Phoenix POV
Nagising ako sa pagtapik ni mama sa aking paa. Oo, paa. Hindi mukha. Nakasiksik kasi sa leeg niya ang isang paa ko dahil sa kalikutan kong matulog. Hindi ko kaya'ng basta na lang matulog na iisa ang posisyon. Ang gusto ko ay iyong nagkakandabali-bali ang katawan ko sa kabibiling.
“Ang batang 'to..." Narinig ko ang reklamo niya habang inaalis ang binti ko na kulang na lang ay pumulupot sa kaniya. Naramdaman ko na rin ang pagbangon niya. "Phoenix, gumising ka na. May pupuntahan tayo."
“Ma, naman…inaantok pa 'ko. Thirty minutes pa...” I said in a sleepy voice.
“Ang five minutes p'wede pa. Pero ang thirty minutes, maglubay ka! Kaya bumangon ka na d'yan at maligo bago pa kita buhusan ng malamig na tubig." Wala akong nagawa nang banggitin na naman niya ang panakot na malamig na tubig.
"Saan po ba kasi tayo pupunta? Ang aga-aga pa, ma." Napakamot pa ako sa ulo ko na mukhang pugad ng ibon tuwing kagigising.
JAKE's POV
“Sir Jake? Sir Jake? Oras na po ng gising n'yo. Maghanda na raw po kayo sabi ng daddy n'yo dahil parating na po ang bisita at kailangan n'yo raw po silang harapin.”
Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi marinig ang mga sinasabi ng mga istorbo naming kasambahay. Pangatlo na kasi siya na pumunta sa kwarto ko para manggising.
“Sige na. Ako na ang bahala. Makakaalis ka na.” Narinig ko si Manang Bebe. Mukhang kapapasok lang niya sa kwarto ko. At sumasaklolo lang siya kapag hindi ako mapasunod ng ibang mga kasambahay rito sa mansyon.
Si Manang Bebe kasi ang pinakamatagal na sa mga katulong namin. Kumbaga ngayon ay tagamando at monitor na lamang siya ng mga baguhan.
“Jake, bumangon ka na. Parating na ang bisita ng daddy mo."
Napilitan akong tanggalin ang unan ko sa mukha. “Five minutes, manang..." Nakapikit pa rin ako dahil sa sobrang antok. Ikaw ba naman ang matulog ng alas tres ng madaling araw, e.
“Sige. Bilisan mo at bumaba ka na, ha?" Kahit hindi naman ako sumagot ay tila naging kampante siya na susunod ako kaya agad din siyang lumabas sa kwarto.
***
Pagkatapos kong mag-shower at gumayak ay bumaba na rin ako. Hindi ko alam kung sino ang bisita ni daddy na tinutukoy ni manang kanina. Wala akong ideya dahil hindi naman nila ako na-informed.
Pumunta muna ako sa dining area upang ipaghanda ang sarili ko ng brewed coffee. Then, I went to dad’s office para sana alamin sa kaniya kung sino ang bisita, pero wala naman siya roon kaya bumaba ulit ako.
Pumunta ako sa garden upang doon lumanghap ng hangin at mag-relax. Ngunit palapit pa lang ako nang may marinig akong ingay.
Pagdating ko roon, may nakita akong bata. Tuwang-tuwa ito sa mga bulaklak. Maging si Manang Bebe ay narito rin at mukhang aliw na aliw sa batang iyon.
Pero mukhang hindi naman siya batang-bata. I think around 14 or 15 ang edad nito. Maganda ito at napakaamo ng mukha.
Sino kaya s'ya? Anak kaya ng isa sa mga tita ko? Ngayon ko lamang kasi ito nakita.
Napalingon si Manang Bebe sa direksyon ko kaya agad niya akong nilapitan. Iyong bata naman ay lumapit sa pool at ibinabad ang mga paa sa tubig.
“Where’s mom and dad?” tanong ko rito nang makalapit siya sa tabi ko. Pero ang mga mata namin ay parehong nakatuon sa batang babae.
