PHOENIX GONZALES Nakalimutan kong hawak ko nga pala ang platong may mansanas, kaya nang lumuwag ang pagkakahawak ko ro’n, diretso sa kandungan ko pati na rin ang condensed milk na plato lang din ang sumasapo. “Sht. Lalanggamin na tayo n’yan,” narinig kong bulong niya at saka siya dumukwang palapit para tulungan akong damputin ang mansanas sa kandungan ko, pero agad ko siyang tinulak. “Lumayo ka nga sa ‘kin! Naiinis ako sa’yo!” Ako na ang dumampot ng mansanas at binalik ko ‘yon sa plato. Pero ‘yung gatas, hindi ko alam kung paano ko ibabalik sa mangkok. “Pa’no ngayon ‘to?!” Pinagmasdan ko ang gatas na nakakalat sa magkabilang hita ko bago siya balingan. “Nakakainis ka talaga sa buong mundo, Jake!” “Ba ‘yan? Maliit na bagay lang pinoproblema mo! Pumirmi ka. Ako na bahala!” Agad siyang lu

