Ten - Rogue

1410 Words
I was still on my wolf form nang magising ako, and I am hiding in an empty cave para hindi ako mahanap ng aking pack, at walang makaharap ang mga rouge wolves na nagkalat sa paligid. I am still weak sa torture na nakuha ko mula sa aking ama. Nagpapasalamat ako sa aking kapatid at sa Goddess na rin at nakatakas ako. Pero hindi na ako parte ng aming pack, my father disown me at isa na ako ngayong rouge, walang pack at siguradong ha-huntingin ako ng iba. Kaya kailangan ko na talagang makaalis sa gubat at makabalik sa aking mga mates. Kahit pa nakatakas ako, baka hindi pa rin sila ligtas. Gagawin lahat ng aking ama na parusahan ako, na pahirapan ako, kaya pati ang mga mates ko ay idadamay niya. Tumayo na ako and I shake my fur just to get the dirt off. Dahan-dahan ako lumabas ng cave, inamoy ko ang hangin at wala akong ma-detect na ibang scent. Kaya naman tumakbo ulit ako para makalabas na ako ng gubat at makabalik na sa aking mates. Ang problema nga lang, hindi nila akong pwedeng makita in my beast form. Pag bumalik ako sa pagiging human, I will be totally naked. Napunit kasi ang suot ko nang maging wolf ako kagabi. Bakit pa ba poproblemahin ko kung may suot ako, nakita na din naman nila ang naked body ko. Hihiram na lang ako ng damit nila, then I will explain my situation. Alam kong kalilipat pa lang nila sa bahay nila ngayon, pero need namin na umalis ng town just to be safe. Natuwa ako nang makita ko na ang highway, at may di-kalayuan ay may nakita akong bahay. Maingat akong lumapit doon at nakita ko ang ilang mga damit na nakasampay sa labas. Mukhang natutulog pa ang mga tao na nasa bahay dahil pasikat pa lang ang araw. Tumingin ako sa paligid at nang masigurado ko na walang tao, nag-shift na ako sa aking human form. It really hurts dahil hindi pa bumabalik ang dati kong lakas. Basa pa rin ang mahaba kong buhok, at marumi ang buo kong katawan dahil na rin humiga ako sa forest floor. Agad akong kumuha ng nakasabit na damit at sinuot ko ito. After that, tumakbo na ulit ako, pamilyar sa akin ang lugar pero malayo-layo pa ang farm rito. I was running fast, hindi normal para sa isang tao ang aking bilis hanggang sa dumausdos ako sa lupa nang bigla na lang may sumunggab na isang wolf sa akin. “What the hell…” sambit ko. Namilog ang aking mga mata dahil may lumabas pang iba. ma y ilang wolf at meron din sa kanilang human form. Kitang-kita ko ang pula nilang mga mata at naaamoy ko ang kanilang scent, it smells like violence and death. Kaya hindi sigurado ako na mga wolves sila na hindi parte ng isang pack, kundi rouges na katulad ko. Mga wolves na wala na sa katinuan at puro pagpatay na lang ang gusto nilang gawin. Their humanity is gone, no remorse, you can get any empathy from them, gusto lang nila ay pumatay. “Tingnan mo nga naman ang swerte natin…” sabi ng isang lalake. “Isang naliligaw na wolf na naman ang ating paglalaruan.” “Sandali, kilala ko siya,” sabi naman ng isang babae na nakakapit sa braso ng lalake. “Anak ka nong cruel Alpha, hindi ba? Yong nagdi-display ng pugot na ulo ng mga rogue wolves sa territory nila. Swerte talaga tayo, pero mukhang hindi ka na parte ng kanyang pack.” dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako and I bare my fangs at her. “Anong nangyari, little girl? Mabuti at pinakawalan ka ng Alpha mo ng buhay.” “Kakatakas ko lang, kaya huwag na kayong dumagdag pa. Gusto ko lang lumayo sa lugar na toh, pabayaan niyo na ko,” matigas kong sabi sa kanya. Ngumisi naman ang babae. “Bakit ka naman namin pakakawalan kung magagamit ka namin para patumbahin ang malupit mong ama? Mas brutal pa nga siya kaysa sa amin na rouges na wala ng kahit anong trace ng human sa aming katawan. Sabihin mo lang kung paano kami makakapasok sa pack mo at pakakawalan ka na namin.” Ngumisi rin ako sa kanya at unti-unting tumalas ang aking mga kuko. Sa