“Hintayin mo at pupunta s'ya rito." Bumaling ito sa akin at tila may biglang naalala. "Iyong niluluto ko nga pala! Naku!" Nagmamadali siyang pumasok sa loob. Ako naman ay naiwan at nakatanaw pa rin sa batang naglalaro sa pool.
Ilang sandali pa ay nagdesisyon akong lumapit sa kaniya. Pero mukhang hindi niya ramdam ang presensya ko kaya gumawa pa ako ng ingay gamit ang sapatos ko. Ilang beses ko 'yon ipinadyak.
Nang humarap na siya sa akin ay nagulat pa ito. “Ay, kabayong bundat!”
What the heck is kabayong bundat?!
Inis akong nagbaba ng tingin sa tiyan ko. Hindi naman bundat. Sa loob nga ng suot kong long sleeves ay may natatago pang pandesal.
Inalis niya ang mga paang nakababad sa pool at saka humarap sa akin. Bakas ang pagtataka sa mukha niya at para bang kinikilala pa ako.
“Hoy, bata. Bawiin mo 'yung sinabi mo. Hindi ako bundat." Ang akala ko ay mahihiya itong magsalita ngunit nagpanting ang pandinig ko sa naging sagot niya.
“Sorry ka na lang pero hindi ako marunong bumawi sa mga sinasabi ko!” Tinaasan pa ako ng kilay. Langyang bata 'to! Marunong sumagot.
Magsasalita pa lang sana ulit ako nang bigla kong narinig si mommy. Papalapit ito sa amin. “My baby girl! Oh my goodness! You’re so cute and charming.” Niyakap niya agad ang batang babae nang makalapit siya rito.
“Mom, are you blind?" apila ko. Dahilan para lingunin ako ni mommy at ng batang yakap niya. "What do you mean cute and charming? Tss!" She didn't respond and just gave me a deadly look before turning to her again.
“Let's go inside, sweety. May pag-uusapan tayo." Inakay na niya ito papasok sa loob. "Ang ganda-ganda mo naman pala..."
Naiwan akong nakatayo at napailing pa bago tuluyang sumunod sa kanila.
PHOENIX POV
“MAMA! / WHAT?!” Pareho kaming nagulat at nagkasabay pang nagsalita ng lalaking masama ang ugali pagkatapos i-explain sa amin ng daddy niya kung ano ang mangyayari.
“Mom, dad? Are you crazy?! Ipakakasal n'yo ako sa bub'wit na 'to?! And how old is she? She's only fifteen! Kilabutan nga kayo!”
Ako naman ang nagsalita. “BAKIT? SA TINGIN MO GUSTO KONG MAGPAKASAL SA'YO?! EWW! MAN'DIRI KA NGA!!!” sigaw ko rin sa kaniya. Sunod ay kay mama naman ako bumaling. “Ma, ano ba'ng sinasabi mo na ikakasal ako sa lalaking 'to? Ang bata-bata ko pa po!” pagmamaktol ko.
“P'wede ka naman na ikasal, anak." Hinaplos niya pa ang buhok ko pero tinabig ko ang kamay niya.
“Yes. Baby girl." Napalingon ako sa babaeng kanina ay tuwang-tuwa sa akin. Mommy ni Jake na sa pagkakatanda ko ay Maybelline ang pangalan. "May mga bansa ngayon kung saan p'wedeng ikasal ang underage. Kailangan lamang ay ang parents consent. Kaya kung 'yon lang ang inaalala mo—"
“AYOKO! / NO!” Sabay na naman kaming umapila ng anak nila.
“Jake, nakapagdesisyon na kami ng mommy mo.” Ang daddy niya naman ang kumibo. “Pero bibigyan namin kayo ng oras para kilalanin muna ang isa’t isa.”
“After no'n dad, ano'ng mangyayari? Kapag hindi namin nagustuhan ang isa’t isa, ititigil n'yo na ba ang kabaliwan n'yo?”
