PHOENIX GONZALES Kirot at sakit ang gumising sa akin nang maramdaman ko 'yon sa bandang paa at kamay ko. Sinubukan kong gumalaw pero napahiyaw lamang ako sa naramdaman kong sakit. “AAAAAAAHHHH!!!” Nanginginig ang katawan ko sa takot pero pinilit kong ibaba ang tingin sa paa ko, sunod sa mga kamay kong tila nakagapos din. At lalong nabuhay ang takot sa dibdib ko nang makita na hindi lamang basta tali ang nakapaikot sa parehong paa at kamay ko kun'di isang barbed wire. Panaginip ba 'to? “Aaaahhh! Pakawalan n'yo 'ko!” Sumigaw ako nang muling makaramdam ng matinding kirot. May mga dugo na sa kamay ko pati na rin sa paa dahil sa barbed wire na tumusok sa balat ko, tagos sa laman. Ramdam na ramdam ko 'yon at sobrang kirot. Nakakapanghina. “Pakawalan n'yo 'ko! Tulungan n'yo 'ko!” May p