kalagayan ko ngayon, hindi ko sila matatalo lahat. Nakakainis, natakasan ko nga ang aking ama, may sumulpot na namang problema. Hindi ko na kaya pang mag-shift dahil sobrang pagod na rin ang aking wolf. “What do you say, little wolf?” Shit! s**t! s**t! I am really in trouble now! Ano na ngayon ang gagawin ko? Walang tutulong na sa akin ngayon dahil mag-isa na lang ako! Tumingin ako sa paligid at wala akong maisip na paraan para makatakas. Tinitigan ko ang babae at gano’n din siya sa akin na hindi nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi. Tumingin din ako sa kanyang mga kasama at nag-cringe ako nang dilaan ng isang lalake ang kanyang dila. Sasagot sana ako nang may marinig kaming tunog ng sasakyan na papalapit sa amin. Agad na nagtago ang mga wolves sa gubat para magtago at nanatili naman ang iba na naka-human form. Unti-unti naman akong umatras at hinanda ang sarili ko na tumakbo. Hindi ako nagpahalata sa kanila at nang lumagpas na sa akin ang sasakyan, doon na ako kumaripas ng takbo. “Hindi ka makakatakas sa amin!” Sigaw ng babae na hinahabol na ako. Nahablot niya ang aking damit. Humarap ako sa kanya at malakas ko siyang sinuntok sa mukha at sinipa ang kanyang tiyan sanhi ng pagtalsik niya palayo. Napakurap ako sa aking ginawa, nagtataka man dahil sa lakas ko, tumakbo ulit ako. Naabutan ako ng lalake na unang nagsalita kanina, napangiwi ako when he slashed my back with his claws at muntik pa akong matumba. Pero lumaban ako, umiwas ako nang sumugod siya ulit. With my own claws, I stab him on his shoulder, mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso ang I broke his bones sanhi ng kanyang pagsigaw sa sakit. Malakas ko din siyang sinuntok sa ulo at napahiyaw ako nang may wolf na kinagat ang aking braso. Ilang beses kong sinuntok ang kanyang nguso, then I stab my fingers on his eye. Umalulong ito at binitawan niya ako. Sa natitira kong lakas, tumakbo ulit ako ng mabilis. I was bloody, ang sakit ng likod ko na alam kong may malaking sugat. Hindi ko alam kung hinahabol pa rin nila ako, pero nagpatuloy ako sa aking pagtakbo. Ang mahalaga ngayon ay makarating ako sa aking mates at balaan sila. Hindi ko papayagan na mapahamk sila dahil sa akin! Kahit mas malaki man sila, siguradong wala silang laban sa mga wolves na triple ang lakas. Still, they're just humans and I need to save them! Sumilay ang ngiti sa aking labi nang maaninag ko na ang kanilang tirahan. Doon ko na naramdaman ang panghihina ko ulit, dumadaloy ang dugo sa aking braso at ramdam ko rin ang pagdurugo ng sugat ko sa likod. Ang nakakapagtaka, hindi gumagaling ang mga sugat ko na dapat ay naghilom na ngayon. Huminga ako ng malalim, just a little bit more at mararating ko na sila. Sumuot ako sa malaking butas ng gate at naglakad ako papunta sa kanilang bahay. Napahawak ako sa railings ng porch habang umakyat ako sa hagdan, humawak ako sa pinto tapos ay malakas akong kumatok. Wala akong narinig mula sa loob, kaya kumatok ulit ako, pero wala pa rin sumasagot. Naluluha na ang aking mga mata dahil pumapasok sa isipan ko na baka nakuha na sila ng aking ama at pinaparusahan na sila, or worst baka pinatay na sila! Kung nangyari man ‘yon, mararamdaman ko sana sa wala na sila mula sa aming mating bond. Kakatok sana ulit ako nang bumukas na ang pinto. I was relieved nang makita ko si Cygnus na gulat na gulat ang mukha nang makita niya ako. Muntik na akong maatumba kung hindi lang ako nakahawak sa gilid ng pinto. Nagble-blurry na rin ang aking paningin, my body is burning at matinding sakit na ang dumadaloy sa aking mainit na katawan. Malakas akong napaungol sa sakit at tuluyan na nga akong natumba. Nasalo niya ako, pero pati ang hawak niya ay nagdudulot ng sakit sa buo kong katawan. Nagsimula akong manginig, at hindi ko na ito makontrol pa! “Andromeda!!!” ito ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD