PHOENIX GONZALES KINABUKASAN. Nagising ako sa maagang pagtunog ng alarm clock ni Ate Sophie. 6:00 am siyang bumangon para magluto, habang ako naman ay nanatili pa sa kama upang magpainin sandali. Dinukot ko ang phone ko sa ilalim ng kama nang maalala kong nakatulugan ko si Jake kagabi habang ka-text ito. Ngunit nalukot ang mukha ko nang makitang wala pa rin pala siyang naging reply sa tanong ko sa kaniya kung nasaan siya. Sa halip na iidlip pa sana ako dahil maaga pa, napilitan na lamang din akong bumangon. Nagtimpla ako ng gatas ko. Si Ate Sophie rin ay nagpadamay na ng kape niya habang nagsisimula na siyang magluto. Maaga rin kasi siyang aalis dahil ngayon ang interview niya sa O’Hara International Company. Ako naman ay papasok na rin sa shop para asikasuhin ang mga naiwan ko roon n

