aming quarters, masaya na akong binati ng mga palace staff na nadadaanan ko. Hindi ko alam pero maganda ang mood ng lahat ngayon despite of what happened to us nong isang araw sa aming honeymoon. Although sinugod kami ng mga di pa nakikilalang mga Tarragons, hindi na namin ito pinalaki pa at wala namang napahamak sa aming tatlo. Well, Cygnus lose an arm, pero bigla din itong tumubo agad. Hindi man lang nila sinabi sa akin na kapag naka-cut ang kanilang limbs ay tumutubo agad, which is one of their traits. Mabuti na lang talaga at ‘yon lang natamo niya. Kung hindi nagwala na sana kami ng todo-todo ng aking wolf. But everything is fine, naging maganda ang kinalabasan ng mating ceremony and also my babies are growing big and safe. Naging usap-usapan ang ceremony na nan