“Hindi ko alam. Saka na natin 'yan problemahin. Who knows? Baka ma-develope kayo sa isa't-isa kapag umedad itong si Phoenix. Basta sa ngayon, buo na ang desisyon. Magpapakasal kayo, ” his dad said giving us no choice.
Mangiyak-ngiyak ko namang tiningnan si mama. “Ayoko! Ayokong magpakasal!"
“Anak…” Tila hindi rin nito alam kung ano'ng sasabihin niya.
Tumayo naman ang mommy ni Jake. Akmang lalapitan niya ako ay agad akong umatras at muling ipinagsigawan ang desisyon ko. “Basta ayoko!”
Matapos 'yon ay nagmadali akong tumakbo palabas ng malaki nilang bahay na akala mo mansyon. Narinig ko pa na tinatawag nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa.
JAKE'S POV
“Jake, ano pa'ng hinihintay mo? Sundan mo s'ya!” natatarantang baling sa akin ni mommy nang tumakbo palayo ang batang si Phoenix.
“Ayoko! This is insane!" Tumalikod na rin ako sa kanila para umakyat sana sa kwarto ko pero bigla rin akong natigilan nang em-echo ang malakas na pagtawag ni dad sa akin.
“Jake Martin O'Hara!"
Mariin akong napapikit, kasunod ang malalim na buntong-hininga. Sa pagkakataon kasing ito ay wala na akong choice kun'di ang sundan ang batang 'yon.
Ano ba kasi'ng kabaliwan ang naisip nila at gusto nila kong ipakasal? At sa 15 years old pa? Hindi ko ma-imagine!
***
Kung saan-saan ako nagpunta para hanapin ang bub'wit na 'yon pero hindi ko ito makita.
Saan ba nagsuot 'yon?
Bumaba ako sa kotse para magtanong-tanong sa mga taong nasa paligid.
“Excuse me ho? P'wede po bang magtanong? May nakita po ba kayong batang babae na tumatakbo?" tanong ko sa ginang na sa tingin ko ay kasing edad ni Manang Bebe.
“Ano'ng itsura?”
Itsura?
“Uhm…" Saglit akong napaisip upang balikan ang unang beses na nakita ko ito sa garden. "Maganda...maputi...kulot ang buhok na lagpas sa balikat...at sakto lang ang katawan." Kinilabutan pa ako sa description na sinabi ko pero wala akong magagawa kun'di ang sabihin kung ano nga ang itsura niya. Baka sakaling makatulong iyon para mapabilis ang paghahanap ko sa kaniya.
“Ah! S'ya siguro 'yung batang tumatakbo kanina. Nakita ko s'yang pumunta ro'n.” Itinuro ng babae ang open playground sa 'di kalayuan kaya agad ko iyon pinuntahan.
At hindi pa man ako nakakababa sa aking sasakyan ay agad ko na itong natanaw sa swing. Pero instead na nakaupo ay nakatayo siya habang nagduduyan.
Bata nga naman! Napailing na lang ako. Sa ganito ba ako gustong ipakasal ng magulang ko? Hanep pala!
Lumapit ako at naupo sa katabing swing. “Tara na. Hinahanap ka nila.”
Inis niya akong nilingon habang patuloy pa rin sa pagduduyan. “Ayoko nga! At saka bakit ka narito? Sinusundan mo ba 'ko?”
“Sinundan kita dahil 'yon ang gusto nila! Abala sa 'kin 'to kung alam mo lang!" Nagulat ako nang bigla siyang tumalon para bumaba sa duyan at walang lingon-lingon ako nitong iniwan. “Saan ka pupunta?” Napilitan akong habulin siya kahit naiinis na.
PHOENIX POV
Napadpad ako sa isang open playground at agad nagningning ang mga mata ko nang makita ang bakanteng duyan. Kaya naman kahit nasa kalagitnaan ako ng problema at isipin sa buhay ay nakangiti ko iyon tinungo.
Kumapit ako sa magkabilang hawakan at saka ko itinungtong ang aking mga paa sa upuan. Ibinalanse ko rin ang aking katawan para simulan ang pag-ugoy.
Ano? Kasal? Duh. Ang bata ko pa kaya! Marami pa 'kong gustong gawin kaya hinding-hindi mangyayari ang binabalak nila. Over my dead—teka? No. Baka bigla nga akong malaglag dito sa duyan at mamatay.
Napailing na lamang ako. At sa kalagitnaan ng panlilibang ko sa aking sarili ay saka naman muling sumulpot ang lalaking ngayon pa lang ay kinamumuhian ko na. Sa katabing duyan ito pumuwesto.
Ngunit bago pa man ako tuluyang mabadtrip sa kaniya ay nagdesisyon na akong umalis at lumipat ng puwesto kung saan walang manggugulo sa akin.
“Saan ka pupunta?” Ramdam ko ang pagsunod nito.
Saglit naman akong tumigil at hinarap s'ya. “Oh? Wala naman sila rito, ah? Walang magsasabi sa'yo na sundan mo 'ko kaya bakit ka pa sumusunod sa 'kin?” Sabay irap.
“Lahat ng bata nakakatuwa, ikaw lang ang hindi." Inirapan din niya ako.
“Kung gano'n, isa lang ang ibig sabihin no'n. Hindi na ako bata!”
“H'wag ka na ngang sumagot d'yan!" Dali-dali niya akong nilapitan at hinawakan ang aking braso. "Hinahanap ka na nila! Babalik na tayo sa bahay.” Sinubukan niya akong hilahin pero nagmatigas ako at binawi ang aking kamay.
“Bakit ba ang kulit mo? Ayoko nga, 'di ba? Ayoko. A. Yo. ko!” Tinalikuran ko na siya at nagsimula na ulit maglakad. Pero nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at isinablay sa kaniyang balikat ang maliit kong katawan. “AAAAAH! IBABA MO 'KO! ANO BA! IBABA MO SABI AKO!” Pinalo-palo ko pa ang kaniyang likuran ngunit hindi niya ako pinakinggan.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao pero wala rin itong pakialam at hindi talaga ako ibinaba.
Pagdating sa sasakyan, ipinasok niya agad ako sa loob at saka siya mabilis na sumakay sa kabila.
"Kung hindi ako mabait, baka inilaglag na kita kanina. Ang sarap mo pa namang ihagis!" Napailing pa siya nang sulyapan ako.
“Lagot ka sa mama ko! Isusumbong kita!" inis kong sabi rito.
“Magsumbong ka. Gusto mo samahan pa kita?" He smirked.
“Monster ka!”
“Chaka doll ka naman."
“Ang ganda ko naman para maging chaka doll?"
“At ang gwapo ko rin para maging monster!"
“Pangit ka!”
“Ikaw rin. It's a tie."
“Maganda kaya ako!”
“Sino'ng nagsabi?”
“Mommy mo 'tsaka marami pa!”
“Malabo na kasi ang mga mata nila. Ako, perfect vision pa. 20/20."
“Hindi ka ba magpapatalo? Bata lang ako!” Kanina pa ako naiirita sa kaniya dahil palagi na lang siyang bumubuwelta.
“Bata ka nga. At ang mga bata, mahilig maglaro. Kaya mag-seatbelt ka...maglalaro tayo ng karera.”
Napasigaw na lamang ako nang pinaandar niya nang mabilis ang sasakyan. Idagdag pa na convertible ito, iyong walang bubong kaya naman pakiramdam ko ay humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa malakas na hangin.
"A-AYOKO NA!" sigaw ko sa kaniya. Ngunit hindi ako nito pinakinggan. Nang sulyapan ko siya, tuwang-tuwa pa. Habang ako ay parang mamamatay na. Sa inis ko at takot ay muli akong napasigaw. "Hindi talaga ako magpapakasal sa'yo!!!"
At natatawa naman itong sumigaw pabalik. "WALA NA TAYONG MAGAGAWA! YOOHOOO!"